4. Himala

9.5K 207 24
                                    


Arianna

Ilang segundo din akong natulala sa pagtingin sa mukha ng lalaking nasa kandungan ko. Nagtatalo ang isip ko kung totoo ba ang nakikita ko o hindi. Pinunasan ko pa ang dugo sa mukha niya para mas higit ko siyang makilala.

"It's a miracle!"

Magkasabay na sigaw ng puso't isip ko. Nakita na ko na rin sa wakas ng malapitan ang iniidolo kong si Lucas Madrigal. Ang one and only love ko, Pero hindi ito ang pangarap kong una naming pagtatagpo. Hindi pa nga nagsisimula ang aming love story, mukhang magtatapos na agad. Hindi ko inisip na magkakaroon iyon ng masamang katapusan.

Natauhan lang ako sa pagkakatulala ng makita ko na may mga taong papalapit sa amin.

"Anong nangyari?" Tanong ng isang matabang mamang naka-t-shirt ng double extra large na pula.

"May mga lalaking bumugbog sa kanya. Tulungan ninyo ko, dalhin natin sa ospital ang mahal ko." Pagsusumamo ko.

"Naholdap kayo neng?" Tanong naman ng isang mama na macho na nakasuot ng sandong extra small na itim.

"Naku kuya mamaya na ang question and answer, wala pa ngang swimsuit competition eh." Di ko napigilang mag-punchline. "Tumawag muna kayo ng tri-cycle para mahatid natin siya sa Ospital ng Maynila."

"Walang tri-cycle dito, padyak meron." Sabi naman ng isa pang lalaki na parang babaeng magsalita. Di niya napansin ang suot nito dahil nakatayo ito sa likuran niya,

"Ayos, patay na ang mahal ko bago pa man tayo makarating sa ospital. Kahit anong sasakyan, bilisan niyo na parang awa na ninyo tumawag na kayo." Sigaw ko.

Gusto ko sanang dagdagan ng pagbabanta ang paghingi ko ng tulong pero naputol ang sasabihin ko ng marinig ako pag-ring ng cellphone.

"Kaninong phone yun?" Tanong uli ng matabang mama.

"Mukhang dito nanggagaling sa loob ng sasakyan." Sagot naman ng machong mama.

"May tumatawag, Arlene." Basa ng lalaking parang babae sa cellphone. Pumasok na ito sasakyan at kinuha ang cellphone.

"Akina abot mo sa akin." Sabi ko.

"Bakit kasi ayaw mong tumayo diyan," sagot ng lalaking parang babae na nakasuot pala ng blouse.

"Syempre, duguan nga ang mahal ko." Sabi ko pagkaraang iabot niya sa akin ang phone.

Tinignan ko ang phone na walang keypad. Naku patay hindi ko alam kung paano gamitin iyon. Madalas kong makita lang iyon sa mga boarders ng Tiya Mameng ko pero hindi naman ako nangangahas na pakialamanan ang mga iyon. Samantalang si Maddie, may keypad din ang gamit na cellphone.

"Ate," tawag ko sa lalaking parang babae. "Paano ba gamitin ito? Buksan mo nga tapos ibigay mo sakin kapag nag-hello na."

"Buksan talaga?" Maarteng sagot niya sa akin. "Ayan, slide mo lang te." Dinaan ng daliri niya pakanan ang screen ng cellphone.

"Tapos?" Tanong ko uli.

"Ay, mahina. Hello ka na ate! Sigurado ka bang jowa mo yan?"

"Huwag ka ng maraming tanong, umuwi ka na mag-short ka muna." Sabi ko.

"Hello, sino 'to?" Narinig kong tanong ng nasa kabilang linya.

"Si Ariang po ito. Si Arlene po ba ito?" Sagot ko.

"Oo. Sino ito? Asan si Lucas? Bakit nasa iyo ang phone niya?" Sunod-sunod na tanong uli nito.

"Ma'am, andito po si Lucas kaso di ninyo po siya makakausap kasi wala po siyang malay. May mga bumugbog po sa kanya. May sugat po siya noo."

"Ano!? Asan kayo?"

"Andito po kami sa Recto malapit sa-"

"What? Are you out of your mind. You should not be talking to me in the first place. What are you waiting for? Bring him to the nearest hospital or better in St Luke's!" Putol muli nito sa kanya.

"Ah sige po." Ang tanging naisagot ko. Nataranta ako hindi lang dahil sa tono niyang animo pinapagalitan ako kundi pati ang pagkausap niya sa akin ng english. Sa bilis ng pagsasalita niya, St. Lukes lang ang naalala ko sa lahat ng sinabi niya.

"Hurry, I'll meet you there. Thank you sa pagtulong mo. Bring with you his cellphone para matawag-tawagan kita. Duon na lang tayo magkita. Update me okay? Maraming salamat sa pagtulong mo."

Hindi na ako nakasagot dahil nawala na ito sa kabilang linya.


Sweetest DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon