Chapter 3:

2 1 0
                                    

Rozett's POV:

"Alam mo ba na ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung maarte?" Biglang sabi ni Toffer at dumiretso sa kotse niya.

Hindi ko namalayang nasa parking lot na pala kami. San ba talaga kami pupunta?

"S-sorry" sabi ko at hinawakan ng mahigpit ang sling bag ko. Ako maarte? Wow siya palang nakakapagsabi niyan sakin ah. Hindi naman ako nag-iinarte.

"Pasok" sabi niya nang binuksan niya ang pintoan ng kanyang kotse at agad akong pumasok sa front seat at sinara yung pinto.

Oo! Ako ang sumara dahil umikot kagad siya nang makaupo na ako sa front seat ng sasakyan niya! Hindi gentleman nyeta!

"Ah, san ba tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya pero nakatingin lang siya ng diretso sa labas habang pinapaandar ang kotse niya. "Sabi ko nga diyan lang" sabi ko nang mapagtantong wala siyang balak sagutin ako.

"Nga pala, congrats sa kuya mo" sabi ko at biglang sumama yung mukha niya "San nga ba talaga tayo pupunta?" tanong ko ulit sa kaniya. Ang awkward kasi eh tapos ang tahimik pa.

"Can you please just shut up? Si Fei tahimik at hindi madaldal kaya pwede ba? Tumahimik ka din?" singhal niya at tinignan ako ng masama.

Inirapan ko nalang siya at tumingin sa labas ng bintana.

Siya na nga itong kinakausap siya pa itong magsusungit! Eh tangina niya pala eh! Bat niya pa ako sinama at hindi yung ex niya kung gusto niya lang din naman pala ng tahimik.

"Baba" biglang sabi niya at pinatigil ang kotse.

"Ano?" tanong ko nang di ko makuha yung ibig niyang sabihin. Gusto niya akong bumaba dito? Hello? Nasa gitna po kami ng kalsada!

"Ang sabi ko baba" sabi niya at tiningnan ako. Umiling-iling ako at pinag-cross ang braso ko "Ayaw mong bumaba?"

"Duhh. Obvious ba?" singhal ko habang naka gesture yung kamay sa kaniya.

"Okay then, stay still and hold on" sabi niya at ngumisi ng nakakaloko.

Magtatanong pa sana ako kaso pinaharurot niya yung kotse niya ng napakabilis. As in mabilis na naiwan yung kaluluwa ko dun sa pinanggalingan namin.

"TANGINA MO! BAGALAN MO! GAGO GUSTO KO PANG MABUHAY! PUNYETA KA KUNG GUSTO MONG MAGPAKAMATAY WAG MO AKONG IDAMAY! MARAMI PA AKONG PANGARAP SA BUHAY! BABABA NA AKO! BABABA NA AKO!" sigaw ko kaso siya tawa lang ng tawa at mas lalong binilisan ang pagpapatakbo. "LOORRRDDD TULONG! BAGALAN MO NA PLEASE! HINDI MO PA NGA AKONG NATOTONANG MAHALIN PAPATAYIN MO NA AKO!" sigaw ko at naramdaman kong bumagal yung takbo niya huli na para mapagtanto ko yung sinabi ko.

Dafuq! Anong pinagsasasabi mong babae ka?! Nakakahiya ka!

"That was fun! Yeah! Ulitin mo pa dali!" pag-iiba ko nalang at sana madala siya kahit halos maputol na yung litid ko kakasigaw at malagutan ng hininga.

I just want to end this crap! Huhu lupa you lamon me now pleaseu! Promise pag ako nilamon mo di ka magsisisi.

Nakita kong nakatitig lang siya sakin ng seryoso at napayuko naman ako.

"Do you really want this?" tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya.

"H-ha? What do you mean?" tanong ko at umiwas ng tingin.

"Do you really want to be an option? I mean, a rebound? Okay lang naman sakin kung ayaw mo eh. Kaya ko namana ang sarili ko, and besides baka masaktan lang kita" sabi niya at tiningnan ko naman siya sa mata.

"Toffer, ako ang nag-offer sayo. Gagawin ko kung ano ang sinabi ko" sabi ko at kinagat ang labi ko "Masasaktan mo talaga ako. Hindi na maiiwasan yang sakit na yan. If it's real, it'll hurt like hell" sabi ko at ngumiti sa kaniya. Bumuntong hininga muna siya at saka ngumiti "Saan nga pala tayo pupunta? Mage-emote nalang ba tayo dito forever?" pagi-iba ko ng usapan at tumawa naman siya at tumingin sa relos niya.

"It's getting late, sa susunod nalang" sabi niya at sumimangot naman ako.

"Ano? Sumama ako sayo tapos nagpaharurot ka pa ng kotse dahilan para lumipad yung kaluluwa ko tapos next time nalang pala?! Eh, tangina mo pala eh!" sabi ko at nag pout. Bigla siyang tumahimik kaya tumingin ako sa kaniya, ang seryoso niya habang nakatingin sa akin, or more like nakatitig.

"Nagmumura ka ba talaga?" tanong niya kaya naman napaisip ako, ayaw niya ba sa mga babaeng nagmumura? "Don't get me wrong, pero para sa akin lang kasi hindi maganda para sa babae yung nagmumura" sabi niya at umiwas ng tingin.

"Sorry, pero ganito talaga ako. Hindi nako-kompleto yung sinasabi ko kung hindi ako nagmumura" sabi ko at nakita ko naman yung pagtataka sa mukha niya.

"Huh? So pag gumagawa kayo ng sentence or Essay hinahaluan mo ng mura?" tanong niya at napatawa naman ako.

"Hindi ah, ibang usapan na yun. Tsaka baka pag ginawa ko yun sa Guidance yung bagsak ko" sabi ko at umiling-iling pa. Baka pagalitan pa ako nila Daddy pag nagkataon.

"Kung ganon, may pag-asa pang mabago mo yan?" tanong niya at ibinaling ulit sa akin ang kaniyang tingin.

"Hindi ko alam, wala naman akong balak magbago." sabi ko at bahagyang kumunot yung noo niya.

"Bakit?" tanong niya at nagkibit lang ako ng balikat. Kahit ako hindi ko alam kung bakit "Naninibago lang ako, si F---"

"Kung gusto mo akong magbago nangdahil sa nasanay ka nang hindi nagmumura si Fei na EX mo, pwes ayoko. Dahil unang-una magkaiba kami, pangalawa hindi kami magkatulad, pangatlo hindi kami iisa at pang apat, nasabi ko na bang magkaiba kami?" sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya. Isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay yung ikokompara ako sa iba, ewan ko pero parang nakakawala ng tiwala sa sarili. Para kasing ipinapalabas na hindi pa sapat yung ginawa mong hirap at lahat-lahat ng sakripisyo kaya ka nakokompara, nakakapangliit.

"S-Sorry" sabi niya at tiningnan ko siya, nakayuko na siya ngayon. Bumuntong hininga ako.

"Balik na tayo sa school" sabi ko at umayos ng upo.

"S-Sige" sabi niya at pinaandar ang kotse.

Tahimik lang kaming dalawa habang tinatahak ang daan pabalik sa school.

Hanggang sa makarating kami sa school ay wala pa ding imik. Bumaba kaagad ako at hindi siya hinintay. Nagsisimula na akong maglakad ng tinawag niya ako, nilingon ko siya dahil baka sabihin na naman neto na nag-iinarte na naman ako.

"Can I drive you home later?" tanong niya na nagpabigla sakin pero hindi ko ipinakita.

"Wag na, susunduin naman ako ni kuya eh" sabi ko sa kaniya kahit na kakatext lang sakin ni kuya na hindi niya ako masusundo ngayon dahil may date daw sila ni ate Sharnell at sigurado akong mamayang gabi pa yun makakauwi.

"You sure?" hindi. Pero syempre di ko sinabi yun kahit na gustong-gusto kong sabihin dahil di naman ako marunong mag commute. Sasabay nalang ako sa mga kaibigan ko. Tumango ako. "Okay" sabi niya at nagsimula ng maglakad, nagsimula na din akong maglakad kaso bigla akong natigilan ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Napatingin ako sa kaniya.

"Ah, yung kamay ko" sabi ko at tinignan niya naman ako.

"Bakit? Anong meron sa kamay mo?" tanong niya at ngumiti ng matamis.

"B-Bitiwan mo" sabi ko. Sheetttt bat ba ako nauutal?

"Bat ko naman bibitawan? Ginagawa naman ng magjowa yun" sabi niya at tumingin sa nilalakaran namin.

"P-Pero Toff--"

"Baby"

"Ha?"

"Call me baby" sabi niya at tumingin sa akin habang may ngiti sa labi.

MYGHAWD!







Rebound (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon