WESLEY'S POINT OF VIEW
"Cris, get the records of their guests for the past 2 weeks, then give them to Violet and Rowana," tiningnan ni Hannah ang dalawang babae, "search for women who went there with boyfriends. Any woman aged 20-25 years old na gumamit ng credit or debit card at dalawa lang sila sa room, siguradong naka-record 'yan lahat. Kapag na-list down n'yo na ang possible next victim, do a background check. Alamin ang height, clothing style, at kung maganda."
Naging busy silang tatlo sa paghahanap ng pagkakakilanlan sa posibleng next victim ng serial killer.
"Hihintayin ba nating mambiktima siya ulit at huhulihin sa akto?" Tila nagdadalawang-isip na tanong ni Donnel.
"Kung kinakailangan, Donnel." Tipid na sagot ni Hannah.
Risky masyado ang naiisip ni Hannah. Are we going to possibly risk someone's life just to catch that crazy bastard? Hindi ako papayag. We need to catch him bago pa siya nakapambiktima. "May naisip ako, Hannah."
Lumingon sa akin ang lahat. Curious sa naisip ko. "Since may duda na tayo kung sino ang culprit, puntahan natin ang lungga niya. I just need to confirm kung siya nga ang serial killer. If I could get a hold of something na lagi niyang dala, like car key or cellphone, malalaman ko kung siya ang culprit."
Napaisip sila. "Who's willing to go for an outing today?" Seryosong tanong ni Hannah.
Excited na nagtaasan ng mga kamay ang lahat.
"Tara na!" Aya ni Hannah saka tumayo.
"Wait!" Inawat ko silang lahat.
Naglingunan sa akin, mga nagtatanong ang mga mata. "Pupunta tayo sa resort ng ganito ang mga itsura natin? We still look like police officers kahit hindi tayo naka-uniform. Palapit pa lang tayo sa resort, pinagsasarhan na nila tayo ng gate." Natatawa kong tiningnan ang mga itsura nila, lalo na si Winston na naka-leather jacket pa. Mukhang kontrabida sa pelikula. "Chillax, loosen up. Hindi kayo mukhang pupunta sa outing kundi mukhang mangre-raid."
Napaupo silang lahat. "Don't worry, kami na ang bahala ni SPO4 Donnel." Nilingon ko siya. "Samahan mo ako." Saka ako tumingin sa wristwatch ko. 11:00am. "Tara."
Nilapitan ko siya saka tinapik ko sa balikat, sumunod naman siya sa akin na tumayo na pero nagtatanong ang mga mata. "Sumunod ka na lang." Saka ko kinindatan.
Lumabas kami ng HQ at sumakay sa kotse ko. Sinipat-sipat pa nito ang loob ng sasakyan ko.
"Rich kid ka, ano?"
Natawa ako sa tanong niya. Hindi ko siya sinagot, pinaharurot ko na lang ang kotse ko. Patungo kami sa town mall na nasa kabayanan. I parked my car in front of the mall and went straight to the department store.
Dinampot ko ang posibleng suotin ng mga kasama namin. Boxers, floral shorts and sando, rash guards, summer hats, at shades. Kumuha rin ako ng ilang sarong at pair of bikinis. 'Di ko alam kung ano ang mga sukat nila kaya dinampot ko na lang ang lahat ng nakita kong maganda na free size daw. Bumili na rin ako ng tube top at ladies' shorts dahil baka hindi sila nagsusuot ng bikini pag nagswi-swimming.
"Bibilhin natin 'tong lahat? Sino ang magbabayad?" Nakangangang sabi ni Donnel habang pinagmamasdan ang laman ng push cart.
"Don't worry. Get what you need."
"Okay." Nawala saglit si Donnel at bumalik na may bitbit na sunblock lotion, sabon at shampoo. "We need this."
Napailing ako. Mas vain pa 'to sa babae. Dumiretso kami sa counter at binayaran ko agad using my credit card, pagkatapos ay dumaan kami sa grocery to buy some snack para sa 'outing'.
BINABASA MO ANG
Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)
Mystery / ThrillerThe Watty Awards 2020 Winner Paranormal Category #1 in Paranormal 11/17/18 #5 in Thriller 12/05/18 🌟UPG Trilogy Book 2🌟 There are tons of unsolved cases sa iba't ibang bahagi ng Central Luzon na hindi maresolba ng traditional na pagiimbestiga. Nas...