Chapter 10: Sharing Room

65 5 1
                                    

∽♡◇♧♤∽

Kristal ended the phone call saka tumayo at lalabas na ng store. Nang makalabas na siya ng pintuan...

"Isda!"

Ginulat siya ni Kent na tawang-tawa sa reaksiyon ni Kristal na halos mawalan ng dugo sa mukha.

"... Kent! Bullsh!t. Baliw ka talaga!." Natigilan siya sandali nang maalala niya ang sinabi ni Jack. "Te-te-teka..."

"Halika na." Hinila siya ni Kent. Hanggang ngayon hindi pa rin siya mapakali, naguguluhan siya.

"Teka nga!" Sigaw ni Kristal nang huminto siya sa paglalakad. "Kent wag niyo naman akong i-prank, hindi nakakatawa ah."

"Ha? Prank? Anong pinagsasabi mong prank?" Naguguluhang tanong nito.

"Ang sabi ni Jack, nasa bahay ka daw, at sarap na sarap sa tulog." Sagot ng dalaga.

"Ha? Anong pinag--halika na nga." Hinila ulit siya ni Kent. 5 meters na lang ang layo nila sa hotel.

Hanggang sa nakapasok na sila, at dumeretso na nang rooms nila, at naghiwalay na rin.

"San ka galing?" Tanong ni Linda kay Kristal.

"Nagutom lang ako. Galing 7-11, kasama si Kent." Sagot nito.

"Si Kent? Natutulog pa si Kent." Nagtatakang tanong ni Yuri.

"Yon na nga eh, naguguluhan ako, ang creepy. Kasama ko si Kent kanina, nagkahawak pa nga kami ng kamay."

Sandali silang natigilan. Habang naglo-loading sa isip nila ang sinabi ni Kristal.

"Eh sino yung? Yung nasa higaan ni... Kent?" Nauutal na kinakabahang tanong ni Yuri.

Halos magsitakbuhan sila papalabas ng room papunta sa room nila Kent. Hindi nila alam kung bakit sila kinakabahan, lalo na si Kristal at Yuri. Nagtataka rin si Linda at Riri sa dalawa, parang ewan dahil bigla-bigla lang silang nagsitakbuhan, kaya sinundan na lang nila ang dalawa.

Unang kumatok sa pintuan si Yuri. "Hey guys? Are you okay there?" Tanong nito.

"Hey? Open this door." Utos naman ni Kristal habang kumakatok din.

"Teka? Ano ba kasing nangyayari?" Tanong ni Riri.

"Yeah, at bigla-bigla lang kayong nagpanik." Singit naman ni Linda.

Hindi na nakasagot sila Kristal at Yuri, sa halip ay bumalik ang atensiyon nila sa pintuan na kakabukas lang ni Jack.

"Oh bakit?" Nagtatakang tanong ni Jack.

"Hoo!" Sabay napabuntong hininga sina Yuri at Kristal dahil pansin naman nila sa binata ang maayos na kalagayan nito.

"Jack." Nanginginig na boses ni Yuri sabay yakap sa binata.

Napa-iling si Kristal at hinayaan na lang ang dalawa na maglampungan, at siya ay diretsong pumasok sa silid at nagmasid sa paligid, and she checked if everything is really fine. Nahagilap ng mata niya si Kent na nakaupo sa kama at busy sa cellphone.

"Jack, Kent. Sabihin niyo nga, pinagtripan niyo ba ako kanina?" Agaw atensiyon na tanong ni Kristal.

"Huh?" Halos sabay na tanong nina Kent at Jack.

"Ang sabi mo kanina Jack, natutulog pa si Kent, eh samantalang kanina sa 7-11 kasama at nakakausap ko pa siya. So ano yon? Magic?" Di makapaniwalang tanong ni Kristal.

"Oh, ah, I'm sorry about that. Heto kasi si Kent, ginamit pa yung unan para lang magkunwaring siya na sarap sa tulog." Sagot ni Jack.

"Really? Eh bakit kanina, halatang katawan talaga ng tao ang nakatabon ng kumot, I mean parang si Kent talaga yon?" Yuri interrupted.

Dream Boy in My DreamlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon