Chapter 1 - Start

9 0 0
                                    

After 3 years~

Mich's POV

Nasa classroom ako. At nakatulala sa kawalan. Tsk! Bakit pa ba kasi ako pumunta sa eskwelahang ito? At bakit ko pa naisipang pumasok? Ang tanging magagawa ko lang naman ay buntong hininga, maghikab, matulog at tumulala. Wala ng ibang mas exciting. Argh! Ang boring!

Tungkol naman sa buhay namin ni mommy, okay naman kami. Nagmo-move on naman si mommy. Parang nag-iba lang daw ng 'konti' ang pag-uugali ko. Sa tingin ko hindi naman. Mga paranoid lang talaga sila.

Sana may mabuting mangyari sa araw ko ngayon. Napabuntong- hininga na lang ako.

Pero imbis na kabutihan ang nagyari sakin, parang minalas pa ako. May babaeng chucky doll akong nakita. Tinawag pa nga ako. Tsk!

"Hoy Henyo! Hali ka nga rito!"
Haaaaaay. Nakakatamad!

Dahil wala rin naman akong magawa sa loob ng classroom, pumunta naman ako sa upuang malapit sa kanyang inuupuan. Kahit na labag sa loob ko ito. Pipilitin lang ako nitong makipag-usap sakin eh. Baka may nasagap na chismis na naman to. O kaya tungkol na nanaman to sa mga babaeng makakaaway nya at nakakaaway niya. Napakabungangera niya talaga. Napaka warfreak pa. Tsk!

"Ba't ka ba nakatulala? Huwag mong sabihing...Naaalala mo ba dad mo?" Sabi ni Vida na parang naaawa. Siya si Chaeriss Vida Quinton.

Isa siyang labing limang taong gulang na babae na kung magsalita eh parang matanda. Tsk! Gurang. Gurang pero maganda pa rin. Tss.

Akala ko kung ano na ang sasabihin niya. Tungkol lang pala sa dad ko. Lagi naman silang ganyan eh. Pinipilit nila ako para sabihin sa kanila kung ano ang rason kung bakit namatay ang dad ko. Ang former 'Businessman of the Year' ng bansa noon. Hindi naman sa nanghihinala ako pero nakakasawa na rin ang pangungulit nila kahit wala pa akong one month dito. Inaaraw araw na rin kasi nila.

"Pwede ba! 'Wag mo nga akong tawaging henyo dahil di naman yan totoo! Tsaka may assignment ka na ba sa---"

"Hep hep hep! Don't change the topic! Tungkol naman sa dad mo. Ano ba talaga ang nangyari? I-kwento mo na kasi sa amin. Promise, we won't laugh if you would cry or whatever. We just want to know. Trusted naman kami diba?" Sabi ni Vida habang pinandidilatan si Jux para sumang-ayon sa kanya.

"Oo nga I-kwento mo.." singit ni Jux. Juxana Heis Stayes at 15 years old din. Moreno at singkit. Maraming nagkakagusto sa kanya pero sa pag-oobserba ko sakanya, malabong magkagusto ako sa kanya. Ngunit may mga features naman siyang maganda kahit papaano. Pero ayoko pa rin sakanya. Hindi naman sa nanglalait, pero di ko siya gusto kasi masyado siyang happy. Weird.

Bagay talaga silang dalawa. Para din silang magkasintahan pero hindi ko alam kung ba't di pa yan nangyayari. Gusto ko silang makitang maglapugan para matahimik na sila sa pangungulit sa kin tungkol sa dad ko. Tch. Hindi ako sanay na pinapakealaman ang buhay personal ko.

"Heh! Wag na. Pakopya nalang ako." Tugon ko sa nakakainis nilang mga tanong. Dahil na rin sa gusto ko nang makatakas sa pagtatanong nila sa kin kaya ko nasambit yan. Wala rin naman din akong paki kung papasa ba ako o hindi.

"Sus henyo ka na mangongopya ka pa? Tsk tsk tsk. Lugi naman kami dyan!" Sabi uli ni Xana. Bakit ba bigla bigla itong sisingit sa usapan? Di ko rin gusto ang boses niya. Parang inipit.

"Aish." wala na akong ganang pang makipag away kaya naman pinuntahan ko ang bag ni Vida at kinuha ang Assignment niya. Wala nang makapagpigil sa kin basta naiinis na ako.

"Ano ka ba Xana. Namimiss lang nya ang dad niya."
"Oh~ Sorry. Hehehe" Bulong nilang dalawa.

Tsk! Lovers nga talaga. Sana sila nang dalawa.

Love Or Fight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon