Short update muna guys. Bwahahahaha. Bukas na ako mag-uupdate bago ako lumarga. :) Tandaan walang kinalaman sa buhay ko itong story na ito bwahahahaha.
**
Chapter 4: The letter
Binuklat ko ng mabuti 'yung papel sabay umupo sa stool namin. I know galing ito kay Race. Siya lang naman ang tumatawag sa akin ng Babs at alam kong sulat kamay niya ito.
“I'm sorry. Yun ang una kong gusto sabihin sa iyo.”
Iyun ang unang nakasulat sa papel. Nanatili lang ako na kalmado sa sarili ko, I know anytime soon ay iiyak ako.
“I'm sorry kung iniiwasan kita. Ito lang 'yung way ko para hindi ka masaktan.”
Masaktan saan? I'm already goddamn hurt because of you, Race.
“I know what you're thinking. We are so close kaya kilala na kita, Rox. Ayokong masaktan ka sa sinasabi ng mga tao. Lalo na sa akin.”
Pinatuloy ko nalang ang pagbabasa. I know this is the whole truth.
“I want you to know that you're a nice girl, Rox. In fact, you're perfect. Too perfect for someone like me.”
Am I this perfect when I don't have you?
“But you don't deserve someone like me. Yes, people judge us. You just don't know, some are just backstabbing but some are true. Mahal kita, Rox. Noon pa man. I hope you don't feel the same way. Not now, anymore.”
But I...
“Hindi mo pa ako masyadong kilala, Rox. And if you ever know me too well, lalayuan mo ako dahil ganito ako kasahol. Tanga kasi ako, tanga ako sa lahat. Pati pagmamahal sayo, tanga pa rin ako. And if we ever end up together, iiwan mo rin ako or ba ka ako ang mang-iwan sa iyo. Ayokong masaktan ka, Rox. Perfect ka nga kasi at ayoko kang masaktan. You will just choose to stay away instead of loving me instead. Alam ko na balang araw ay you will prefer Chaz over me, naging selfish lang ako nung sinabi ko na you deserve better than him. I was thinking na mas deserving ako, pero mali ako. Alam ko talaga na simula palang, in love na ako sa iyo. Pero mali ang nagawa ko, hindi dapat ako mainlove sa taong katulad mo. I don't wanna love someone who's too perfect for me.”
I choose to hurt by you than to hurt myself because of you, Race.
“Marami pa diyang iba, Rox. I know you love me too. I saw your iMessage conversation with Cess by mistake. Doon ako napaisip kung liligawan na ba kita o hindi. But I chose not, I chose you to be better off with someone who's better than me because I know someday I will hurt you despite of my stupidity to love. Sana ay maintindihan mo ako.”
Pero mas pipiliin ko pa din na masaktan nalang dahil sa pagmamahal kaysa sa masaktan ako dahil pipilit ako na magmamahal nalang ng iba.
“I want to ask also, if wala ka pang kadate sa prom? Bago ako bumitaw sa'yo gusto kitang makasama sa gabing iyun. I want to realize to you na sobra kitang mahal despite na I'm letting myself let go of you. Ako rin naman nasasaktan na hindi kita pinapansin o kinakausap. Ayoko lang din na lalo pang lumago ang pagmamahal ko sa iyo. Pero look, I'm really stupid. Mas lalo akong nainlove sa iyo. Hindi ko matiis na hindi ka kausapin. So, Rox? Is that a yes or a no?”
BINABASA MO ANG
Too Perfect
Short StoryRoxanne never felt she was enough for anyone. But little did she know that everyone wanted to be with her and be her. She wanted only one thing: to have her wish come true. Race. The one she couldn't chase. Her star at night, the one she admires. Bu...