TP 2

571 16 0
                                    

Dedicated to Ate Roma. I really admire her for writing such exquisite stories like AHDWY series, ATL and SCYSF. Right after reading His Personal Wife by Ate Ella, I started her stories and I can say, all of her stories are heart touching.

**

Chapter 2: Love?

Dumating 'yung araw na parang nahulog na ako sa bangin, nahulog na talaga ako sa kanya ng tuluyan. It happened between him and Chaz, may gusto sa akin na kaklase ko din. 



“Kung mahal mo, patunayan mo.” ayan ang narinig kong sabi ni Race kay Chaz.




“Paano ko mapapatunayan 'yun kung lagi kang nakabuntot sa kanya huh, Race?” galit na galit na 'nun si Race. Galing kasi ako 'nun sa practice for our fashion show na trip kong salihan para sa Social Studies month namin. Pagkadating ko sa classroom ay iyun agad ang bungad sa akin.


Actually pinatawag daw ako ng mga kaklase ko kaya napilitan ako na maexcused sa practice. Iyun pala ang rason kung bakit.


“Eh bakit ba ang duwag mo? Tanga ka kasi, Chaz. Huwag mo ako isisi diyan kung bakit hindi ka maka-moves kay Roxanne.” inaawat na sila ng mga kaklase namin. Nanatili lang akong blanko sa mga nakikita ko.



“Ba ka naman kasi kayo na, Race? Kaya ka ganyan sa kanya!” sumigaw na siya. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko. 



Si Chaz Azeres? Gwapo naman siya. May appeal siya pero he's not my type. Medyo flirt siya and I don't like guys who flirt. But he's serious when it comes to the girl she loves. He loves dancing and he's great at it.



“Pag sinabi ko sa iyong, oo? What if na kami nga? Ano, Chaz?” halos magwala na si Chaz sa binitawang salita ni Race. Pati ako ay gusto ko nang magwala, sa saya. He lied na kami. Syempre, crush ko siya kaya kikiligin ako. 

I took my move. Tumakbo na ako papalapit sa kanila at inawat.

“You guys? Tumigil na kayo! Walang hahantong itong usapan niyo kung magsisigawan lang kayo at kulang nalang ay magpatayan na kayo sa mga tingin!” I shouted at both of them pero I kept my eyes on Race. Their eyes were like guns and knives, enough for thousands or more people to kill with their stares. 



“Bakit siya pa, Rox? Ang pangit naman niyan ni Race!” tinanong sa akin ni Chaz na halos maiiyak na.


Oo, may kapangitan si Race. May angle siyang gwapo, merong hindi. Siya si Race na ang hirap madescribe kung gwapo ba o hindi. Pero habulin din ng mga babae. Si Race? Appealing din naman. He has his cute dimples when he smiles happily. 

“It's not about the looks, Chaz. Tsaka pwede ba? Tumigil na kayong dalawa!” pagmamakaawa ko sa kanila ng pagalit.


Napahawak ako sa braso ni Race sabay tinignan siya ng malungkot. Ayoko naman kasi na may nag-aaway nang dahil sa akin. Para bang, ako ang masama? Ako ang malandi. 

“Now tell me, ano ang nangyari sa inyong dalawa?” napansin ko na may pasa siya sa kanang bahagi ng kanyang pisngi. 


He took a deep breathe sabay tumingin kay Chaz then tumingin naman sa akin.



“Hawak ko itong iTouch mo, nagulat ako at bigla niya akong sinuntok. Mabuti at nasalo ni Trei ang iTouch mo sa lakas ng impact ng pagkasuntok sa akin ni Chaz.” binalik niya sa akin ang iTouch ko, mabuti at hindi basag. 


“I'm sorry, Rox. Uupo na muna ako. Medyo nahihilo ako.” umupo si Race sabay dinala naman ng iba kong mga kaklase si Chaz sa Guidance Office.


Nanatili lang ako na nakatayo, nakatingin ako sa mga kaklase ko na para bang sinasabi ko sa kanilang mga mata na magsalita,


“Sinigawan ni Chaz si Race. Hindi daw siya makadiskarte sa'yo dahil daw kay Race.” napatingin naman ako sa nagsalita, isa sa mga katropa ko na si Trei. Medyo cold ang expression niya, para bang seryoso na natatakot siya. Siya lang ang lalaki sa grupo namin but he's not gay. He wears glasses but he's not a nerd. 




“And then Race asked him if he's serious about you then Chaz said, yes.” kwento naman ng president namin, ka-close ko din pero hindi ko ka-tropa. Si Jas.




“When you came here, the rest was history.” sabi naman ni Alex, ang pinaka-madaldal sa aming klase na para ding takot katulad ni Trei. 

Kahit ako, matatakot. Sobrang nakakatakot sina Race at Chaz. Kulang nalang ay magpatayan nalang sila sa mga tingin at kung paano nila bitawan ang kanilang mga salita.

Napatingin ako 'nun kay Race na seryoso. He looks so innocent yet scary. Nilapitan ko siya and asked if he was alright. He nodded.

“Don't worry, I'm alright. Medyo nahilo lang ako ng unti.” iyun lang ang sinabi niya. Naaawa ako, he looks so weak yet so brave. 

“I should worry, ako ang may kasalanan kung bakit kayo nag-away ni Chaz. But thank you, Race.” 'yun nalang nasabi ko sa kanya. Eksaktong dumating ang kaklase ko na may dalang ice bag sabay inabot sa akin at nilagay sa pasa ni Race.




“And I'm sorry.” 

I fell. His eyes were so deep like he was thinking. Ang mysterious ng mga mata niya. Masyado na siyang gwapo. I could see angle of him being handsome. He just nodded then held my hand. 

“Salamat, Rox. Napakabait mo talaga. You deserve the right guy for you, as long as hindi 'yang si Chaz.” I don't know if he was joking or he was serious because his eyes was looking deeply at me. Hawak ko pa din ang ice bag, dinampi ko lang ito sa pisngi niya. I could see his dimple coming right out.

Tumango nalang ako and just smiled. Salamat, Race. Sana nga ay ikaw 'yun. Iyun ang naisip ko noong araw na iyun.


After a few days, tahimik nalang kami ni Race tuwing magkakatabi sa mga assigned seats namin. Trying to avoid what happened on that day, we still talk but not that much as before. He just asks kung may papel ako, kung pwede bang mahiram ang text book ko. Typical student questions. Pero natakot ako dahil ba ka matuluyan na kaming ganun.


And yet, my worse fear had begun.

Too PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon