Chapter 5:

3 0 0
                                    

Chapter 5:

Rozett's P.O.V.

Nasa ganun pa din kaming posisyon nang biglang tumunog yung cellphone ko. Kinuha ko eto mula sa bulsa at sinagot kaagad.

"Hello?" Bungad ko kagad sa tumatawag.

"Nasaan ka? Nakapagbihis na kaming lahat dito, ikaw nalang hinihintay namin" si kuya.

"Ha? Bakit? Ano bang meron? Tsaka nag-text ako kay Daddy kanina na maga-gabihan ako sa pag-uwi" sabi ko at tumayo.

"Anong bakit? A-attend pa tayo ng engagement party nung anak ng mga Elvis. Ang sabi ni Daddy nag text ka daw sa kaniya na mamaya ka na uuwi, eh anong oras na po?"  sabi niya kaya napatingin naman ako kay Toffer na nakatingin din sakin.

"Ah-eh, oo nga pala. Sige sige" sabi ko at hindi ko na siya hinintay pang sumagot at pinatay kagad yung tawag.

"T-Toffer, y-yung engagement party. Ahm, a-attend ba tayo? I mean, pupunta ka ba?" tanong ko sa kaniya na nauutal.

"Malamang, sa bahay yun gaganapin eh kaya sa ayaw at sa gusto ko makaka-attend pa din ako"
sabi niya at tumayo na din. Oo nga naman, pero pwede naman siyang umalis sa kung saan. "Tsaka, nandun ka naman eh"

"H-ha? Ah, oo hehe nandun kami ng pamilya ko. Nakatanggap kami ng invitation eh" ani ko at inayos ang sarili ko "U-uwi na tayo, I mean i-uwi mo na ako- hindi, ang ibig kong sabihin ihatid mo na ako sa amin"

Pinagsasabi ko? Letse nemen!

"Tara na" sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse, pumasok naman ako at ganun din siya sa kabila. "Saan yung sa inyo?"

"Ituturo ko nalang sayo" sabi ko at nag text kay kuya na pauwi na ako.

Habang tinatahak namin yung daan papunta sa bahay nakakabinging katahimikan ang na-experience ko.

"Ah, dito nalang" sabi ko at pagkahinto nung sasakyan ay kaagad kong binuksan ang pinto "Salamat" sabi ko at bumaba na.

"Bye baby, thanks for today." sabi niya at pinaharurot kaagad yung kotse bago pa ako makapagsalita.

Oh my God, heart, please kalma ka lang.

Keep calm and love Toffer. Charot rebound ka lang guuurrrrrlllll! Baka nakakalimutan mo.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at naabutan ko silang lahat na bihis na bihis na.

"Buti naman andito ka na! Bilisan mo, magbihis ka na" bungad sakin ni ate at tinulak pa ako papunta sa hagdan.

"T-teka yung susuotin ko? Di pa ako nakapaghanda eh" ani ko at napakamot ng ulo.

"Nandun na sa kama mo, naka ready na lahat ikaw nalang talaga yung kulang" aniya kaya umakyat na ako "Bukas ka na namim i-imbestegahan" pahabol pa niya.

Pagpasok ko sa kwarto ko bumungad kagad sakin yung blue na gown na kumikinang, maganda siya lalo na't blue pa yung kulay. Blue is layppppppp. Sa gilid nun may purse na kulay blue din at sa baba naman nung gown ay may doll shoes na kulay blue din. Sobrang ganda!

Naligo na kagad ako at nagbihis, pagkatapos kong magbihis dumiretso kaagad ako sa harap ng salamin at dun ko lang napansin yung blue na clip na may mga naka ukit na diyamante na nakapatong sa study table ko. Sinuklay at bi-nlower ko yung buhok ko at inipitan nung clip na kulay blue, pagkatapos ay bumaba na ako at naabutan ko si kuya na nakahilig sa sofa at nakayuko.

"Kuya, nasaan sila Daddy?" tanong ko at nilapitan ko siya.

"Buti naman naisipan mo ding bumaba" singhal niya sakin nung iniangat niya yung paningin niya sakin. "Nauna na sila, kanina pa. Tara na, late na late na tayo ang tagal-tagal mo kasi" sabi niya na mukhang naiinis pa at naunang lumabas.

Rebound (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon