Chapter 5: Prom
Dumating na ang Friday, prom na. And I promise to myself na si Race na talaga ang kadate ko. I told his friends na siya na ang iddate ko and they were very happy pati na din ang mga kaibigan ko na supportive sa pagmamahalan natin. Even if this prom will be the most unforgettable and the most heart breaking moment in my high school life, masaya pa din ako. Masaya ako. As long as kasama ko si Race, I will sure enjoy this night.
Nagdatingan na ang mga katropa ko maliban kay Trei, well he has his own plans. Dito sila magmamakeup since nagpahire si Mama ng mga makeup artist para sa amin. Mga 6 ako susunduin ni Race, well 'yun ang sabi sa envelop na binigay niya sa akin tapos 'yung mga kaibigan ko, susunduin din sila ng mga kadate nila.
“I hope this night would be magical!” maarteng sabi ni Milan habang inaayusan siya ng buhok.
“Sana maging kami na ni man of my dreams.” napangiti si Janice sa sinabi niya. Binibihisan na kasi siya. Man of his dreams? si Ezra, 'yung katropa ni Race.
“You guys are missing my point, the highlight of this prom will be Rox and Race!” sabi ni Cess na busying-busy kakaretouch kaya napatingin kami sa kanya, pati na din ang mga makeup artist.
Eh malamang mga chismosa rin mga makeup artist namin eh kaya alam.
“Yes and tonight, maririnig na natin ang three words, live!!!!!” kilig na sabi ni Aiya kaya medyo nainis 'yung makeup artist sa likot niya.
“Don't expect that coming to me.” sabi ko habang naglalagay na ng mga accessories. I was hiding myself from cupid. Ba ka kasi kiligin nanaman ako, I need to be serious tonight dahil mahaharap ko na siya.
“Sus, you've been waiting for that moment for a long time!” hiyaw ni Milan kaya napa-agree ang mga bruha kong kaibigan.
“Whatever.” I just rolled my eyes and looked at the mirror. Perfect na ba ako sa lagay kong ito? Eh may kulang pa nga sa akin eh, at alam kong si Race 'yun.
Mabilis ang oras, hindi namin namalayan na 6pm na. Dumating na ang mga kadate ng mga kaibigan ko while I was too impatient waiting for Race.
“He'll be here.” my mom kissed my hair sabay nginitian ako.
“And he's here.” sabi ng papa ko na nakacrossed arms pa pagkapasok ni Race sa pamamahay namin.
He looks so freakishly hot. If I was in a third person's view masasabi ko na bagay kami.
“Good evening po.” nagmano si Race sa mga magulang ko.
“Good evening din, iho. You take good care of my daughter, ayokong masira ang makeup niya padating dito because of you.” diretso na sabi ni Papa yet formal.
“Makakaasa po kayo sa akin, Atty. Callegro.” sabi ni Race sabay tinignan ako. I know na napalunok siya doon. But all I can see in his eyes were bravery. Alright then, you really want yourself to let go of me.

BINABASA MO ANG
Too Perfect
Cerita PendekRoxanne never felt she was enough for anyone. But little did she know that everyone wanted to be with her and be her. She wanted only one thing: to have her wish come true. Race. The one she couldn't chase. Her star at night, the one she admires. Bu...