CHAPTER 45: OK LANG

29 0 0
                                        

HAILEE'S POV:
Pagdilat ko,
Nakita ko agad si Paolo,
Nakatayo sa tabi ko
Parang inaabangan ang pagising ko,

"Liit, kamusta ka?"

Bakas sa mukha niya ang pagaalala,

"May gusto ka?sabihin mo lang , andito lang ako at your service"

Napangiti nalamg ako sa kaniya.

"Asan sila kuya?"

"Ayun, sinugod si Mackie,"

Napabangon ako bigla sa pagkakahiga,

"Anooo!! Di mo sila pinigilan?"

Gulat na sabi ko,

"Joke lang, ito naman di mabiro"

Binatukan ko nga ang siraulo,

"Nakakatawa joke mo?"

Pagmamataray ko,
Juskoo akala ko naman totoo na

" tska kung sakali man na ginawa nila di ko talaga pipigilan sila kuya noh,
Lalo na sa ginawa niya sayo na pananakit, Oy, ikaw ba magsabi ka lang kung gusto mo ng iiyakan andto lang ako,"

Hayst, itong si Paolo talaga,

"Wag kang magalala , okay lang ako,
Okay lang yun, siguro tama na siguro yung sa amin.. tska deserve niya ng babaeng makakasama niya habang buhay. Hindi tulad ko hindi ko nga alam hanggang kelan pa ako dito eh"

Narinig kong nagbuntong hininga si Paolo at hinawakan ang kamay ko,

"Alam mo kahit anong rason pa yan, sana pinalam niya muna sayo,
Para alam mo yung mararamdaman mo, kahit saan mo tignan mali talaga eh, kasi, parang bula siya bigla nalang nawala, iniwan ka ng walang paliwanag tapos malalaman nalang natin na ikakasal siya,
Kung talagang mahal ka niya,
Ipapaalam niya sayo, at hindi ka niya hahayaang masaktan ng ganiyan."

May point naman si Paolo eh,
Siguro talagang,
Di lang kami para sa isa't isa

"Tska Hailee, walang babae o tao ang deserve iwan ng kahit na sino ..at walang kahit na sino ang saktan ang taong totoong nagmamahal. At hindi ka niya hahayaang harapin ng magisa yung pinagdadaanan niyo.
Kahit siya dapat sinasabi niya sayo ung problema niya para alam mo din gagawin mo. Kase magjowa kayo dapat, dalawa na kayong humaharap sa problema. Pero, ako Hailee andito lang ako, lagi para sayo."

Wala na akong nasabi at muli nanamang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Niyakap ako ni Paolo at hinalikan sa forehead.

At this point nailabas ko na ang sakit sa pamamagitan ng pagiyak ng sobra.

RIGHT LOVE at the WRONG TIMEWhere stories live. Discover now