Chapter 4 - A Lead

0 0 0
                                    

Mich's POV

Pumunta ako sa office ng building ni Mr. Chanz. And his office was quite, big. Para siyang isang lugar na makakagawa ka ng kung ano. His staffs and employees were quite busy that time talking about guys,  like duh. Dapat nilang unahin ang trabaho.

Anyway, si Mr. Chanz ay isang doktor sa utak. I think it includes hypnotizing or the likes.

Pagdating ko sa office niya ay agad ko siyang hinanap. At nakita ko siyang nakaupo sa kanyang upuan at seryosong nakatutok ang pares ng mga mata sa computer.

At ano ang kinabibusyhan niya? I knocked the long table behind him at nakuha ko naman ang atensyon niya. Great.

"What the heck Mich! Ginulat mo naman ako!" he said looking annoyed at me at tinaasan pa ko ng kilay ha?

"What the heck too Chanz. Hindi mo ba namalayang kanina pa ako dito naghihintay na baka naman napansin mo ang pagbukas ng pinto?" kahit sandali lang naman ako and of course, I know he doesn't like unrespectful kiddos.

"Aren't you supposed to be having manners with me?" medyo irita niyang sabi.

"I don't care. Mas importante ang pinunta ko dito." sabi ko habang nakapinta ang isang ngiti sa labi.

"Then hurry up! Pinunta mo pa talaga ako dito huh?"

"You have to check my brain up now. Sa palagay ko may saltik na yata ako sa utak dahil sa mga pangyayaring hindi ko naman alam kung totoo ba o hindi." dire-diretso kong sabi.

"Ano?"

"Basta! Bilisan mo!"

"Kung ganon, hindi ako pwede. You got me in the wrong time. Busy ako ngayon dahil may iba pa akong trabahong inaasikaso."

"Per--"

"Or you can call to this number. Might help you. But he is not a doctor like me." sabi niya habang pinapalabas ako sa kaniyang office.

"Here." binigyan niya ako ng isang papel na nakatupi at nakalukot ng husto.

Pagkatapos ay tinulak ako ng walang hiyang yun at pinalabas sa kaniyang office. Grr. May araw ka rin sa kin.

Kaya tinignan ko nalang ang papel na nakalukot.

"Mr. Stevan? Sounds familiar." Sa tingin ko narinig ko na ang pangalang yan. May nakasulat naman na address kaya pupuntahan ko nalang mamayang hapon dahil may pasok pa.

Salamat naman. Tutulungan ko pa si Xana kay Vids.


Yun's POV

Mukhang nangyari nanaman sakin 'to.

Hindi ko alam kung bakit pero parang kilala ko na silang lahat. Hindi naman ako na amnesia o nabagok. Henyo pa rin naman ako. Tsk.

Heto kami at nagmamadaling pumasok dahil lakad pagong kasi ang mga kasama ko.

"Hoy Junvei, sabihin mo nga sa akin kung ano ang panaginip mo kani-kanina lang?"

"Ah. Mukhang ... nasa isang lumang building ako kasama ang dalawang taong hindi ko kilala..." sabi niya habang nag-iisip at naglalakad kasama ko.

"Tapos?"

"May pina-inom sila sa aking... gamot? Hindi ko alam kung gamot ba iyon. Bakit mo naman natanong?"

No way.. Hindi to pwede.

Kasi,

Sa panaginip ko, nakita ko siyang pina-inom ng isang lason. Sa isang abondonadong gusali. Kasama ang dalawang taong kilala ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Or Fight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon