Mich's POV
Umuwi na ako matapos ang pagkikita namin ni Jux. Hoo~ What a blast! Sa wakas may papunta nang lovelife si Vids. Nang malapit na akong makapunta sa gate ng bahay ay may naamoy ako. Amoy rosas. Ngunit mas matapang sa naamoy ko kahapon.May naaninag ako sa mailbox ng gate. Habang tinatanaw kung ano ito ay hindi ko maiwasang mangaba. Dahil hindi ko alam kung mabuti pa ba ito o hindi. Nang makuha ko na ito, at isang rosas ang bumungad sa akin. Isang puting rosas na may bahid ng pink.
Napag-alaman ko ring dito pala nanggagaling ang amoy. Pero may isang amoy pa akong nahagilap. Isang matamis na amoy. Lumingon ako sa paligid ko. Ngunit wala akong nakita. Dumoble ang kaba ko dahil hindi ko matukoy kung saan nanggagaling itong amoy.
Papasok na sana akong nang dumaan ang isang mabilis na motor sa likod ko.
"MAG-INGAT KA NAMAN!!! DI LANG IKAW 'YUNG TAO DITO!!!" sigaw ko sa walangyang yun. Gago. Dapat hindi siya dumaan sa gilid dahil alam naman niyang may tao.
Butit nakapasok ako dahil kung hindi'y kanina pa ako nagdudugo. Napansin ko ang isang kahon sa tapat ng gate. Mukhang nalaglag ito ng mga gagong motorista. Pinulot ko ito't pinagmasdan.
Napaganda. Ang itim-itim. Ang kintab at ang linis tignan. Sa pagsuri ko sa kahon ay may nakita akong isang sinulid na nakatali sa kahon na parang nagsisilbing tali dito. Pumunta muna ako sa kwarto upang mapagmasdan ito ng husto.
Umupo ako sa kama at kinandong ang kahon. Ang tali ay nakakonekta sa loob ng kahon. Ibig sabihin, may laman ito. Oo nga naman. Anong silbi ng kahon kung walang laman? Tsk.
Sa pagkakataong ito'y nakaramdam ako ng kaba. Kumuha ako ng gunting at pinutol ang pink na sinulid at binuksan bago sinilip ang loob.
Isang manika ang laman. Yari ito sa tela at ang laman ay foam. Kulay bronze ang buhok at ang damit at sapatos ay kulay puhaw na asul. Pamilyar ito sa akin ngunit hindi ko alam kung saan ko ito nakita.
Sinubukan kong kunin ang manika upang masuri pa ng husto. Ngunit parang idinikit ito sa ibaba ng kahon. Napansin kong may light blue na sinulid ang nakakalawit sa ibaba ng pinatungang karton ng manika. May bagay pa sa ilalim ng manika.
Kinuha ko ang karton kung saan nakadikit ang manika at tumambad sa akin ang napakatapang na amoy ng rosas. At mayroong ding isang nakatuping papel. Kinuha ko at binasa ang nakasulat nito.
"울다, 범죄자.
- 실인자"Napasinghap ako...
"Cry, Culprit.
-Killer"ang ibig sabihin nito. Sa di malamang dahilan, may nabuong konklusyon sa aking utak.
"Totoo ba 'to?"
~~~
Ilang oras na din ang tinunganga ko dahil di parin ako makaget-over sa pangyayari. Para sa kin ba talaga ang liham na iyon? Dagdag problema lang to eh.
Sa palagay ko hindi dapat sa kin yun. At kung hindi man sa kin ay alam ko kung sino dapat ang pagbibigyan nun.
Wala sa sarili na lamang akong napahalakhak. Nagkakamali sila ng kinakalaban. Anong akala nila sakin, na mahina ako? Hahaha. Pwes nagkakamali sila.
"Vids Calling..."
Uy tumawag si Vids.
"Hello Vids? Bakit napatawag ka?" Sagot ko sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
Love Or Fight?
Teen FictionA girl torn into two things: Love or Life. Pen or Knife. A girl enters an unknown place for her but a kingdom for him. She later learns and have to choose.