CHAPTER 13

76 0 0
                                    

Lisa's POV

Nasa isang store kami ngayon huminto muna kami dito para magpahinga at kumain habang kumakain ay bigla nalang tumunog yung woki toki kaya agad itong sinagot ni Johnny.

"Hello po captain? "Siya

"Johnny i have a good news may nahanap na kaming lugar na pwede niyong puntahan. "Sabi ni captain

"Talaga po captain"si Johnny"saan po? "Dugtong niya

"Sa Binondo may isang speed boat dun na pagmamay-ari ng isang chinese pwede niyo yung gamitin. "Si captain

"Ho eh masiyado na pong delikado sa Binondo mas marami ng zombie ang nandun"si Johnny"wala na po bang ibang lugar? "Tanong ni Johnny

"Im sorry ijo wala na kaming makita na iba pang lugar. "Paghihingi ng pasensiya ni captain Lukas

"Ganun po ba captain cge po bukas na bukas din ay pupunta na kami Don"sagot ni Johnny

Ibinaba na niya ang woki toki at humarap na sa amin.

"Guys may nahanap na sila cap. na lugar na pwede nating puntahan para makaalis na sa impyernong lugar na to"si Johnny

"Oh! Talaga saan daw!!?"si Annabelle

"Sa Binondo "ako

"Eh diba masiyado ng delikado du? "Si Julie

"Alam ko pero wala na tayong ibang choice. "Si Johnny

"Sabagay "si Nello

"Ok magpahinga na tayo maaga pa tayo bukas"ako

Nag kanya kanya na kami ng pwesto para magpahinga kinuha ko si Hope kay Annabelle at itinabi sa aking pagtulog medyo natagalan ako sa pagtulog dahil naglalaro parin si Hope imbis na antukin ay ngumingiti nalang ako kapag nakikita ko yung mga ngiti ni Hope.

"Matulog ka na baby Hope may laban pa tayo na haharapin bukas"kausap ko kay Hope kahit alam kung hindi ito sasagot napangiti nalang ako dahil mukang naintindihan niya ang sinasabi ko dahil naghikab na siya at papikit pikit yung mata kaya para makatulog na siya ay kinantahan ko siya.

Sanay di mag maliw ang dati kung araw ng unti pang bata sa piling ni nanay

Nais kung maulit ang awit ni inang mahal awit ng pag-ibig habang ako'y nasa duyan

Habang kinakanta ko ang awit na yun ay bigla nalang ay tumulong luha sa mata ko pinunasan ko ito at kumanta ulit pero humming lang dahil di ko na alam ang ibang lyrics.pero hindi parin natulog si Hope nakatingin lang siya sakin na para bang nagsasabi na makakaligtas kami bukas. Kinantahan ko nalang ulit siya ng ibang kanta.

Tatanda at lilipas rin ako nguni mayrong awiting
Iiwanan sa inyong ala-ala kahit minsan tayo'y nagkasama...

Tuluyan ng nakatulog si Hope habang ako ay iniisip ang maaaring mangyari sa amin bukas kung makakaligtas ba kaming lahat o kung makakaalis ba kami sa lugar na to na walang bawas at kahit ano pang kung. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng marinig kung magsalita si Johnny sa likuran ko 'tayka di ko napansin na siya pala ang katabi ko ah' sabi ko sa isipan ko.

"Bakit di ka pa natutulog? "Siya

"Iniisip ko kasi ang maaaring mangyari satin bukas. "Ako

"Shhh wag mo ng isipin yun makakaalis tayo ng buhay sa lugar na to. "Siya "kaya matulog ka narin gusto mo kantahan din kita?"ngiti pa niyang tanong sakin

"Tsk ano ako bata. Pero pwede ba "nakangiti ko ring sabi sa kanya

"Akala ko ba di ka bata? "Siya

"Ehhhh dali na gusto ko marinig ang boses mo eh"ako

"Ok ano ba gusto mong kanta? "Tanong niya sakin

"Kahit ano"ako

Tumayo siya at lumipat ng puwesto kung kanina ay nasa likuran ko siya ngayon ay nasa harap na siya bali pipagitanaan namin ngayon si Hope ng nakahiga na siya ay agad na siyang kumanta.

🎵Ano ang yung pangalan nais kung malaman at kung may nobyo ka na ba
Sana nama'y wala di moko magsisisi sumusulyap palagi sa yung mga mata o kay ganda o binibini... 🎵

Sa pag kanta ni Johnny ay unti-unting pumipikit ang mga mata ko pero pilit kung nilabanan ito dahil gusto ko pa siyang titigan.

🎵Oh ang isang katulad mo ay di na dapat pang pakawalan alam mo ba pag naging tayo hinding-hindi ma kita bibitawan
Aalagaan kat di papabayaan pagkat ikaw sakin ay princesa 🎵

Nakatulog na ako dahil sa pagkanta ni Johnny hindi ko akalain na ang taong hinahangaan ko lang non ay makakasama ko sa paglaban sa mga nangyayari ngayon at mamahalin rin ako pabalik.

High School of the Dead (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon