PROLOGUE

60 2 0
                                    

Present day. Los Angeles International Airport(LAX)

Boarding na ang PR 403 ng Philippines Airlines mula LA,California patunggong Maynila.Tumatakbo si Sefh,bitbit ang kanyang Nort Face backpack na gray.Mabuti na lang at naka rubber shoes siya, atleast mabilis siyang makakarating sa GATE 7 kung saan nakapila na ang mga tao.

"Buti umabot ako! Aniya na hinihingal pa.kinuha nya ang kanyang passport at boarding pass s pocket ng kanyang backpack. Ngumiti saknya ang ilang pinoy na nasa unahan niya. Matagal ka na sigurong hindi nakakauwi sa atin no? Sabi ng isang babaeng tantiya niya ay nasa late 60's na."mukhang excited ka,eh...

Kakauwi ko lang ho actually.
"At babalik ka na uli sa pilipinas?tanong ng isa pang senior citizen.
Tumango siya. Ang swerte mo naman,madalas ka palang nakakauwi sa pilipinas.Ako,ngayon lang ulit.After thirty years..
Naputol ang pag uusap nila ng sabihin ng ground crew na bilisan na nila dahil sila na ang huling pasahero.Lihim siyang nagpapasalamat dahil kahit last minute decision ang pag uwi niya ay nakaabot pa rin siya sa Flight.
"Enjoy your flight Sir. Sabi ng PAL attendant pagpasok niya sa eroplano.
"Thank.I will..
Pag upo niya ay saka niya lang naramdaman ang pagod.Masakit ang likod niya at mga paa pero okay lang iyon.mahaba ang biyahe,makakapagpahinga siya.Ang importante ay pauwi na siya.

Hindi agad siya nakatulog.Tuwing ipipikit niya ang mga mata ay sari-saring images ang pumapasok sa isip niya.kaya nanood na lang muna siya ng palabas sa mini-tv na nasa harap ng kanyang upuan.Nakadalwang pelikulam siya bago tuluyang nakatulog. Hindi niya namalayan ang 14 hour trip.Nagising na lang siya nang marinig nyang malapit na silang lumapag sa Manila. Saka siya nakaramdam uli ng kakaibang sensasyon sa kanyang sikmura. He was having an anxiety attack! Dali-Dali nyang inabot ang kanyang backpack para kunin ang gamot na naroon.

"Sir,please sit down, sabi sa kanya ng flight attendant.
I just need to get my medicine. Masakit ang sikmura ko."
Hinayaan na siya nito hanggang sa makuha niya ang gamot.Binigyan pa siya nito ng paper cup na may tubig.
"Salamat. Aniya.
You're welcome,Sir. And please fasten your seatbelt.." tumango siya at inayos ang kanyang seatbelt. Hindi na siya mapakali. Ilang sandali na lang ay makikita na niya si Baile. Napangiti siya. Tiyak na masosorpresa ang babae dahil hindi siya nagpasabi na darating  siya. Paglapg ng paglapag ng eroplano ay mabilis na kinuha ng binata ang kanyang backpack kahit nagsabi na ang flight attendant na PA system na wala munang tatayo dahil umaandar pa ang eroplano. He was just too excited to obey the rules.

"Sir, baka mauntog ho kayo," narinig niyang komento ng flight attendant.
"Sorry. Ngumiti siya sa babae. "Excited lang.

Pagkalabas niya ng eroplano ay patakbo siyang lumapit s immigration . Siya ang nauna sa pila! Paglampas niya sa immigration ay hindi na siya makapghintay na makuha ang kanyang maleta.Every ten seconds ay tumitingin siya sa kanyang relo. Nang makita niya na ang kanyang itim na Samsonite luggage ay mabilis niyang kinuha iyon at tuloy-tuloy sa labas ng airport para sumakay ng taxi.

Kumabog ang dibdib niya sa excitement at kaba. Pagdating niya sa bahay nila ay mabilis siyang naghubad ng damit at nagbukas ng maleta. Naroob ang isang maliit na box na regalo niya para kay Baile.Matapos ilagay sa kama ang itim na box ay nagtungo na siya sa banyo para mag-shower. Kesehodang pagod siya sa biyahe basta ang gusto niya ay presko siya kapag nagkita sila ng babae.
Matapos mag shower at magbihis ay kinuha na niya ang wallet,jacket, regalo, cellphone saka lumabas ng kuwarto.

"Sir,bakit nandito kayo? Gulat na gulat si Bebang, Ang kasambahay nila ng makita siya. Hindi nito namalayang dumating na pala siya.
"Nasaan ang susi ng kotse ko? Aniya habang isinusuot ang kanyang jacket. Nang iabot sa knya ng katulong ang susi ay lumabas na siya at nagtungo sa garahe. Alam niya kung saan pupuntahan si Baile. Ilang sandali pa ay nasa biyahe na uli siya.

"ANAK! MY GOD,ano'ng ginagawa mo dito? Nasa mukha ng mommy niya ang matinding gulat pagkakita sa kanya.
"Umuwi ako for my sister's graduation. Ngumisi siya. Halos humaba ang leeg niya sa paghahanap. Nasaan siya?
Nasa unahan! Teka, anang ginang na nakisingit na rin sa kumpulan ng mga tao na naroroon sa graduation.
"Hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka. Nagiging habit mo na ang manggulat,ha!
"Ayun siya! Halos takbuhin niya ang kinaroroonan ng kapatid. Katulad ng mommy niya at nanlaki rin ang mga mata ng kapatid. "Kuya! Paano ka nakarating dito?
"Sumakay ng eroplano. Niyakap niya si Ella. "Akala ko busy ka? Sabi mo di ka makakauwi. Humaba ang nguso nito at natawa siya. Matiis ba naman kita? Pinisil niya ang ilong nito at bumulong. Where's your friend? Kitang-kita niya na nawala ang ngiti ng kapatid. "S-si Baile? Halos pabulong din ang boses nito.
"YES! Nasaan siya? Is she with her parents? Nasaan ang family niya? Tiningnan niya ang paligid, hoping na kahit maraming tao ay makikita niya ang hinahanap. "I want to see her!

" W-wala na siya, kuya.
"Anong wala? Naisip niyang ginu-goodtime na nmn siya ng kapatid. Pero seryoso ang hitsura nito. Kumabog ang dibdib niya. "What do u mean?
"Wala na si Baile,kuya..
Pakiramdam ni sefh ay umikot ang paningin niya.

























Hello guys! Suportahan niyo naman niyong bago kung storya na inspired lang talaga ako kaya sinipag na naman ako. Hehehe
Pls vote and comment po! Sana magustuhan niyo ang story ko.
Maraming salamat sa inyo. GODBLESS YOU ALL! 😘😘😘😘😘

WILD HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon