Crazy 24

10 0 0
                                    


  Nami's POV

Mabilis lumipas ang mga araw .. hindi ko na namalayan na graduation day na pala ngayon. Kaya naman sinusulit na namin ni Mika ang last day namin.

"Mamimiss ko tong Leighton Academy. Ang daming magagandang memories na nangyari dito" naluluhang sabi ni Mika pati ako naluluha na din.

"Tama ka pero okay lang yan ! Dahil sa college mas makikilala natin ang sarili natin diba ! Atsaka sigurado akong mas madaming magagandang memories ang mangyayari satin sa college" nakangiting sabi ko. Tumango naman siya at pinunasan ang luha niya.

"Sya nga pala Nami anong university ang papasukan mo?"

"Ang totoo niyan hindi ko pa napag iisipan eh" pag aamin ko.

"Ako kasi sa Leighton University.. at sigurado akong dun ka din mag cocollege... boyfriend mo kaya ang anak ng may ari... ay mali FIANCE PALA!! " nginitian ko lang siya. Tama siya baka nga sa L.U. ako mag aaral. Pero ano ba talaga ang gusto kong buhay na tatahakin? Ano ba talaga ang gusto ko? Sa ngayon kasi isa lang ang siguradong gusto ko..

At iyon ay ang manatiling nasa tabi ako ni Timoteo.

*****

Natapos ang graduation Ceremony nang puno nang iyakan tapos na kasi ang Highschool days namin. At syempre sino pa ba ang valedictorian... syempre si Timoteo lang po. Wala ng iba ..

Pero nakakainis lang dahil hanggang ngayon hindi ko pa din siya nalalapitan. Pano ba naman pinagkakaguluhan siya ng mga babae kung ano ano ang gustong ibigay sa kanya yung iba gustong mag papicture. Nanggagalaiti ako sa kanila ha...

"Hay Nami kung nakakamatay lang ang tingin siguro kanina pang patay yang mga babaeng nagkakagulo kay Kei" natatawang sabi ni Mika. Napa pout na lang ako at malungkot na humarap sa kanya.

"Pano ba naman kasi dapat magkasama na kami ni Timoteo sa mga oras nato at masaya na kaming nag cecelebrate ng graduation day"

"Wag kang mag alala. Wala namang aagaw sa boyfriend mo alam mo namang ikaw lang ang mahal niyan eh. Osige babye na sinusundo na ko nina Mama. Sama ka muna kaya saken?" Yaya niya .

"Ah hindi na hihintayin ko na lang siya muna .. babye na hinihintay ka na nila" nakangiting sabi ko.

Pero kelan naman kaya matatapos ang paghihintay ko sa kanya. Hay makapag CR na nga muna.

Pagpasok ko nang CR laking gulat ko ng biglang may humila saken at tinulak ako ng malakas. Napaigik ako ng tumama yung likod ko sa pader. Nakita kong nilock niya yung pinto. Inangat ko ang tingin ko at nakita kong may 4 na babae na masamang nakatingin saken.

"Sino ba kayo ?! Bakit ginagawa niyo to saken ?!" Nagulat ako ng biglang lumapit saken yung isang babae ma siguro leader nila at hinawakan ng mahigpit ang panga ko.

"Ikaw .. sino ka ba ?! At pumatol sayo si Kei?! Ha !" Galit na galit na sabi nito.

"Narinig namin ang pag uusap niyo ng kaibigan mo. Anong ginawa mo kay Kei para mabighani mo siya!" Sabi naman nung isa.

"Hindi ka karapat dapat kay Kei.. at kailanman hindi kami makakapayag na mapunta siya sa iba maliban saming apat. At hindi kami makakapayag na mapunta siya sayo!" Napasigaw ako ng bigla akong sinampal ng leader nila. Pakiramdam ko namamanhid na yung pisngi ko sa sobrang lakas ng sampal.

"Tatak mo to sa utak mo babae ka ! Layuan muna si Kei at tigil tigilan muna ang pag eelusyon mo na mahal ka ni Kei" sabi nung pang apat.

Lumabas na sila ng CR at naiwan akong iyak ng iyak. Napayakap na lang ako sa sarili ko. Siguro nga tama sila hindi ako karapat dapat kay Timoteo. Sino lang ba ako...

Kei's POV

Past 10 pm na pero wala pa din si Nami. Fuck ! San ba sya nagpunta ? Dapat nandito na siya sa mga oras na to. Hinintay ko siya kanina sa school pero wala siya. Nasan ba siya?! Pinag aalala nanaman niya ako.

Narinig kong bumukas ang pinto agad akong napatayo at dumiretso sa pinto. Im about to scolded her when I saw her crying in pain.

Lumapit ako sa kanya at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Napakunot ang noo ko ng makita ko siyang maraming pasa sa braso at nakita kong namumula ang kaliwang pisngi niya at ang gilid ng labi niya may dugo.

"Nami... w-what happened to you?" Kinakabahang tanong ko. Pero umiling lang to saken at nilagpasan ako.

Sinundan ko naman siya at hinila ang braso niya pero agad din naman akong napabitaw ng dumaing siya.

"Anong nangyari Nami ? Magsalita ka naman. Sinong may gawa sayo nito? Bakit ang dami mong pasa!?" Sigaw ko sa kanya pero bigla siyang yumakap saken at humagulgol.

"T-timoteo... sobs t-tama sila... h-hindi nga t-talaga siguro sobs ako karapat dapat sayo. D-dapat naisip ko to sobs sa simula pa lang" napakuyom ang kamao ko sa sinabi niya.

"Sinong nagsabi nito sayo ? Siya ba ang may gawa nito?" Nanggagalaiting tanong ko. Bumitaw na siya saken at dumiretso na sa kwarto niya.

Sinundan ko naman siya pero nang bubuksan ko na ang pinto ng kwarto niya. Damn! Nakalock.

Napasuntok na lang ako sa pader. Kung sino man ang gumawa nito sa kanya.... I'll make sure you will suffer in pain..

************

Kahit gabing gabi na pumunta pa din ako sa school. Pumunta ako sa security house at laking gulat nila ng makita ako  as If I care! 

 "I want to see the all video after the ceremony" matigas na utos ko sa kanila na agad namang sinunod nila.Pinapanuod namin lahat ng footage sa buong school.

 Napakunot ang noo ko ng may mapansin ako sa CR ng mga babae. Kaya naman pinalaki nila ito. Napaigting ang bagang ko nang makita kong pinagtutulungan nang apat na babae si Nami.

 Bullshit!! Who are you to lay on hands to Nami !? I'll make sure to suffer in hell all of you..Umuwi agad ako nang bahay pagkatapos kong asikasuhin ang apat na slut na yun! Kinuha ko ang susi ng kwarto ni Nami.

 Pagkabukas ko nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama niya. Nilapitan ko siya at humiga sa tabi niya. Kinuha ko ang ulo niya at pinatong sau dibdib. I kissed her in her temple and hugged her tightly.

 "Im sorry wifey.. kung hindi dahil saken hindi mangyayari to.. sorry... dont worry I'll make it up to you.. I love you Nami..." I kissed her in her lips before I fell in sleep.

 To be continue...

Arranged Marriage with the Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon