THERE HE IS
ZAINE POV
Umaga na. Naglalakad ako papunta sa school, tinatamad nanaman ako pumasok. Napatigil ako ng maalala ang usapan namin ni Eliza.
-Flashback-
"I think I like BJ."
"Sabi ko na nga ba eh, diyan din ang hulog mo." aniya at sumipsip ng kape.
"Paano mo nasabi?"
Nilapag niya ang baso ng kape sa table.
"Kung sino ang tumulong sayo sa pagbagsak o kung sino ang tumulong sayo bumangon, doon karamihan nahuhulog ang tao." aniya
"Pero paano? Hindi ko kaya aminin. Ngayon, lalo na ex niya parin."
Yumuko ako ng bahagya
"Aminin mo, nothing's impossible." aniya
"Ayoko. Lalayo nalang ako sa kanya, para humupa itong nararamdaman ko. Ayoko, magpapa-katorpe nalang ako."
Tumayo ako at akmang aalis na ng magsalita muli si Eliza.
"Ayokong masasaktan ka ulit Zaine." aniya
Umiling nalang ako at umalis na ng bahay nila.
-END OF FLASHBACK-
Huminga ako ng malalim at hindi na muna inisip iyon. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa school.
Pagkarating ko ay nahagip ng mata ko ang mga ka-squad ni BJ.
Bumilis ang lakad ko.
Lalayo nalang ako sayo, alam kong huhupa din ito.
Tumakbo ako paakyat ng hagdan para lang hindi nila ako maabutan.
Pumasok ako sa classroom namin ng hingal at pumunta sa upuan ko.
Nakinig ako sa buong lessons namin.
"You May Take Your Recess." ani Ma'am
"Yes Ma'am."
Tumayo na kami at binitbit ang bag ko.
Lumabas na ako sa classroom namin.
"Zaine!" napalingon ako kay Benten.
"Oh?"
"Nagmamadali?" aniya
"Ahh. Hindi naman."
"Nood tayo basketball ng Bakat Squad. I'm sure move on ka na." aniya
Move on na nga ba?
Pero.. Si BJ nandoon."Ayoko. May gagawin ako."
"Ano gagawin mo? Group Meeting? Eh sa nandoon ang leader niyo naglalaro." aniya
Wala akong maisip na dahilan kaya huli na ang lahat nahila niya ako papunta sa court.
Nahagip ng mata ko si Eliza na nakangisi saaken kasama sila Cherry at Daniella.
Ningitian ko sila. Tumabi ako kay Benten.
YOU ARE READING
Until The End
Teen FictionZaine Mendez ang babaeng niloko at pinaglaruan ng kanyang first love.. Everything turn black on her life.. Akala niya hindi na siya muling makakabangon pa.. Pero paano pag may tumulong sa kanya? Start: August 23, 2017 End: