CHAPTER 2

16 0 0
                                    

"SEFH! Literal na napasigaw si MRs.Castillio ng makita ang panganay na anak sa labas ng gate nila na may dalang medium size na maleta at isang backpack. Bakit hindi ka nagpasabi na darating ka? Alas 8 palang ng umaga at kasalukuyang nasa garden ang ginang para maglakad-lakad at tingnan ang mga alaga nitong bulaklak ng tumunog ang doorbell. Nang silipin niya ay nagulat ito ng husto.

"Ma! Niyakap niya ng mahigpit ang ina.
'Bebang! Bebang! Sumigaw ulit ang ginamg this time ay tinatawag ang kasambahay. Humahangos na lumalabs ang tinawag. Ipasok mo ang mga gamit ni Sir Sefh mo.
"Ako na, Ma ang gaan lang naman nito.
Hindi.Gusto ko yakap-yakap pa kita. Hayaan mo na si Bebang jan. Saway ng ina. Na-miss kita ng husto,ANAK.

Miss din kita Ma, kahit lagi tayo g nag uusap sa phone. Natatawang saad niya. Sana nagsabi ka para napaghandaan ko ang pagdating mo. Sana may welcome party, himutok nito. Hindi ko kasi sigurado kung maa-approve ang leave ko kaya hindi ko muna sinabi sa inyo. Nang mapirmahan ang bakasyon ko, the next day,lumipad na agad ako rito. Mabuti't pinayagan ka! Namuo ang luha sa mga mata nito. Agad niyang pinahid iyon. Huwag ka ng umiyak, Ma, dapat masaya tayo.

Hindi lang ako makapaniwal na nandito ka na. Ngumiti ito at hinila siya. Halika, magpahinga ka muna sa kwarto at ipapahanda ko ang mga paborito mong ulam.
"Ginataang ubod at lechong kawali? Napangiti siya. Patatakbuhin ko si Bebang sa palengke ngayon din,Nakangiting sagot nito. Saka magluluto din ako ng paborito mong nilagang baka!

Yes!Home sweet Home. Pagpasok sa loob ng bahay ay may naalala siya. Si Ella nga pala? Kaya siya talaga umuwi ay para makita at makausap ang kapatid. 'Naku hindi umuwi! Tawag nga ako ng tawag kagabi sa kanya. Sumbong ng ina. Pinaupo muna siya nito sa sofa,bago tumabi sa kanya. May group study daw sila saka presentation mamaya kaya nag-overnight.
Saan? Sinong mga kasama?
Yung mga kaibigan nga niya at mga kaklase. Yung mga tomboy? Hindi kumibo ang ina kaya napahawak siya sa noo. Kararating pa lang niya pero mukhang tatalunin ng gimik ni Ella ang jetlag niya sa pagbibigay sa kanya ng wala oras na migraine.

Pumasok ka na nga lang muna sa kuwarto mo. Suhestiyon ng ina. Matulof ka na muna,sige na. Mamaya mo na problemahin ang kapatid mo. Uuwi rin yun mamaya?
Humanda sa akin mamaya ang malditang yan!
Pagpasok niya sa kwarto ay nakalimutan niya ang inis sa kapatid. Nakita kasi niyang ganoon pa rin ang ayos ng silid niya. Maging ang kama at unan ay maayos at nakalagay ang paborito niyang bedsheet. Weekly pa ring nililinis ang kwarto mo saka pinapalitan ang beddings. Anang mommy niya na sumilip mula sa pinto. Kapag nalulungkot ako,dito ako natutulog. Nilapitan niya at niyakap ang ina. Maging siya ay muntik na ring mapaiyak sa sinabi nito.
"Pasensya ka na, Ma ngayon lang ako nakauwi.
Naiintindihan ko Anak.
Hayaan mo,every year na akung uuwi. Mabuti naman. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kanya. Magpahinga ka na. Tatawagin ka nalang kapag luto na ang pagkain. Unless, gusto mong magkape muna? Mamaya na po. Matutulog muna ako.

HINDI NAMALAYAN NI SEFH ang oras. Nakatulog pala siya ng mahimbing. Alas dos ng hapon na siya nagising. Ni hindi pa nga siya nakakapag shower dahil basta na lamang siya sumalampak sa kama kanina pagpasok niya sa kuwarto.
Nag inat-inat muna siya ng ilang minuti bago bumangon at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos magbihis ay saka siya lumabas.
Sefh, halika anak. Kumain ka na. Andito ang mga paborito mong pagkain o, anyaya ng mommy niya.

Napangiti siya ng mamataan lahat ng binanggit na putahe ng mommy niya kanina pagdating niya. Talagang niluto lahat ng mga iyon para sa kanya. Maraming Filipino Restaurants sa california,lalo na sa LA at sa Burbank.
Anytime na gusto niya ng mga native dishes ay puwede siyang bumili roon, pero iba pa rin talaga ang lasa ng luto sa Pilipinas. Kaya agad siyang natakam nang makita ang mga nakahain sa mesa. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Talagang kumain siya ng husto!

"Champion ka pa ring magluto Ma. Papuri niya pagkatapos kumain. Pakiramdam niya ay pang-isang buwan ang nakain niya!
Nambola ka pa. Panay fast food ka kasi siguro sa states. Tingnan mo oh ang payat-payat mo na.
Lean and fit lang ako Ma,natatwang pagtatama niya. Magsasalita pa sana siya nang biglang bumukas ang pinto sa sala. Sabay silang napatingin doon ng ina.
"KUYA? Nakatayo sa pintuan si Ella. Maikli ang buhok nito. At may highlights. Malaki ang silver earrings na suot para itong rockstar. Lalo itong nagmukhang matangkad dahil slim at naka boots na mataas ang takong.
Ella? Hindi naman mukhang tomboy ang kapatid niya fashionista lang na parang emo dahil naka black at naka eyeliner. But it was his little sister all right. Biglang tumakbo si Ella at yumakap sa kanya. Na realize niya na na-miss niya ng husto ang kapatid, at naglahong parang bula ang inis niya rito.
"Ang laki mo na ah. Natatwang sabi niya. Dati na akong malaki kuya. Ano ka ba? Bumungisngis ito. Napatingin ito sa mga pagkain sa mesa. "Wow andaming food! Tamang-tama di pa kami kumakain ni Baile.
Baile"? Nawala ang ngiti niya. Sa loob-loob niya heto na ang sinasabi ng mommy niya na bad influence sa kapatid niya. 'My best bud. Nasa labas, may kinuha lang sa kotse. As if on cue, biglang pumasok ang isang babae na kulay gray ang buhok na straight at mukhang naka hairspray. Mas matangkad ito kayaa kay ella kahit hindi naka boots. Naka faded levi's jeans ito, may punit ang tuhod, naka all black with jacket. May backpack ito at bitbit na ilang libro. Feeling ni Sefh ay character sa isang 80s na hollywood movie ang babae. Wala rin itong makeup pero dahil sobrang puti at makinis ay bumagay rito sa natural look. 

'Eto ang mukhang tomboy kung pomorma, agad na konklusyon niya.
Baile! Meet my brother. Halika, sweety come on. Andaming pagkain! Hinila ni Ella ang bagong dating at ipinakilala sa kanya. Isang tipid na tango ang ibinigay niya. Hindi niya magawang ngumiti. Lalo pa't inakbayan ng tinawag na Baile'at sweety ang kapatid niya. Nakita niyang namutla na ang mommy nila sa isang tabi.

Tama pala si mommy, agad na naisip niya. May basehan ang kaba nito dahil tila may ginagawa ngang milagro ang kapatid niya at ang babaeng kasama nito. Sayang, maganda pa naman pero nalihi ng landas,  sa loob-loob niya.pasimple niyang sinulyapan ang kasama ni Ella habang patungo sila sa dining room.  Tita, kayo po ang nagluto? Umupo si Baile sa tabi ni Ella sa hapag. Oo. Tinawag ng ina si Bebang para maglagay ng dagdag na plato sa mesa. Alam mo namang masarap magluto si mommy. Ani Ella. Kinuha nito ang tinidor at sumubo.

"I'm sorry ... i didn't get your name. Nakatingin sa kanya si Sweety.
"Killian sefh ang pangalan ko. Pilit niyang pinapormal ang boses. His friends call him Sefh. Sabad ni Ella.
Sefh. That's cute. Ngumiti ang Tomboy sa kanya. Muli siyang nakaramdam ng panghihinayang. Anak, tapos ka na ba? Gusto mo ba ng dessert? May ube halaya diyan. Pinabili ko kanina habang tulog ka. Alam ko kasing paborito mo. Pareho kayo ni Baile. Paborito din niya ang ube halaya, sabad ni Ella.
Napatingin siya sa babae. Nakatingin din ito sa kanya. Pagkuwa'y ngumiti ito. Napilitan din tuloy siyang ngumiti.

WILD HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon