CLOSE
ZAINE POV
So.. Nasasaktan din si Epal ngayon?
Sinabunutan ko ang sarili ko. Wala nanaman ako sa tamang pag-iisip. Grabe siya makapag-bigay ng advice pero maski siya hindi din move on.
"Zaine! Malalate ka na!" sigaw ni Mommy mula sa baba
Tamad akong tumayo at kinuha ang bag
"Opo!" sigaw ko pabalik
Bumaba na ako ng hagdan. Hinalikan ko sa pisngi ang magulang ko at umalis na ng bahay.
Lakad. Lakad. Lakad.
Ang bagal ko maglakad. Baka nga naman ma-late ako.
Huminga ako ng malalim at naglakad na ng maayos papunta sa school.
Dire-diretso na ako papasok ng school. Pinacheck ko yung bag ko at dumiretso na ako sa classroom.
"Sabi ni Bryan James, mamaya na daw yung group meeting." ani Daniella.
Tumango ako sa kanya.
Si Daniella. Isa sa pinakamatagal kong kaibigan. Simula Grade One ay magkaklase na kami.
Nakakinig ako sa klase ng maayos. Pero hindi matanggal sa isipan ko si Ben at BJ.
Ano kayang ginagawa ni Ben ngayon?
Nasasaktan din si BJ? Naiwan? Naloko? Hindi pa din siya move on?
Natapos na ang klase ko at dumiretso ako sa court.
Sinalubong ako ni Eliza.
"Bebs!" aniya
Niyakap niya ako. Nagkahiwalay ang section namin kaya minsan nalang kami magkita. Madalas busy siya.
"Kamusta ka na?" aniya
Halatang nabalitaan na niya ang break up namin ni Ben.
Kinuwento ko sa kanya ang nangyari sa aming dalawa ni Ben.
"Gigil niya ako ha!" aniya
"Shh! Chillax!"
Ayoko siya madamay. Ayoko siya madamay sa katangahan na ginawa ko.
"Okay lang ako bebs."
"Talaga lang ha?" aniya at sumipsip ng juice.
Oo nga pala, si Eliza ang babaeng best friend ko.
"Talaga."
Sumipsip ako ng juice para hindi ako mahalata.
Si BJ ang leader ng group na ito kaya kinakausap siya ng teacher ngayon.
"Balita ko role playing daw eh." ani Cherry
Si Cherry ang pinakamatanda sa grupo namin. Ka grupo ko si Eliza, Daniella, Ian, Luke, Nate at BJ.
"Sila Ian, Luke at Nate?"
"Malalate yun tsaka tamad din yung mga yun." ani Eliza
Tumango tango ako, mukhang wala namang problema.
"Teka. Role Playing ba?" ani Daniella.
Tumayo na kami dahil nakita namin si BJ papunta na dito.
Hindi parin matanggal sa isip ko ang sinabi niya na maski siya hindi move on.
"Hindi Role Playing. We'll be group mates until the end of the year." aniya
Tumango tango kami.
YOU ARE READING
Until The End
Teen FictionZaine Mendez ang babaeng niloko at pinaglaruan ng kanyang first love.. Everything turn black on her life.. Akala niya hindi na siya muling makakabangon pa.. Pero paano pag may tumulong sa kanya? Start: August 23, 2017 End: