Final Chapter Part 2

11K 431 21
                                    

Hannah's Point Of View

Nakarating din kami sa Hacienda Alfonso para dakpin sina Darwin at Cedes.

"Nariyan ba sina Cedes at Darwin?" Tanong ko sa matandang lalaking hardinero.

Tumigil ito sa pagdidilig. "Naroon po sa pool sa likod. Sino po sila?"

Inilabas ko ang badge ko at ipinakita ko dito. "Mga pulis kami." Nilingon ko sina Donnel at Winston, saka sinenyasan ang iba pa naming kasamang pulis. Nagsimula na silang maglakad patungo sa likuran ng Hacienda.

"Donnel, pakihanap ang bata. We need to keep her safe." Instruction ko kay Donnel.

"Yes, Ma'am." Sumaludo muna si Donnel bago lumakad patungo sa loob ng bahay, kasunod ang dalawa pang pulis.

"Tara na, Winston." Sumunod kami sa mga naunang sampung pulis para puntahan sina Darwin at Cedes.

Naabutan namin ang dalawa na nagkakasayahan. Naghaharutan na parang mag-asawa. Hindi na kinilabutan. "Darwin Alfonso, Cedes Alfonso."

Natigilan ang dalawa at napalingon sa amin. "Ano'ng kailangan n'yo?" Mataray na tanong ni Cedes habang nakataas ang isang kilay. Ito pala ang tunay na kulay ng babaeng ito at hindi ang pa-sweet image nito na una kong pagkakakilala dito. Naka-pulang bikini ito. Halos kita na ang lahat. Nagtapis ito ng robe nang makitang nakatitig sa katawan niya ang mga pulis na kasama ko. "Stop staring at me!" Bulyaw nito sa kanila. Tumayo si Darwin sa tabi ni Cedes.

"You two are under arrest, Cedes Alfonso and Darwin Alfonso sa paglabag sa Republic Act No. 9165, otherwise known as the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Article 248 sa Revised Penal Code for multiple murder." Inilabas ko ang Warrant at iniabot kay Cedes.

"Anong kalokohan 'to? Anong drugs? Anong murder?" Nilamukos at ibinato sa akin ni Cedes ang Warrant.

"May mga ebidensya kami laban sa inyo. Huwag na kayong manlaban pa at sumama ng maayos." Inilabas ko ang handcuffs para lagyan ng posas si Cedes pero hinila ito ni Darwin palayo.

"Are you crazy? Wala kaming alam sa pinagsasabi n'yo!" Bulyaw ni Cedes sa amin.

"I know what I am talking about, Big Boy." I gave her my sweetest smile, then I looked at Darwin.

Nagitla si Darwin sa narinig niyang itinawag ko sa kanya. "B-Big Boy? H-Hindi ko kilala 'yon!" Nilapitan siya ng isa sa mga pulis para kabitan ng posas, si Winston naman ang lumapit kay Cedes.

"You have the right to remain silence. Anything you say can and may be used against you in a court of law. You have the right to have an attorney present before and during the questioning...." hindi ko na natapos ang Miranda rights dahil inagaw ni Darwin ang baril ng pulis na nagposas sa kanya at sinipa ang pulis, tumumba ito. Mabilis na gumana ang reflex ko, hinugot ko rin ang baril ko at nakipagtutukan sa kanya. "Sige, iputok mo. Natitiyak ko sa'yong bubulagta ka rito." Naglabas din ng baril ang ibang mga kasama ko.

Naglumikot ang paningin nito. "D-Darwin, h-huwag kang lumaban, please. B-Bitiwan mo 'yan." Pagmamakaawa ni Cedes.

"No, hindi ako pwedeng makulong!" Ipinaglipat-lipat nito sa amin ang pagtutok ng baril.

"M-Malulusutan natin 'to, Darwin. Bitiwan mo 'yan, nakikiusap ako!" Tumatangis si Cedes habang nakikiusap.

Tila natauhan si Darwin dahil sa pakiusap ni Cedes kaya unti-unti nitong ibinaba ang baril. Dalawang pulis na ang lumapit sa kanya para masigurong hindi ito manlalaban. Nakuha rito ang baril na inagaw at naposasan ito. "Dalhin na sila sa presinto."

"Wala kayong ebidensya. Wala kayong mahihita sa akin." Saka humalakhak si Darwin ng nakakaloko.

Sinipat ko ang gilid ng leeg nito. Tama si Wesley, may peklat nga siya sa leeg. Ngumisi ako. "May DNA sample kami ng isa sa mga pumatay kay Gregorio Gumapao." Itinuro ko ang leeg niya. "Naaalala mo ba?" Parang binuhusan ng suka ito dahil namutla ng husto. "Sige na, dalhin n'yo na 'yan."

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon