Chapter 2:

14 1 0
                                    


Rozett's POV:

Maaga akong nagising kinabukasan.

Habang ginagawa ko ang morning routine ko,  naiiisip ko yung nangyari kahapon.

I still can't believe it. Hindi ko rin maiwasang isipin kung anong feeling ng maging rebound. Hindi ko alam kung masakit lang ba eto o sobrang sakit.

I'm not prepared for this and I'm not ready, but I want to help him.

Yes, maybe I'm so stupid for that pero kung kayo din ang nasa kinalalagyan ko ay mararamdaman niyo rin etong nararamdaman ko.

Pababa na ako ng sinalubong ako ni kuya Rex.

"Alex hindi nga pala kita maihahatid sa school ngayon, wala din si Mang Andoy dahil may ipinapautos si papa sa kaniya" sabi ni kuya nang may ngiti sa labi habang inaayos yung kakabili niya lang ata na bulaklak.

Itutuloy niya ata yung panliligaw niya kay ate Sharnell.

Kakaiba ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha, mahahalata mo kagad na inlove na inlove siya.

Tumango lamang ako at pumunta sa kusina.

"Wala nga pala dito si mama dahil may lakad, ewan ko kung saan" sabi niya at kinuha yung susi niyang nakalapag sa mesa. "Wala din si Lizette dahil maagang umalis" sabi niya at binuksan ang ref.

"Kuya, may kilala ka bang naging girlfriend ni Toffer?" Biglaang tanong ko sa kanya at napatingin naman siya sakin habang umiinom siya ng tubig. "Uh, forget it" bawi ko kaagad at sumubo ng kanin.

"You mean, Ralph Toffer Elvis?" Sabi niya at bahagyang lumapit sakin. Napatango naman ako "Hmm. Wala eh, playboy naman yun kaya maraming girlfriend yun" sabi niya at tumingin sa relos niya

"I mean, yung sineryoso niya?" sabi ko at bahagyang lumunok.

"Oh, ang alam ko meron eh. Pero hindi ko alam yung pangalan, but he's obsessed with that girl. Bakit mo naman naitanong?" tumingin siya sakin at pinanliitan ako ng mata.

"Wala lang" pailing-iling kong sabi at pinagpatuloy ang pagkain.

Narinig kong nagmura si kuya at tumingin sakin "Maiwan na muna kita. Aalis nako" sabi niya at lumabas na.

Tinapos ko lang ang pagkain at lumabas na din ako.

Maaga pa naman kaya okay lang pag maglalakad ako.

Habang naglalakad ako ay lumilipad ang isip ko kaya hindi ko namalayan na lumagpas na pala ako sa school at may nabangga akong nerd guy.

"Urgh. Are you blind? You're spacing out at hindi mo man lang namalayan na may nakabangga ka na pala. Tss" sabi nung lalaki at pinagpagan ang sarili niya na para bang may dumi na dumikit sa kaniya.

Nanliit ang mata ko at pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay.

"Ha! Eh alam mo naman palang nagmumuni-muni ako pero binangga mo pa rin ako! Ikaw tong may matinong isip satin, kaya dapat ikaw yung dumistansiya! Bwesit kung hindi ka naman ba tanga eh! Edi sana walang banggaan na naganap!" sigaw ko sa kanya at tinitigan niya naman ako. "Ano? Suntukan nalang oh!" sigaw ko ulit at pinatunog yung mga daliri ko.

Walang pakealam samin yung ibang estudiyante kaya malaya akong mag-eskandalo dito.

"Can you please lower your voice? Or just shut up? Dahil bukod sa matinis ang boses mo ay ang baho rin ng hininga mo" iritadong sabi niya at nilagpasan ako.

"Aba! Hoy! Ang kapal mo! Kaka-toothbrush ko nga lang eh!" sigaw ko at umirap. "Animalism! Jusko ke aga-aga ang daming nambu-buwiset!" bulong bulong ko pa at pumasok na.

Rebound (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon