Crazy 4

10 0 0
                                    


  Nami's POV

Aray ! Ang sakit ng puson ko ! Ouch !! Huhuhu tumayo ako sa kama ko at lumabas ng kwarto. Eksaktong lumabas din si Timoteo na kumunot ang noo ng nakita ako.

"Anong nangyari sayo ?" Umiling lang ako sa kanya at pumunta na sa CR.

Pagpasok ko .......

Confirm may period nga ako . Pero teka ?! NAKALIMUTAN KO MAG IMBAK NG NAPKIN!!!

Kei's POV

Paglabas ko ng kwarto ko paglabas din ng Baliw sa kwarto niya. Napakunot ang noo ko ng nakita ko siyang parang may iniindang sakit.

"Anong nangyari sayo ?" Umiling lang siya saken at pumasok na sa CR.

Sinundan ko siya ng tingin. Ano kayang masakit sa kanya ?! Tsk di ko na siguro problema yun. Nagkibit balikat na lang ako at dumiretso na sa Kitchen para gumawa ng breakfast wala naman kasi akong mapapala kay Nami eh.

Pagkatapos kong magluto susubo na sana ako ng loaf bread ng may tumawag saken galing CR.

"Kei ?" Tawag niya pero sapat na para marinig ko. Tsk may kailangan to, tinatawag lang kasi ako nito ng Kei kapag may kailangan. Binaba ko ang tinapay ko at naglakad papunta sa tapat ng pinto.

"Why? " tanong ko.

"Ano.. kasi pwede bang ... ?"

"Ano ?"

"Yung may wings .... pwede bang ibili mo ko ?" Tsk ano bang sinasabi niya.

"Ha ? Anong wings ?"

"Yung inilalagay ng... mga b-babae kapag may red tide sila "

********

Fuck ! Pinapahirapan talaga ako ng babaeng yun ?! Hindi ba niya alam na mag kakaroon na siya. Napaka careless talaga ! Imagine ?! Me ?! Will buy her a sanitary napkin ? Shit !

Tinakbo ko lang ang convenience store malapit lang naman kasi ito mula sa Condo Unit ko.

Thank God ! Kasi nakabili agad ako, although may mga babaeng nagpapa cute saken dun pero wala akong pakealam.

Pagdating ko agad akong kumatok sa CR dahan dahan naman niya yung binuksan. Inabot ko sa kanya ang napkin niya.

"Salamat" pagkabigay ko nun pumasok na ako sa kwarto ko. Di ko talaga matanggap na bumili ng napkin ! Tsk ?!

Nami's POV

"Talaga ginawa ni Kei yun ?! Hahahahahaha" tawa ni Mika. Kinuwento ko kasi sa kanya ang nangyari kaninang umaga nung binabili ko si Timoteo ng napkin. Ewan ko ba pero kinilig ako hihihihi.

"Wag ka ngang tumawa ! " saway ko

"Sareh ! Ha ?! Pero di ko talaga ma figure out na si Kei bibili ng sanitary napkin ?! Hahahhaha"

"Mabulunan ka sana !"

Pagkatapos ng klase maghapon which is last day nanamin kasi sembreak na as usuall wala nanamang pumasok sa utak ko tapos may pag kahaba haba pang sasagutan sa Math ! Buong klase ata akong nakayuko pano ba naman kasi sobrang sakit talaga ng puson ko !

Pagdating ko sa bahay bumungad saken ang galit na galit na mukha ni Timoteo. Pero bakit ?!

"May problema ba ?" agad naman siyang tumingin saken at lumapit.

"Di ba sabi ko sayo ayoko sa lahat ng kalat ?!" Galit na galit talaga siya, pano ba naman namumula na siya pero di ko na lang pinansin ang sakit kasi ng puson ko talaga.

Kei's POV

Pag uwi ko ng bahay , Fuck ! Sobrang dumi ! Lalo na sa CR nagkalat ang napkin niya.

"Di ba sabi ko sayo ayoko sa lahat ng kalat ?!" Bungad ko sa kanya pero parang hindi niya ako narinig at nag dirediretso na sa Living Room. Sisigawan ko na sana siya ng bigla siyang natumba. Buti na lang nasalo ko agad siya. Tinapik tapik ko ang pisngi niya, namumula siya! Ano bang nangyayari sa kanya ?!

"Hey ? Nami , whats wrong ?" hinawakan ko ang pisngi niya.

"Yung... p-puson ko m-masakit " mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko.

Binuhat ko siya at dinala sa kwarto niya at hiniga sa kama. Paglapag ko sa kanya dun agad siyang bumaluktot. Ewan ko ba pero may parte sa puso ko na nag aalala ako sa kanya. Akmang aalis na ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Ang lamig ng kamay niya agad akong napatingin sa kanya.

"D-dito ka lang" mahinang sabi niya. Ewan ko ba pero may nag tutulak saken na manatili lang sa tabi niya. Kaya tumabi ako sa kanya sa higaan at hinipo ang noo niya wala naman siyang lagnat.

"Siguro may Dysminnorreah ka" sabi ko sa kanya kaya. Tumayo ako saglit at kinumutan siya. Uupo na sana ulit ako ng may naalala ako kaya tumayo ulit ako. Aalis na sana ako ng hawakan niya ulit ang kamay ko.

"S-san ka pupunta ?" bahagya akong yumuko para magpantay kami and I kissed her on her fore head.

"May gagawin lang ako don't worry hindi kita iiwan" pagkasabi ko nun umalis na ako at dumiretso sa kwarto ko.

Pagdating ko sa kwarto agad akong humarap sa laptop ko at nag search ng...

How to ease the menstruation cramps?

Search ko , agad namang lumabas ang results kaya ayun dumiretso na ako sa kitchen at gumawa ng ginger tea para maalis o mabawasan man lang ang pananakit ng puson niya.

Pagkatapos ko pumunta agad ako sa kwarto niya at dinalhan siya ng Tea. Umupo ako sa tabi niya at inalalayan siyang makaupo din.

"A-ano y-yan ?" Turo niya sa dala kong ginger tea.

"This will help you to ease your menstruation cramps... here drink this" dahan dahan ko sa kanya pinainom ang tea hanggang sa maubos niya na.

Pagkainom niya humiga na ulit siya ako naman inayos ko ang kumot niya.  

  "Salamat " napalingon ako sa kanya. Nginitian ko lang siya at umupo na ulit sa tabi niya.Why am I feeling like this ? Why am I feel that I care for her ? Why am I feeling that I..........


 Like her ? 


 To be continue...  

Arranged Marriage with the Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon