Chapter 26: Untold

20 1 0
                                    

¤ The Truth Untold ¤

Sumapit na ang umagang ikakalungkot ng lahat. Sa bawat pagtakbo ng oras, bumibilis rin ang takbo ng tibok ng puso ko. Habang tumatakbo ang sasakyan patungo kina Lolo Inggo ay ganon rin ang paglapit namin sa katotohanang naghihintay sa amin. Ang katotohanang ikakakirot ng puso namin. Ang katotohanang, wala na si Lola Krisanta at matagal na panahon na iyon. Ngunit batid kong umaasa sila na buhay pa sa Lola Krisanta, kung hindi ko lang nalaman ng maaga hanggang ngayon umaasa rin ako tulad nila. Ang hindi makapaniwalang pangyayari nga lang ay nananatili pa rin si Lola Krisanta sa presensya ng kahit na sino man, kahit na sa ibang katawan siya naroon--sa katawan ko.

Nang nagising ako kanina, akala ko panaginip lang lahat ng nangyari kagabi. Kung hindi inulit-ulit ni ate ang pagkwento sa kasamahan namin ang nangyari kagabi, magpapatuloy pa rin sana akong maniwala na totoong panaginip lang talaga lahat ng iyon, ngunit hindi talaga. At kung panaginip lang talaga lahat ng iyon, hindi sana nangyayari itong nasa kasalukuyan. At kung panaginip lang talaga lahat ng ito, gusto ko nang magising mula sa kasinungalingan.

♡♢♧♤

"Pa! Nandito na sila." Sigaw ng batang babae na sa tingin ko ay anak ni Manong Domeng. Lumabas rin si Manong Domeng at inanyayahan kaming pumasok sa loob ng bahay nila.

Pagpasok ko nakaramdam agad ako ng pangingilabot na siya namang pagkunot ng noo ko. Umupo kami nila tito, Ate Krissy, at Ate Kristine sa sofa. Samantalang ang mga kaibigan namin ay nagpaiwan sa labas.

"Ah---" magsisimula na sanang magsalita si Manong Domeng, but his phone rang that cause him to stop. He excused then he answer the call. "Hello?"

Kapansin-pansin sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi namin alam kung bakit. Sana naman walang masamang nangyari.

"Pasensya na sa istorbo." Ani Mang Domeng sabay patong ng phone niya sa mesa. "Binigla ako ng pamangkin ko. Ngayon daw siya uuwi galing abroad. Sumakto pa talaga ngayong araw. Pasensya na talaga." Paliwanag pa niya.

"Okay lang po. Pamangkin niyo naman po 'yon. Sa totoo nga po niyan, kami dapat ang magpaumanhin dahil kami talaga ang nakaka-abala." Paliwanag rin ni ate.

"Nako, hindi. Ang bisita ay hindi nakaka-istorbo." Pagtatama ni Mang Domeng habang nakangiti.

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang hangin mula sa likuran ko. Paglingon ko, ibang iba agad ang naramdaman ko nang magtama ang tingin namin ni Lolo Inggo. Para bang ang dilim ng mukha niya, parang sobrang lungkot na parang thankful. Hindi ko maintindihan, pero di kaya may alam na siya tungkol sa akin? Sa misyon ko?

"Kay tagal ko tong hinintay."

Nanindig ang mga balahibo ko nang marinig ko ang boses ni Lolo Inggo. Ngunit kitang-kita mismo ng dalawang mata ko na hindi niya binuka ang bibig niya.

Pinagmasdan ko si Lolo Inggo na tulak-tulak ng asawa ni Mang Domeng habang nakasakay ito sa wheel chair. Hanggang sa hininto at itinabi kay Mang Domeng.
Tumango si Lolo, at ngumiti sa akin.

"Ngayon ko lang nakita si tatang na ngumiti." Kita ko sa mga mata ni Mang Domeng na namumuo na ang luha. Hanggang sa tuluyan na itong humikbi. "Maiintindihan niyo rin kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Mararamdaman niyo rin ang sakit... mamaya pag nalaman niyo na lahat."

"Hindi ko alam kung totoo o maniniwala ba ako sa sinabi ni tatang sa akin kagabi." Dagdag pa ni Mang Domeng.

Flashback

Nanatili lang si Domeng sa silid ng kaniyang tatang. Pinagmamasdan niya ito at hinihintay ang paggising. Bawat pagdaan ng mga gabi, kinakabahan siya dahil baka biglang dumating ang gabi ni kinatatakutan niya sa lahat, ang kunin sa kaniya ang ama niya, na wala man lang paalam. Kaya gabi-gabi rin siyang nagdarasal sa Diyos. Minsan pa nakakatulog pa siya sa silid ng ama niya.

Dream Boy in My DreamlandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon