CHAPTER 07

107 1 0
                                    

Annabelle's POV

Nandito kami ngayon sa isang bodega kasi parang ito lang yung safe eh.

"Guys nagugutom na ako" si Jamaica

"Me too" Vanessa

"Kailangan nating makahanap ng pagkain dito gutom na gutom natalaga ako."Julie

Nag lakad -lakad ako dahil nagbabakasakali akong may pagkain dito bigla namang sumabay sa akin si Dan.

" San ka pupunta?"tanong niya

"Maghahanap ng pagkain." Ako

"Ahhhh cge samahan na kita." Siya

Patuloy parin kami sa paghahalughog kung saan saan para makakita kami ng pagkain pero wala talaga kaming makita.sabagay ano ba naman ang makikita namin sa isang bodega diba nagpatuloy kami hanggang sa makakita kami ng isang parang tunnel.

"Ano yan?" Tanong ni Dan

"Tunnel ata yan eh.tawagin mo sila papasok tayo dito." Ako

"Huh?!di ba delekado diyan?" Siya

"Kaya nga papasok tayo diba malay mo isa pala yang secret tunnel papunta sa isang bahay diba." Ako

"Sabagay" siya

Umalis na siya at tinawag na yung iba naming kasama mga ilang minuto lang ay nanadito na sila kaya nag lakad na kami papasok sa tunnel na to ginamit kung pang ilaw yung phone ko at sinundan lang kung saan ito papunta.

"Where are we now?" Maarting tanong ni Stacy

"Hindi ko alam basta sundan nalang natin to." Ako

"Natatakot na ako." Si Julie
Nilapitan ko siya at pinatabi sa amin ni Dan at pinakapit ko sa braso ko.pagdating namin sa dulo ay may nakikita na kaming liwanag kaya binilisan na namin ang aming lakad pagkalabas namin ay tumambad sa amin ang isang tahimik na "resort!" Sabay na sigaw naming lahat.agad naman kaming nagtakbuhan papasok sa resort pagkapasok namin sobrang linis parang walang zombie ang nandito.

"Tara na sa kusina gutom na talaga ako." Si Nello

"Tara!!!" Sigaw namin

Pumunta na kaming lahat sa kusina tapos binuksan agad namin yung ref bumungad sa aming ang napakadaming pagkain woooooh!!! ayus to.habang kumakain kami bigla nalang akong may narinig na iyak ng "sanggol" Sabi ko agad akong umakyat sa taas at sinundan ang iyak ng isang bata kumuha muna ako ng panlaban nagulat naman ako dahil nasa likod ko si Dan.

"Bakit ba bigla bigla ka nalang sumusulpot ha!" Bulyaw ko dito pero mahina lang.

"Eh nakita kasi kitang umalis." Siya

Hindi ko na siya kinausap at humarap na ako sa may pinto dahan dahan kung binuksan ito at nakita ko ang isang babae na kakapanganak pa lang kaya linapitan ko ito at hinawakan yung pulso niya baka buhay pa bigla naman siyang nagmulat at hinawakan ako.

"Please kunin mo yung baby ko" pagmamakaawa sakin ng babae habang umiiyak

"Pero" ako

"Please napapagod na ako malapit na akong mawalan ng buhay at ayaw kung maiwan magisa ang baby ko please nagmamakaawa ako sayo" iyak niya.sasagot na sana ako ng bigla nalang siyang bumitaw sakin niyogyog ko pa siya pero wala na talaga kaya kinuha ko na yung baby at binalotan ko ng tila.kumuha kami ng bag at inilagay don yung mga damit ng bata bumaba na kami ni Dan at naabutan naman namin silang naka swim suit.

"Wag niyong sabihin na mag siswimming kayo?!" Ako

"Ya why is there any problem?!" Tanong ni Stacy "by the way ano yang bit bit mo?" Dugtong pa niya

"Baby" ako "cge na mag swimming na kayo wag na kayong mag tanong kung saan galing tong baby nato" dugtong ko. Umalis na sila at nagsitakbuhan papuntang dagat umupo lang ako at inaaliw yung bata bigla na namang tumabi sakin si Dan.

"Hindi ka ba maliligo? "Tanong ko sa kanya

"Samahan nalang kita dito baka mahirapan ka sa baby"siya

"Ok "ako "ah by the way pwede kargahin mo muna si baby maliligo lang ako saglit puro dugo kasi ako e"dugtong ko

"Oh cge akin na"siya. Binigay ko na sa kanya yung baby at pumunta na ng banyo. Natapos na akong maligo at bumalik na ng sala pag katingin ko ay naabutan ko si Dan na mahimbing na natutulog kasama yung baby lumapit ako sa kanila at tiningnan si Dan

"Mas lalo kang gumagwapo pag natutulog ka" bulong ko

Umiwas ako ng tingin sa kanya at ibinaling nalang sa bata

"O nandiyan ka na pala"siya

"Hmmm cge na maligo ka na ako na ang magbabantay sa baby "ako

"Ah nga pala ano ang ipapangalan mo sa baby? "Tanong niya

"Wala pa akong naiisip eh"ako

"Pwede ako magpangalan may naisip na ako e. "Siya "babae siya diba? "Dugtong niya

"Oo"ako

"Ang naisip kung pangalan sa kanya ay Hope Angel para kapag unti unti tayong mawawalan ng pagasa titingin lang tayo kay Hope diba"Siya

"Ang ganda ng naisip mo ah"ako"Hello baby Hope sayo kami kukuha ng lakas ng loob ha "dugtong ko

Nagsibalikan na yung mga kasama namin tapos nag banlaw na sila pagkatapos ay umupo sila sa tabi ko e kinuwento ko sa kanila ang tungkol kay Hope ayun pinang gigilan nila yung bata. Nagluto na si Julie ng pagkain kaya tinulungan ko sila tutal meron namang humahawak sa bata eh.

"Ano niluluto mo? "Tanong ko kay Julie

"Sinigang. "Sagot niya

"Wow masarap yan tulungan na kita "ako

"Cge ikaw na magsaing"siya

"Cge. "Ako

Pagkatapos kung isalang yung kanin ay tiningnan ko nalang si Julie na nagtitimpla bigla naman akong tinawag ni Vanessa.

"Annabelle umiiyak si Hope! "Siya

Pumunta na ako sa sala at kinuha si Hope pagkatapos ay nagtimpla ako ng gatas para sa kanya tapos pinainom ko na kay Hope tumahimik na siya at naka focus sa paginom ng gatas sinayaw sayaw ko naman siya tapos yun pagkatapos niyang uminom ay binalik ko na kina Vanessa.

Ng maluto na ang pagkain ay kumain na kami mahimbing na kasing natutulog si Hope.

"Tayka tanong ko lang saan ba ang safe zone na sinasabi ni Lisa? "Si Michael

"Ang sabi niya sa isang building sa makati dahil don lumalanding ang mga helicopter kapag may kinukuha silang mga survivors. "Ako

"So kailangan pa nating pumunta don? "Si Nello

"Oo kaya kailangan na natin silang mahanap"ako

Pagkatapos naming kumain ay nagpahinga na kami isinara na namin lahat ng mga pinto at bintana para makasiguro kami na wala talagang zombie ang makapasok.

High School of the Dead (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon