Chapter 1:

13 2 2
                                    


Rozett's P.O.V

Nakikinig ako sa lec namin na nagdi-discuss sa harapan ng biglang kumulog ng malakas.

"Ayy ano ba yan. Sobrang lakas ng ulan wala pa naman akong dalang payong" nakabusangot na ika ni Steffany, isa sa mga kaibigan ko "May dala ka bang payong Sof?" Baling niya kay Sofia na isa din sa kaibigan ko at tumango naman eto.

Tumingin ako sa bintana at parang maga-gabi na nang dahil sa dilim ng ulap. Binalewala ko lang yun at nakinig ulit sa lec.

"Pacool-cool naman tong si Alex porket may gwapong kuya na taga-sundo. Psh iba talaga pag bigtime"  sabi ni Kheyra at umirap pa. Natawa naman ako.

Lumipas ang mga oras at uwian na hindi parin tumitigil ang ulan, malakas pa din.

Pumunta muna kaming apat sa locker namin.

"Oh pano? Mauna muna kami sayo Lex. May taga-sundo ka naman eh" sabi ni Sofia at inilabas ang payong niya. Tumango naman ako at umalis na silang tatlo. Pinagpatuloy ko naman ang paglalagay ng gamit ko sa locker.

Aalis na sana ako ng may marinig akong kalabog at nagsisigawan sa kabilang locker room. Bale dalawang kwarto kasi etong lalagyan ng locker.

So dahil sa isang dakilang tsismosa ako lumapit ako dun at bahagyang nagtago sa gilid ng locker yung hindi nila ako mapapansin at hindi nila ako makikita pag umalis sila.

Bahagyang lumaki ang mata ko ng makita kong si Toffer yun. As in si 'RALPH TOFFER ELVIS' like OMG! Pero wait, who's that pokemon? May kasamang babae si Toffer! Ikennat!

"Ano bang nagawa ko? Ano bang nagawa ko para magkaganito tayo? Okay naman tayo ah? Well, sa pagkaka-alam ko okay tayo. Ang saya-saya pa nga natin kahapon tapos ngayon-- hindi ko maintindihan eh. Hindi ko maintindihan Fei" maluluhang sabi ni Toffer. OMG baby wag kang umiyak please, nasasaktan ako eh.

"T-Toffer itigil na natin to. May iba na akong mahal" sabi nung babae.

"That's not true" sabi ni Toffer na iiling-iling pa at bahagyang lumapit sa babae munit umatras yung babae.

"Toffer hindi mo naiintindihan!"sabi nung babae at tumulo ang luha niya.

"Then let me understand it! Ipa-intindi mo sakin!" Sigaw ni Toffer at bahagyang umigting ang panga niya. "Please Fei wag ganito" wika niya at pumiyok ang kaniyang boses pagkatapos ay kinagat niya ang kanyang labi para hindi maiyak. "Fei kaya natin to, walang susuko okay?" Sabi pa niya at hinawakan ang kamay nung babae.

"I-I'm sorry Toffer" sabi nung babae at nagmamadaling umalis.

Sinundan ko pa ng tingin yung babae at saka bumaling kay Toffer na ngayon ay nakayuko.

Bahagyang lumaki ang mata ko nung makita kong may tumulong luha galing sa mata niya.

Naaawa ako kay Toffer. Nakakaawa siyang tignan. Feeling ko tuloy nararamdaman ko din yung nararamdaman niya ngayon.

Mas dumoble ang laki ng mata ko nang marinig kong humikbi siya.

Bahagya niyang pinunasan ang luha niya at binuka ang kaniyang bibig.

"Kung sino ka man, lumabas ka na. I know you're in there, kanina pa" sabi niya at tumingin sa gawi ko. Luluwa na ata yung mata ko nangdahil sa pagkalaki neto.

"I--uhh--I--I'm sorry for listening-- I mean h-hindi ko sinasadyang makinig so sorry" sabi ko at yumuko.

"Kung ano man yung narinig mo, kalimutan mo na yun" sabi niya at akmang aalis na nang...

"W--wait, maybe I can help?" Hindi siguradong ika ko at nilingon niya naman ako at bahagya siyang natawa.

"Hahaha. Help? What kind of help miss? Are you gonna help me to move on from her?" sabi pa niya at tinignan ko naman siya sa mata.

"Y--yes. I can help you to move on from her" nanginginig na sabi ko at bahagya naman siyang nagulat ngunit ngumisi din kagad.

"Ahh so you'll gonna help me to move on from her and then what? And then like her, you'll gonna leave me if I fall for you? Hahaha that's stupid" pailing-iling na sabi niya at nakapamulsang umalis. Ngunit hindi pa man siya nakakalabas ng tuluyan ay tumigil siya "But I think it's not bad if we'll try, right?" sabi niya at nilingon pa ako saglit at tuluyan ng umalis.

Teka, anong ibig niyang sabihin?

Papayag ba siya?

Nang maka-recover ako ay lumabas na ako at sakto namang pagdating ni kuya Rex.

"Pinasok ko na tong kotse dahil masiyadong maulan. Alam ko namang hindi ka nagdadala ng payong" sabi niya nung pumasok na ako sa kotse. Hindi nalang ako umimik at pinaandar naman niya yung kotse at nagsimula nang magmaneho.

Pagdating namin sa bahay ay umakyat kagad ako sa kwarto ko para maligo at magbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako at kumain.

"By the way bukas ng gabi nga pala may party ang mga Elvis at invited tayo" biglang sabi ni papa habang nasa hapag kami at tumingin naman ako sakanya. Elvis? Kila Toffer?

"Para san daw po yung party pa?" tanong ni ate Lizette at nagpasalamat naman akong tinanong niya yun.

"Engagement party ata para dun sa anak nila" engagement? Anak? Sino? Si Toffer? Kaka-break niya lang dun sa babae ah? Nagkabalikan kagad? Imposible namang may pamalit siya kagad dahil sa nakikita ko sa emosyon niya kanina at sa mga mata niya halatang mahal na mahal niya ang babae.

"Sinong anak pa?" Tanong ni kuya Rex.

"Yung panganay nilang anak, si Raphael" ayy si Raphael pala. Bat di ko naisip yun? Aish tanga din eh.

"Ahh. Sayang may fiance na pala, type ko pa naman sana" nakangusong wika ni ate at napahalakhak naman si papa.

"Si Kaiser nalang kaya? Tutal single naman yun at saka mukhang type ka nga nun" sabi ni kuya at tumawa pa. Sumimangot naman si ate.

"Hmp! Eh bakit? Ako ba? Type ko ba yun? Halos isumpa ko na nga yun eh" sabi pa ni ate at umirap.

"Hahaha! The more you hate, the more you love ika nga" sabi ni Dad at tumawa naman sila, napangiti din ako.

"Tsaka malay mo, baka bukas o sa makalawa mahal mo na pala, hindi mo lang namamalayan" sabi ni kuya Rex at umirap naman si ate.

"Oh? Ang tahimik mo ata Alex? Is something wrong iha?" tanong ni Mom at umiling naman ako.

"I just don't feel better Mom" sabi ko at uminom ng tubig.

"Oh I see. Magpahinga ka kagad pagkatapos mong kumain ah" sabi ni Mom at tumango naman ako.

Tinapos ko lang ang pagkain pagkatapos ay umakyat na ako.

Habang nakahiga ako hindi ko maiwasang isipin yung kanina.

There's nothing bad if we'll try? Anong ibig niyang sabihin? Does it mean.

'Papayag siya?'

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kakaisip.





Rebound (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon