WESLEY'S POINT OF VIEW
We are now assigned to find the grandson of vice-governor Salas ng province na 'to.
Kidnap victim: Red Bradley Salas
Age: 6
Grade level: 1
Last seen: wearing school uniform
Time: 12:10pmKanya-kanyang task kami ngayon. Winston and Baldo are on a look out sa bahay ng mga Salas kasama ang AKG group, Cris is on his expertise, hacking suspected individuals na nasa list na bigay ng mga Salas-- mga posibleng may galit o may motive sa kidnapping. Donnel and Hannah are working on the Swamp-murder case. Sina Violet st Rowana ay assigned sa interrogation ni Facundo. May personal emotional attachment ang dalawang 'yon sa kanya para sa kapwa mga babaeng nabiktima nito kaya sila ang umako sa responsibility sa pagpapatuloy ng imbestigasyon.
I and Victor are on our investigation sa kidnapping site. Pinuntahan namin ang school kung saan nag-aaral at nakidnap ang bata and looked for the teacher who saw the kidnapping. Nagpakilala kaming private investigator hired by vice governor Salas at hindi mga pulis. Nakita daw ng teacher sa harap ng gate ng school na pilit pinapasakay ang bata ng tatlong dumukot dito sa itim na van na walang plate number. Nag-iwan lang daw ng sulat ang mga kumidnap sa gate ng school, at nakasulat na huwag kokontak ng mga pulis.
May isang weird na sinabi ang teacher, the kidnappers were wearing face mask with skull design. Ipinakita ko ang litrato ng face mask ni Facundo, parehong-pareho daw nito ang mask na suot ng mga dumukot sa bata.
Credit to the owner of this photo.
For illustration only.What's with that mask? Naging favorite fashion statement na yata ng mga kriminal.
I asked the teacher kung nasaan ang sulat na iniwan ng mga kidnapper, ibinigay daw niya ito sa mga pulis na unang nagpunta para mag-imbestiga.
I need to get that letter and see who wrote it. "Ipahahanap ko kay Inspector Hannah ang sulat."
Tinawagan ko siya at pinahanap ang sulat na iniwan ng kidnappers. She has all the means and access to find the whereabout of that letter. Nilingon ko ang buong campus ng Academy. Puro mayayaman ang lahat ng nag-aaral dito, so possible talaga na dito mangdukot ang mga masasamang loob.
Sa dinami-dami ng mayayamang bata dito, apo pa ng vice-governor ang dinukot. 11:30 ang labasan nito pero 12:10 ang sabi ng teacher ng makita niya 'to sa gate na nag-aabang. Tanda niya dahil late siya ng 10 minutes sa klase niya. May CCTV sa loob at labas ng campus kaso sira daw lahat nung mga panahong dinukot ang bata.
"The kid went out, so malamang na may nakitang kakilala ang bata. Negligence din ng guard dahil hinayaan niyang makalabas ang bata nang ganun na lang." Namulsa ako habang tinitingnan ang guard-on-duty. Hindi na raw pumapasok ang guard mula nung nakidnap ang bata.
BINABASA MO ANG
Paranormal Crime Unit (Wattys PH 2020 Winner)
Mystery / ThrillerThe Watty Awards 2020 Winner Paranormal Category #1 in Paranormal 11/17/18 #5 in Thriller 12/05/18 🌟UPG Trilogy Book 2🌟 There are tons of unsolved cases sa iba't ibang bahagi ng Central Luzon na hindi maresolba ng traditional na pagiimbestiga. Nas...