Crazy 25

10 0 0
                                    


  Nami's POV

Nagising ako ng may naramdaman akong mabigat sa tiyan ko. Dahan dahan kong binukas ang mga mata ko at ang maamong mukha ni Timoteo ang bumungad saken.

Teka si TIMOTEO ?! Sa sobrang gulat nasipa ko siya kaya..

"What the fuck ?!" Nalaglag siya sa kama. Grabe ang sama ng tingin niya saken. Nag peace signed ako sa kanya sabay sabi nang ...

"Masakit?"

Tumayo siya at lumapit saken napaatras naman ako. Napasigaw ako ng bigla niya akong binuhat na pang bride style.

"Ano ba TIMOTEO !! IBABA MO KO ! ISA DALAWA !! ANO BA !" Sigaw ko sa kanya pero laking gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa noo.

"Sorry wifey...dahil saken kaya nasasaktan. Patawarin mo ko dahil wala ako sa tabi mo kung kelan mas kailangan mo ko" napaluha ako sa sinabi niya.

"Wala kang kasalanan .. kaya wag mong sisihin ang sarili mo.. " nakangiting sabi ko sa kanya. Nilapit niya ang noo niya saken at ngumiti.

"Bumibigat ka na .. ibaba na kita" napa pout ako sa sinabi niya. Akmang baba niya na ako ng hinigpitan ko ang kapit sa leeg niya. Kaya naman nahulog kami parehas sa kama. Magkapatong kami!

"So eto pala ang gusto ng baby ko" nakangising sabi niya na kinainit ng pisngi ko. Tatayo na sana ako ng hilahin niya ulit ako.

"H-hindi.. a-anu kasi.. m-mali ang iniisip mo.. h-hindi -hmpp" di ko natuloy yung sasabihin ko nang bigla niya akong siniil ng halik.

Ewan ko ba pero naramdaman ko na lang na tumutugon ang sarili ko sa mga halik niya. Nang matapos ang halikan namin parehas kaming hinihingal.

"We need to stop... baka hindi ko na mapigilan" nahihirapang sabi nito.

"Ha?" Inosenteng tanong ko.

"Tumitigas kasi..." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Umalis na siya sa kwarto ko at naiwan akong nagtataka.

Teka tumitigas?!

"WAHHHHHH TIMOTEO PERVERT KA TALAGA !!!"

**********

Nanunuod lang kami ni Timoteo ng Miss Perigrine's home for peculiar children at nakahiga ako sa couch habang ang mga paa ko eh nakapatong sa lap niya.

"Timoteo totoo bang may kakaibang mga nilalang?" Biglang tanong ko sa kanya.

" Oo naman... ikaw kakaiba ka di ba" napanginiti naman ako sa sagot niya . Alam ko kung bakit kakaiba ako dahil maganda ako at mahal niya.. tama ako diba ?

"Bakit muna naman nasabi?" Pabebeng sabi ko. Tumingin siya saken at ngumisi.

"Tatanga tanga ka diba" umusok ang ilong sa sinabi niya. Sa sobrang yamot ko nasipa ko siya sa mukha kaya naman..

"Damn it!" Nagdugo ang ilong niya. Agad akong napabangon at nilapitan siya.

"Sorry ... sorry masakit ba ? Sorry talaga?" Hinawakan ko ang mukha niya. Grabe ang sama ng tingin niya saken.

"Tinatanong pa ba yan?" Galit na sabi niya. Napangiti naman ako ng alanganin.

"Sorry talaga..! Teka kukuha lang ako ng bulak" pumunta ako sa banyo para kumuha at agad ding bumalik. "Wag kang mag alala gagamutin ko yan !" Kinuha ko lahat ang laman ng bulak.

"So ilalagay mo yan lahat ?!" Tumango lang ako sa tanong niya. Kinuha niya saken ang bulak at siya na ang naglagay sa ilong niya "Tatanga tanga ka talaga" inis na sabi niya. Bakit ganun siya ? Bakit ang sakit niyang magsalita... Akala ko ba mahal niya ako? Naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko.

"Pasensya na ha kung lagi na lang akong nakakagawa ng mga katangahan. Ganun kasi ako eh tatanga tanga" pagkasabi ko nun nag walk out na ako at nagkulong sa kwarto ko. Napaupo na lang ako sa tabi ng kama ko at napaubub.

"Bakit ganito ka saken sobs akala ko ba mahal mo ko....."

Kei's POV

Fuck ! Ano ba tong nagawa ko ?! Hindi ko siya dapat sinaktan .. hindi ko sana siya sinabihan nun... Hindi ko sana siya pinaiyak.

Calling ... Cassy (My sweetheart)

"Hello Kei.. hindi ba sinabi ko sayo na dalawin mo ko. Miss na miss na kita" sabi niya na halatang halata na nagtatampo.

"Dont worry I'll visit you ... okay?" Narinig ko namang napabuntong hininga siya.

"Gusto ko ngayon na. Gusto na kitang nakasama eh please ....."

"Okay... okay Im coming ... hows your feeling".

"Magiging okay ako kung nandito ka .. kaya please come here ! Right now ... I love you sweetheart"

TOOT.. TOOT

Nami's POV

Nakakauhaw pa lang umiyak. Lalabas na sana ako ng kwarto may narinig akong kausap si Timoteo..

"Magiging okay ako kung nandito ka .. kaya please come here ! Right now ... I love you sweetheart"

So kaya pala ganito ang trato niya saken dahil hindi naman niya talaga ako mahal..

To be continue ...  

Arranged Marriage with the Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon