Chapter 24

10.5K 486 14
                                    

Wesley's Point Of View

"At ano ang ginagawa ng kapatid kong suwail sa ama dito sa pamamahay ko?" Matigas na tono ni Kuya Leo, namulsa ito sa pantalon.

"Hindi ko naman alam na bahay mo pala 'to. Aalis na kami." Malamig na tugon ko. Nilingon ko si Hannah na patungong sala at mukhang katatapos lang malinisan ang sugat. "Halika na, umalis na tayo." Nagtatakang nakamasid sa amin sina Victor, JR at Gerald.

"Sandali." Pigil ni Senyora Cedes, na Ate Cedez ko siguro at mukhang pamangkin ko pa si Desiree. "Magkapatid kayo?" Lipat-lipat ng tingin ito sa amin. Mukhang nakaramdam yata ng tensyon sa paligid kaya tinawag ang yaya ni Desiree at pinaakyat ito sa taas.

"Unfortunately." Tipid kong sagot. Hinawakan ko sa kamay si Hannah. "Let's go."

"Hanggang ngayon ba ay titikisin mo pati ako? Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo? Namin ni Papa? Nagpapaniwala ka kay Johnson eh pera mo lang naman ang habol no'n!" Malakas na bulyaw ni Kuya, halos dumagundong sa sala.

"Never speak ill about Sec, siya lang ang nagmalasakit sa akin at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko. He protected me from our father's harm!" Tiyak na namumula ang mukha ko sa galit. Makakaaway talaga ako ng kahit sinong magsasalita ng hindi maganda sa kanya.

"He brainwashed you! Siya ang nagsisiksik sa utak mo na si Papa ang pumatay kay Mama, at paniwalang-paniwala ka naman!" Pagalit na sabi ni Kuya Leo habang dinuduro ako sa balikat saka ako itinulak. Papatulan ko na sana siya pero inawat ako ni Victor.

"Wala kang alam, Kuya! Wala kang alam! Our father has been trying to kill me since the declaration of Mama's Last Will para makamkam niya ang pera ni Mama at mailipat sa'yo! Yes! Hindi kita inaalis as beneficiary at ikaw ang solong tagapagmana kapag nawala ako dahil kapatid pa rin kita, at matagal nang sabik si Papa na mawala ako sa landas n'yo! Johnson has always been there to protect me at itinago sa Amerika for my safety!" Nag-uunahang naglandas sa pisngi ko ang mga luhang napakatagal kong itinago sa ibang tao. I just usually cry in my private moment pero kumawala ngayon ang lahat ng dala kong hinanakit sa sarili kong ama.

Inilang hakbang ni Kuya ang distansya namin at kinuwelyuhan ako. "Hindi ako naniniwala sa'yo. Papa has been good to you. Lagi ka niyang inaalala, pero ikaw 'tong lumalayo sa amin! Wala kang kwentang anak!" Saka ako malakas na sinuntok sa mukha at naatrasan ko si Victor pero inalalayan niya ako para hindi tuluyang matumba. Nalasahan ko ang dugo mula sa gilid ng labi ko.

Pumagitna si Cedes sa amin at itinulak si Kuya Leo palayo sa akin. "Will you both stop that?! Paano kayo magkakaintindihan kung pataasan ng boses ang ginagawa n'yo?" Sayang at hindi man lang ako nakaganti kahit isang suntok, baka sakaling magising siya sa pagkabulag niya kay Papa.

"Cedes, huwag kang makialam dito. Away ng magkapatid ito." Saway ni Kuya dito.

"Bakit? Hindi mo ba ako pamilya para hindi ako makialam?" Napatawa ito ng mapakla. "Sabagay, ni hindi mo nga kami maipakilala sa ama mo at hindi mo magawang pakasalan."

"Cedes, hindi ito ang oras para pag-usapan 'yan, bigyan mo naman ako ng kahihiyan." Matigas na tugon ni Kuya at may halong pagbabanta sa tono nito.

"Lagi namang wala kang oras para pag-usapan ang bagay na 'yan. Masyado kang takot sa ama mo at lahat ng utos niya ay sinusunod mo...."

"I said stop it!" Pasigaw na putol nito kay Ate Cedes. Hindi pa sila kasal at hindi sila kilala ni Papa? Why?

Tiningnan lang nito si Kuya saka bumaling sa akin. "Wesley, salamat ulit sa pagliligtas mo sa amin kanina, hindi ko akalaing magkapatid kayo ni Leo. Pamangkin mo si Desiree, itinatago niya kami sa Papa n'yo dahil...."

"Cedes!" Sigaw na banta ni Kuya Leo. "I said stop it!" Hiniklas nito si Ate Cedes palapit sa kanya. "Umalis na kayo dito. Nawawala ang katahimikan ng pamamahay ko. Hindi na talaga tayo magkakasundo kahit na kailan!"

Napabuga ako ng hangin. "Ngayon mo lang na-realize 'yan, Kuya?" Padabog akong tumalikod at naunang naglakad palabas ng mansion niya. He will never understand me and he will never know the truth about our mother's death. Kailangan ko talagang mahanap ang kabit ni Papa. Siya lang ang makapagpapatunay no'n kapag tumestigo siya.

Nakarating na kami sa kotse sa labas ng mansion pero wala si Hannah. Hindi siya sumunod sa amin palabas ng bahay. "Ano pang ginagawa ni Hannah sa loob?" Hinampas ko ang kotse sa inis. Kuya is really blinded sa adoration niya kay Papa. Pinagsisipa ko ang walang labang gulong ng kotse para mailabas ko ang galit ko.

Hannah's Point Of View

"I'm sorry kung makikialam ako ..." Mahinahong pagsasalita ko sa Kuya ni Wesley. "Wesley is one of our top policemen. Kahit ano ang sabihin niya ay pinaniniwalaan ng department dahil gano'n siya ka-thrust worthy. There must be a reason why Wesley insists that your father killed your mother."

Napailing ang Kuya Leo ni Wesley. "Miss ... whoever you are. I don't care kung ano'ng klaseng pulis si Wesley. Na-brainwash lang siya ng Secretary niya kaya masama ang tingin niya kay Papa. Huwag ka nang makialam, wala kang alam sa pamilya namin."

"Marami akong alam. Eh, ikaw, may alam ka ba kay Wesley bukod sa pangalan niya?" Sarkastikong tanong ko. Nakakapikon kausap, sarado ang utak ng taong 'to. Hindi siya nakasagot sa tanong ko, siguro naman ay mapapaisip siya sa itinanong ko sa kanya. "Bakit hindi mo subukang patunayan kay Wesley na matino nga ang Papa mo? Try to confirm it kung may katotohanan o wala ang sinasabi niya. Matalino siya so I'm pretty sure na matalino ka rin. Try to figure it out. Aalis na ako. Excuse me."

Nginitian ako ng apologetic na ngiti ni Senyora Cedes. I just smiled back at lumabas na ako ng bahay nila. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na 'to, nakaka-stress. Ramdam ko tuloy ang kirot sa tagiliran ko.

"Bakit ang tagal mo?" Hindi maipinta ang mukha ni Wesley.

"I just said goodbye. Let's go." Umangkas na ako sa passenger's seat. Sumakay na rin si Wesley at pinaharurot ang sasakayan palabas ng gate ng Hacienda.

"Wesley, relax, pare. Baka hindi na tayo abutin ng bukas niyan." Tinapik ito ni Victor sa balikat.

"I want to release my anger. Wala siyang alam." Hinampas-hampas ni Wesley ang manibela habang nagmamaneho. Ako ang kinakabahan sa inaakto niya, baka madisgrasya pa kami ng wala sa oras.

"Bakit kasi hindi mo sabihin sa kanya ang ..." napahinto ako. May outsider sa kotse. Baka hindi pa alam ng dalawang kasama namin ang tungkol sa kakayahan ni Wesley, o naming lahat sa PCU.

"He doesn't need to know. Iyon nga lang tungkol kay Papa, hindi na niya mapaniwalaan, paano pa kaya ang hindi kapani-paniwala?"

May punto siya. Kahit ako no'ng bata ako ay hindi pinaniwalaan ng sarili kong ina. Ayaw maniwala na nakakausap ko ang mga multo at napapanaginipan ko ang mga nangyaring aksidente o krimen kahit wala ako sa lugar ng pinangyarihan.

Naglalakbay ang utak ko habang binabaybay namin ang highway patungong HQ nang pabiglang kinambyo ni Wesley ang manibela pakanan saka ako nakarinig ng putok ng baril mula sa likuran ng sasakyan. "Holy shit!" Nilingon ko ang kotseng itim na nasa likuran namin.

"We are being followed! Mukhang nasundan tayo mula kanina pa!" Tiningnan ko si Wesley. Bakas sa mukha nito ang pinaghalo-halong galit, inis, pagrerebelde at desperasyon. Pinaharurot pa nito ng mabuti ang saksakyan, pabiglang bumwelta sa crossing saka nag-U-Turn kaya naiwan ng alikabok ang kotseng humahabol sa amin, nakalayo na kami sa kanila bago ito naka-buwelta pa-U-Turn patungo sa direksyon namin.

Inihinto ni Wesley ang kotse saka bumaba ng sasakyan, sumungaw kay Victor. "Pahiram ng baril mo." Iniabot naman ng nag-aalalang si Victor ang baril nito.

"Wesley! A-ano'ng gagawin mo?" Nagbabaan din kami sa sasakyan at nag-cover sa gilid, hindi nito sinagot ang tanong ko.

Tinungo ni Wesley ang gitnang kalsada, saka inilabas ang baril nito at iniumang ang dalawang baril sa paparating na itim na kotse. Pinaulanan niya ito ng bala, sapul ang dalawang  gulong sa harap maging ang driver kaya nawalan ng control ang matuling sasakyan. Lumihis ito patungong kabilang lane at malakas na sumalpok sa poste sa gilid ng highway.

"Masama palang ginagalit si Wesley, Inspector." Bulong sa akin ni Victor.

To Be Continued....

Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon