Crazy 23

13 0 0
                                    


  Nami's POV

Sa buong klase namin sa umaga tulala lang ako . Iniisip ko pa din kasi siya eh... si Gab. Hiling ko lang sana maging maayos na ang lahat...

"Ms Park what is light? .. Miss Park !?" Nagitla naman ako ng bigla akong tinawag ni Mam Suarez yung matandang dalaga na teacher namin sa Science.

"Ha?" Tanong ko.

"Nami sa page 156..." bulong saken ni Mika. Agad ko namang binuksan ang libro ko at dali daling tumayo..

"Ah eh... In this module you will learn about light" sagot ko. Nagtaka naman ako ng tumahimik silang lahat at maya maya bigla silang nagtawanan.

"Anong sinasabi mo Miss Park !? Hindi yan ang meaning ng Light! Introduction yan ng module! " napapikit naman ako sa sigaw ni Mam at napangiti sa kanya ng alanganin "Miss Park Ano bang ginagawa mo sa klase ko ha ! Lumilipad ba yang utak mo !? Oh baka naman napunta na sa paanan mo yang utak mo! Follow me I'll punish you!!"

********

Ngalay na ngalay na ako sa tayo ko. Pano ba naman pina squat ako tapos may dalawang libro ng encyclopedia sa magkabilang kamay ko. Pakiramdam ko kapag nagtagal pa to baka mangalas na ako huhuhu.

"Aisshhh Wifey youre always occurs your craziness thats why you punish right?" Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Timoteo na papalapit saken habang nakangisi.

"H-hindi ah.. ano .. ano kasi nag eexcercise lang ako ! Sasali kasi ako sa Pilipinas Got talent at eto ang talent ko patagalang na naka squat" nakangiting plastik na sabi ko.

"Whatever ... see you around" nilagpasan niya lang ako ?

Wala ka talagang puso ni hindi man lang ako tinulungang matapos tong parusang to....

*****

Mahigit isang oras pala akong naka squat at eto ako ngayon nakikipaglaban kay kamatayan. Pano ba naman kasi ang hirap bumaba ng hagdan sobrang sakit kasi ng paa at binti ko. Ikaw kaya ang mag squat ng mahigit 1 hour.

"Ano Nami kaya pa?" Napatingin ako kay Mika na tatawa tawa pa. Sipain ko siya diyan eh. Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Halika nga tutulungan na kita nakakaawa ka kasi" natatawang sabi niya. Kaibigan ko ba talaga to ? Di ko na lang siya pinansin. Inalalayan niya ako hanggang sa makababa ng hagdan.

"Nami Bakit ba kasi tulala ka nanaman kanina. Ayan tuloy napagalitan ka nanaman ng teacher natin na yun alam mo naman yun matandang dalaga" napatawa naman ako sa sinabi niya pero agad ding sumeryoso.

"Nakausap ko na si Gab kanina at sa tingin ko ayos na. Pero umalis na siya" malungkot na sabi ko. Inakbayan niya naman ako.

"Wag kang mag alala magiging maayos din ang lahat"


*********

Pagkauwi ko agad akong tumuloy sa kwarto ko at dumapa sa kama. Ang daming nangyare ngayong araw na to. Maya maya may naramdaman akong umupo sa tabi ko.

"Hey hows your day?" tanong niya saken. Naramdaman kong hinalikan niya ang buhok ko.

"Tinatanong pa ba yan ! Syempre hindi! Alam mo naman yun di ba ! Ni hindi mo lang ako tinulungan!" Naluluhang sabi ko. Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Wifey... kaya hindi kita tinulungan kasi para rin sayo yun..." naiiyak na talaga ako. Humiga siya sa tabi ko at niyakap ako "Hey stop crying ... sorry na okay? Tahan na " pag aalo nito saken. Napayakap na lang din ako sa kanya. "Nangako pa naman ako kay Villacorte na hindi kita paiiyakin" napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napatingin sa kanya.

Flashback....

Third Person's POV

Seryosong naglalakad sa corridor si Kei ng makasalubong nito si Lance. Tinignan lang ni Kei ito ng walang ekspresyon at nilagpasan na.

"Leighton pwede ba tayong mag usap" napahinto si Kei sa paglalakad. Lumapit naman sa kanya si Lance.

"Ano bang pag uusapan natin?"


"Tungkol kay Nami... Alam kong kayo na" napangisi si Kei sa sinabi nito at humarap. "Suko na ko .. sumuko ako dahil alam kong mapapasaya mo siya at ikaw ang mahal niya. Kahit masakit saken tatanggapin ko pa din... mahal ko kasi siya eh at kaligayahan niya lang ang gusto ko eh ... aalis na muna ako.. pero pwede bang ipangako mo na mamahalin mo siya at wag mo siyang papaiyakin" tumango lang si Kei.

"Sa tingin ko wala nang dahilan para mag away pa tayo.... " seryosong sabi ni Kei na kinangiti naman ni Lance.

"Yeah... so friend?" Inabot ni Lance ang kamay niya kay Kei "Kei...." dagdag ito. Napangiti naman si Kei at tinanggap ang kamay nito.

"Friends..."

End of Flashback

Nami's POV

"Talaga mag kaibigan na kayo?" Tumango lang siya "teka sinabi niya ba kung san siya pupunta?" Umiling lang siya na kinalungkot ko.

"Dont be sad ... diba sinabi niya naman na babalik siya... Get up I'll cook a spicy noodles for you" tumayo na siya pero ako nakahiga pa din. Tinaas ko ang dalawang kamay ko.

"Buhat... ! hehe ang sakit kasi ng mga binti ko" nagpapaawang sabi ko napatawa naman siya at binuhat ako ng bride style.

"Ang baby ko talaga..." namumunghay na sabi nito sabay halik sa lips ko... na tinanggap ko naman...

To be continue...  

Arranged Marriage with the Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon