2. Bawal na Pag-ibig

13.4K 223 4
                                    


2. Bawal na Pag-ibig

Lucas

"START YOUR ENGINE. I'M ON MY WAY."

Ipinatong ko ang phone ko sa dashboard pagkaraang mabasa ang text message ni Bernice. Halos isang oras ko na siyang hinihintay. Naka-park ang sasakyan ko ilang metro ang layo sa gate ng isang Univeristy sa Recto.

Sumama si Bernice sa campaign rally ng father niyang Mayor na muling tatakbo sa susunod na halalan.

My phone ranged. "I'm here, sa napag-usapan nating lugar." Sabi ko agad sa kausap ko sa kabilang linya.

"Luke, don't tell me you're meeting up with Bernice again?"

"Arlene?" I looked at my phone to check the name of my caller.

Arlene continued her scolding. "Ilang beses ko bang uulitin sa iyo, being with Bernice will do you no good? Masisira ang career mo at mapapahamak ka lang. Hindi ba pinagsabihan ka na ni Mayor na layuan mo ang anak niya."

"Don't worry. I'm a big boy now. I know how to take care of myself." I answered chuckling.

Arlene had a tendency to over-react. She's been handling me since I started modeling at the age of nineteen and even now that I'm twenty six, she still treated me like a boy. Pinsan ko siya sa mother side, matanda lang siya sa akin ng ilang taon pero daig pa ang tunay niyang ina kung mag-alala.

Lately, she kept on nagging me about my relationship with Bernice.

"I know you but I don't know Mayor Ling. Alalahanin mong makakasira sa kampanya niya kapag lumabas sa media na ang anak niyang babae na malapit ng ikasal sa running mate nito ay nakikipagtagpo sa isang sikat na actor. Maging ang career mo ay maapektuhan. Kaya please, itigil mo na ito Luke. Kinakabahan ako."

I laughed again. "Okay, okay. Uuwi na ako. I'll hang up, bye." I lied. Nakita ko kasing papalapit na si Bernice.

Sumakay na agad sa passenger seat si Bernice.

"Hurry up, mukhang may sumusunod sa akin." Bernice said in a worried voice.

I started the cars's engine and looked at her worried face. "Stop worrying, gusto mo pakasal na tayo ngayon sa Antipolo?" It sounded like a joke but I meant every word.

Pero sa halip na mapakalma, nadagdagan ang pag-aalala ni Bernice ng ituro niya sa akin ang mga lalaking papalapit sa sasakyan ko. "Luke, ayan na sila."

Ilang mga naka-uniform na body guards ni Mayor ang papalapit sa amin.

"Bilis Luke, patakbuhin mo na." Sabi ni Bernice

Nagtakbuhan palapit ang mga bodyguards ni Mayor ng makita nilang nagsimula ng umandar ang sasakyan ko. Malabo na nila kaming maabutan. Pero hindi ko inaasahan ang sumunod nilang ginawa. Nakarinig ako ng putok ng baril at kasabay nun ay ang paggewang ng takbo ng sasakyan ko.

Mga walanghya, binaril nila ang gulong ko.

"Fasten your seatbelt," sabi ko sa katabi.

Idiniin ko pa lalo ang pag-apak sa gas para pabilisin ang pagtakbo ko ng makarinig na naman ko ng isa pang putok.

"Shit!" I uttered. Dalawang gulong ko na sa likod ang pumutok. Lalong gumewang ang takbo ng sasakyan. May babaeng nakatayo sa harapan namin. Nakatulala at parang hinihintay na lang na mabangga.

Wala akong choice, ikinabig ko pakaliwa ang manibela. Huli na ng mapansin kong may light post pala kaming tatamaan.

And then, all went black.



Sweetest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon