Chapter 2 - Reveal?

4 0 0
                                    

Mich's POV

"Woaaaaaah!!" Hikab ko. Hindi ako sumigaw dude. Nagstretching lang naman ako gaya ng ginagawa ko tuwing umaga. Pagkatapos magstretching ay nakatulala na naman ako. Ano ba yan! Wala na naman ata akong magagawa umagang-umaga pa naman!

Time check 5:54. 5:54 pa naman pala eh. 6:00 pa yung pasok namin.

Huwag kayong mabigla dahil sanay na talaga akong maging late. Sanay na din ang mga classmates ko pati na ang guro kahit wala pa akong isang buwan dito sa napaka-ewang eskwelahan. Ang Black Bullet Academy. Ang nakakatawa lang eh ang Bullet ay "Bulley" kung isasalita. Pfft.

Wala na akong magawa kundi maligo NALANG dahil kung hindi ako maliligo siguradong matatapos ang araw na to ng nakatulala lang ako.

Pagkatapos maligo ay tinawag ako ni Mommy. Mag-usap daw kami. Baka about kay Daddy na naman to. Kapag nagyaya kasi ng usapan si Mommy lagi niyang ita-topic si Dad. Lagi niyang sinasabing namimiss na talaga niya si Dad. Ako din naman eh.

"Mich, anak. Halika dito." Tawag niya sa 'kin. Medyo kinabahan ako dahil sa pagtawag niya sa 'kin. Ang seryoso kasi. Hindi ako sanay na seryoso ang dating niya.

Ang weird ng pakiramdam ko ngayon. Parang.. may mangyayaring kakaiba.

"What is it mom?"

Silence...

"I was dreaming of your dad last night." Ang tahimik, napakatahimik. Seems like an odd aura spreads in our place.

"An-no naman i-iyon mom?" Ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"It was like your daddy's vision." Huh?

"It was like I'm in your daddy's position. Remember when we had our last memories with your dad? The time that we are on a beach?" Tumango ako bilang pagsang-ayon. Parang nawala lahat ng lakas ko ngayon na kahit ang pagsasalita ay hindi ko magawa.

"The day you were drowned in the beach?" Yeah, yeah. Huwag mo nang ipaulit sa 'kin yun mommy. Nakakahiya.

"Dun ko nalaman na..." Mom, huwag pa thrilling please. Tss.

"Dun ko nalaman na h-hindi pala ang dad mo ang nagligtas sa'yo."

Hindi si....WHAT?! Hindi si Dad ang nagligtas sa 'kin?! Kung ganon...

"It was another man. Uhh, boy. Ka- age mo yata." Huh??

"W-what do you mean mom?" Dad did'nt save me. So why did mom give me death glares? And why did Dad die?!!

"I'm sorry for giving you glares while you are still recovering honey." Malungkot na sabi niya.

"Okay lang yun mom. I do understand. P-pero, bakit... b-bakit po namatay si Dad?" Naguguluhang tanong ko.

Pero sa halip na sumagot siya ay umiyak lang siya ng husto. Dahil hindi ko naman kayang makitang umiyak ng ganito si Mom ay nilapitan ko siya at pinatahan. Binigyan ko na rin siya ng tubig dahil baka mabilaukan siya sa sarili niyang laway.

"Anak thanks for being here. Sana wag kang lumayo sa piling ko." Ikaw din Mom, sana.

"I'll do my best Mom." Haay. Nakakadrama. Pero teka,

"Mom, kilala mo ba kung sino ang nagligtas sa 'kin?"

"Di ko kilala anak. Pero may natatandaan akong kaunti sa kanya."
Sagot niya sa 'kin.

"Di ako sigurado anak. Matangkad siya. Medyo maputi. Di ko na nakita ang mukha. Pero balita ko makapangyarihan ang pamilya ng batang iyon." Sayang. Baka gwapo at meant to be kami di ba? Ok be serious.

Love Or Fight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon