Kabanata 11

86 3 1
                                    

NAGHIHINTAY

ZAINE POV

Hanggang ngayon hindi ko parin alam bakit sinabihan ako ni BJ ng "Asawa Ko." nag-eecho ang boses niya sa ulo ko.

So. Iiwas nanaman ako sa kanya ngayong araw. Paraan ito para mag move on ng..walang kami.

Alam niyo yung masakit? Yung kailangan niyo ng mag-move on kahit na walang nangyaring tayo.

Naglalakad ako ngayon papunta ng school. It's a kinda boring. Sinisipa ko yung isang maliit na bato na nasa gilid ng daan.

Hayst. Bato, nasasaktan ka na ba?

Napangiti ako, para akong baliw na kinakausap ang bato na iyan.

Umiling iling nalang ako at naglakad na ng mabilis papunta sa school.

Pina-check ko na ang bag ko at napansin ko ang mga estudyante na nagkakagulo.

Inangat ko ang tingin ko at nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

'Asawa ko'

Nakaramdam ako ng kilig habang pinagmamasdan ang malaking banner.

Hinanap agad ng mata ko si BJ ngunit hindi ko siya makita.

Medyo naguguluhan akong pumasok ng classroom.

Alam kaya ng mga estudyante ang gumawa nun?

Bakit ginagawa ng BJ ito?

Anong ginagawa niya?

"Miss Mendez are you with us?" ani Teacher namin

"Sorry."

Bahagya akong yumuko. Dahil unang una kahit anong kinig ko wala akong maiintindihan kasi hindi ka marunong mag turo!

Lumabas kami ng classroom para mag take ng recess.

Hayst.

Narinig ko ang tilian ng mga estudyante. Ibig sabihin nun nandoon na ang Bakat Squad sa canteen.

Sumama ako sa mga ka-squad ko. Maliban kay Daniella.

Si Daniella kasi hilig niya ng kasama si Cherry.

Which is kaming mga ka-squad niya nagseselos.

Joke lang. Syempre, mamimiss namin siya kasama.

Umupo kami ng mga ka-squad ko sa table katabi nila Daniella.

Umalis ang mga ka-squad ko para bumili ng pagkain.

Nilagay ko ang kamay ko sa baba at tinungkod ito.

Dumating ang mga ka-squad ko at humingi ako ng pagkain sa kanila.

Actually, madamot ang mga ito. Sadyang mahal namin ang isa't isa kaya nagbibigayan kami.

Mukhang mga gutom ang mga ito dahil tahimik silang kumakain.

"Ikaw ah. Sinong asawa mo? Akala mo hindi kita nakita na ikaw ang nagsasabit nun nung alas tres ng madaling araw?" ani ng isang babae sa likod ko.

Mukhang si BJ ang kausap neto.

Mukha din hindi siya pinansin ni BJ dahil sa tingin ko kasama niya ang lahat ng ka-squad niya.

Bahagya akong lumingon at tama ang hinala ko.

Walang imik ang mga ka-squad niyang nakikinig habang hindi pinapansin ni BJ ang babaeng nagtatanong.

"Uy! Sinong asawa mo ha?" ani ulit ni Babae

"Bakit?" ani BJ

Umalis ang babae na mukhang na-bad trip kay BJ.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Until The End Where stories live. Discover now