Chapter 4:

9 0 0
                                    


Rozett's POV:

Call me baby? May topak ba to?

May naalala ako, yan yung tawag ko sa kaniya noon eh, baby.

"Ayy wait" biglang sabi ko at kinuha yung cellphone ko sa bulsa ko.

"Why?" tanong niya at kumunot ang noo niya.

"Ayun" sabi ko at sinabayan yung kanta ng EXO na Call Me Baby, kinanta ko yun ng may kasamang papikit-pikit ng mata at wagayway ng kamay.

"What the hell. Damn you're crazy woman" sabi niya at umirap.

Pinatay ko yung kanta at sinimangutan siya. Nagmumura din naman pala to eh, pero kung makasaway sakin. Sus.

"Ikaw kasi eh, may pa baby-baby ka pang nalalaman diyan eh wala namang seryosohan sa relationship na to" sabi ko at bigla akong natigilan "Ayy, wala palang ikaw at ako kaya walang relationship" 'shit' dagdag ko at nagsimula ng maglakad, hindi naman na niya ako hinabol kaya dumiretso na ako sa room ko.

Baby? Hahaha babytaw din yan! Walang forever mga tsong. Tsonggo peste!

"Oh? Kamusta date niyo te?" salubong sakin ni Kheyra nang makapasok ako sa room namin. "May romance ba na naganap?"

Umupo na ako sa upuan ko at tinignan sila. Hindi ba sila galit?

"Kwento naman diyan te!" singit ni Steffanie at hinarap sakin yung upuan niya.

"Oo nga! Masama yung nagsasarili hahahaha" sabi ni Sofia at tumawa ng malakas.

"Tangina ang halay mo" sabi ko at inirapan siya. Yang ganiyang style niya alam na alam ko na yan.

"So ano nga? Ano na bes?" sabi ni Kheyra at umupo sa armchair ni Steffanie.

"Pota te ang baho ng pwet mo di ka na nahiya" sabi ni Steffanie at pinakyuhan lang siya ni Kheyra.

Minsan talaga di ko maintindihan tong mga to eh, kanina lang ang seryoso nila tapos ngayon mga baliw na. Bat ko ba naging kaibigan tong mga to?

"Walang nangyare mga ulol! Tsaka anong romance pinagsasasabi niyo? Yun ba yung magpaharurot bigla ng kotse tas ihihiwalay yung kaluluwa mo sa katawan mo? Yun ba yung romance? Pota ganda-ganda ng first date ko eh." sarkastiko kong sabi at nginitian ko sila bigla "Ahm hehe, mga te pwede ba akong sumabay sa inyo mamaya? Hindi kasi ako masusundo ni kuya eh" sabi ko at nagpaawa effect pa.

"Si Daddy yung susundo sakin eh pupunta kami sa bahay nina lola" sabi ni Kheyra at nagsorry siya sakin nginitian ko lang siya.

"Makikisakay mga pinsan ko kaya paniguradong puno kami" sabi ni Steffanie at nagsorry din siya sakin.

"Okay lang, so ikaw Sofia?" Sabi ko at tiningnan si Sofia.

"Pwede kang sumabay sakin" sabi niya at ngumisi.

"Yey! Sino magsusundo sayo?" tanong ko.

"Yun nga lang si Zarry magsusundo sakin hehe" sabi niya at ngumiti, kingina pabebe.

Napaface-palm ako "Huta wag nalang, magco-commute nalang ako mag-isa"

"Sanay ka naman na eh" sabi ni Kheyra at sabay pa silang tatlo nagsabi ng so sad. Inirapan ko lang sila at tumingin sa harap saktong pagpasok naman nung teacher.

Lumipas ang ilang oras hanggang sa dumating yung oras na pinaka-ayaw ko ngayong araw. Uwian, eh letse walang magsusundo sakin tsaka wala akong alam sa pagco-commute ngina.

Rebound (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon