TP 3

502 21 2
                                    

Dedicated to Ate Chiqui! Magaling mag-edit 'yan. Solid! HAHAHA. Idol ko 'yan eh. *Hearts* 

**

Chapter 3: Mcdo from him

It started in the 3rd week of December, nagkaroon na ng bagong sitting arrangement. Simula noon ay hindi na niya ako kinakausap. I never had the guts to ask him why. Basta when I ask him about school stuff, ang mga kaibigan nalang niya ang sumasagot sa akin and sila na ang nagsasabi sa akin sa mga pinapatanong ni Race sa akin. I don't know if he's avoiding me or what. Hindi ko alam kung bakit. Natatakot ako at ba ka hindi niya lang ako sagutin pag tinanong ko pa. Hindi na ako magtatanong pa. He has a reason, I respect that. Ba ka siguro ay hindi ko na kailangan alamin pa.


Pero nasasaktan ako minahal ko na siya. Nasasaktan ako kasi feel ko, bigo na talaga ako. I feel na wala akong chance sa kanya.

Gusto ko siya ang maging Mr. Right ko. Kasi, I sense na siya na talaga 'yun. I look at him as my prince who will rescue me from stepmothers, witches, curses etc. 

March na ngayon ang bilis ng panahon, malapit na matapos ang klase. College na kami sa susunod na pasukan. Hanggang ngayon ay pinagtitripan pa rin ako ng mga kaklase namin kay Race. Pero I'm avoiding it dahil ba ka maiyak nalang ako. Nakita ko siya na nakikipagtawanan sa mga ka-tropa niya habang ako ay umiwas nalang ng tingin. Nasa kubo sila ngayon na which nakikita ko pa din sila from our canteen. Binalik ko nalang muli ang atensyon ko sa mga kaibigan ko na busy din kakatawa.


“Ayaw mo pa bang kumain, Roxanne?” tinanong ako ng kaibigan ko na si Milan.





“Wala akong gana, Mil.” I flinched a smile at her trying to look that I'm okay.


Ilang araw na ako na walang ganang kumain. Nagsimula ito nung Valentines, nageexpect kasi ako galing sa kanya. Pero ang tanga ko kasi kahit anong mangyari wala pa din ako matatanggap galing sa kanya. Syempre, sino pa ba ako para bigyan niya? 

Ako lang si Roxanne na kaklase niya, katabi niya, nakakausap niya, napagttripan niya at maaasahan niya. Pero ngayon ay ako nalang si Roxanne na kaklase niya.

“Kumain ka.” may inabot sa akin si Cess na pagkain. Siya ang bestfriend ko sa aming magkakatropa kahit saang circle of friends ako mapadpad, nandoon siya palagi. She never leaves my side.


Napatingin ako sa pagkain ko. McDonalds. Kanina naman galing ito? 


“Galing 'yan kay Prince Charming.” nakangiting sabi ni Milan, she read my mind. Or she just saw my eyes looking all curious?




“Prince who?” I know who they are talking about, I just want to be sure. Syempre, they know who is really my prince. Ako kaya ang prinsesa. Joke time. 



“Believe it or not, kay Montecillo.” sabi ni Janice na bahagyang nakangiti. 



Nanatili lang ako na nakatingin sa pagkain ko. Si Race? magbibigay sa akin ng McDo? Despite na hindi na niya ako pinapansin like before? Why would he?


Napasulyap muli ako sa kanya, he's eating. And I was caught of guard. McDo rin. He was looking at me but I decided to look back at my friends na may nakakalokong ngiti.

“Sabi na kasi sa iyo eh.” sabi ni Aiya, ang pinakabaliw sa aming magkakaibigan.




“Pwede na bang mag-yieeee?” natatawang tanong ni Trei sa amin.





“Sabay tayo. 1..2..3..” nagcountdown pa sila ni Aiya.



“AYIEEEEEE!” napalakas ang pag-ayiee nila dahil sabay sabay na silang lahat nag-ayiee pati na rin ang mga kaklase kong chismoso't chismosa na nasa kabilang table namin.


Dahil doon ay napatingin sila Race pati na din ang mga nandito sa canteen sa amin. Paano ko nalaman? Kasi nasa bilihan na sila ng mga candy at mga chips. Destiny, doon ako pinaiwas ng tingin ni destiny sa mga kaibigan ko. Destiny nga.



“Love ko 'to!” narinig kong hiyaw ni Archie sa kabilang table.



“Sinong love? Ang McDo na galing kay Race o si Race?” hiyaw naman ni Alyana na nakatingin sa akin.

Nag-ayiieee muli ang mga kaklase ko kaya mas lalong lumakas dahil may mga kakilala kami sa ibang year level at sections na nakakaalam sa amin ni Race. Naghiyawan din ang mga katropa ni Race pero ngumiti nalang siya at umiling. There was no dimples in his smiles, he was faking it.

Pero ang sarap i-dirty finger ang mga kaklase ko. Nakakahiya kasi. Nandiyan pa si Race.



“Just stop, guys.” wala na akong balak kumain pa. Itatago ko nalang sa bag ko itong McDo na galing (ba talaga?) kay Race.

Mabuti at natawa nalang sila kaysa may sabihin pa. Napatingin ulit ako. Great. He's looking at me again. Napaiwas nalang ako ng tingin. 

Matapos ang lunch namin, last period na. I asked sa mga kaibigan ni Race kung galing nga ba sa kanya 'yung McDo and they said...

“Yes. He was having second thoughts kung ibibigay niya pa sa iyo o hindi.” sabi ni Ezra, ang pinakamakulit sa kanilang magkakaibigan.




“Nahihiya na kasi sa iyo, Rox. Pero tanggapin mo nalang.” Joaquin smiled. Pero behind his smile is something na I should know about. 


Napalingon ako, nakita ko si Race. Nagbbeatbox kasama sila Alyana, Archie at ang iba pang mga tropa nito. Nagjjamming, wala kasing teacher dahil may meeting. He was looking at me, I sensed. Hinayaan ko nalang. 


After our last period, uwian na. Sinundo na ako ng driver namin. Pagkarating ko sa bahay namin ay walang tao. Oo nga pala, wala nga pala sila Mama at Papa. They are having their second honeymoon at L.A. Mabuti pa sila, ang tagal na nila pero wala pa ding arguement sa kanilang dalawa na parang mageend up sa hiwalayan. 

Magpapadeliver nalang ako mamaya kaysa naman ay magluto pa ako. Sunog kasi lagi ang luto ko, kung hindi sunog ay hilaw pa. Binuksan ko 'yung bag ko para kuhain 'yung mga damit ko na ipapalaba ko sa laundry. Nagpractice kasi kami kanina for prom eh, mapawisin kasi ako. Nagulat ako dahil may McDo. Oo nga pala, 'yung kanina. Kinuha ko ito sabay nilagay na muna sa ref. Hindi nalang muna ako magpapadeliver.

Napansin ko na may puting envelop sa sahig. Dinampot ko ito sabay binuksan.



“Dear Babs.”

Iyun ang unang nakalagay sa envelop. Why do I stupidly need to ask myself kung kanino pa galing itong sulat na ito. He's the one who gave the Mcdo and I pressume kasama itong letter.

Babs talaga ah.

 

 

Too PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon