CHAPTER 16

100 0 0
                                    

Lisa's POV

pagkadating namin sa mismong pier ay tumambad sa amin ang mala langgam sa dami na zombie at ang problema nito ay medyo malayo kami sa speed boat na sinasabi ni cap. Lukas. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa medyo malayo na speed boat habang hindi ito napapansin ng mga zombie ngunit nagkamali sa paghakbang si Julie at nag sanhi ito ng ingay dahil napatid niya ang lata na nakakalat agad namang na alarma ang mga zombie at tumingin ito sa direksyon namin.

"Humanda na kayo! "Sigaw ko

Nagsuguran sa amin ang mga zombie pero inunahan namin sila dahil agad namin silang sinalubong ng bala medyo nakakalabas na kami sa intrance patuloy parin kami sa pagpapakawala sa mga bala ng baril namin imbis na umunti sila ay mas lalo pa silang dumadami dahil sa ingay ng baril namin naaalarma ang ibang zombie.

"Charisse yuko! "Sigaw ko agad kung binaril ang zombie na palapit kay charisse medyo malayo kami sa isat isa ngayon dahil lahat kami ay bc sa pagbabaril.

Sa pag atras ni Stacy hindi niya namalayan na may lubid pala sa aatrasan niya kaya napatid siya nito at bigla nalang natumba dinumog siya ng mga zombie pinagbabaril niya ang mga to pupuntahan ko na sana siya pero narinig ko nalang ang sigaw niya.

"Ahhhhhhhhhhh!!!!!! "
Wala na akong nagawa dahil madaming zombie ang nakaharang nag-uumpisa na namang tumulo ang luha ko kaya agad ko itong pinunasan hanggang sa diko namalayan na may zombie na pala ang papalapit sakin buti nalang ay nabaril ito ni Michael.

"Lisa mag focus ka! "Sigaw ni Johnny

Diko na siya sinagot at pinagbabaril nalang yung zombie na nagtatangkang lumapit sakin.

"Lisa kunin mo si Hope! "Sigaw ni Annabelle

Agad akong pumunta sa pwesto niya at kinuha si Hope.

Patuloy parin kami sa paglaban sa mga hinayupak na to hanggang sa narinig ko na naman ang sigaw ni Julie.

"Ahhhhhhhhh!!!!! Lisa tulong!!!! "Sigaw niya

Agad siyang pinuntahan ni Kit pero huli na ang lahat dahil pinagtutulungan na siya ng mga zombie.

"Ahhhhhh!!!! Bweset julie!!! "Iyak ni Kit

"Kit mag focus ka!"sigaw ni Dan
Ngunit hindi siya pinakinggan ni Kit dahil tumakbo si Kit papasalubong sa mga zombie na paparating at agad na tinanggalan ng lock ang dalawang bomba na hawak niya bigla nalang itong sumabog at kasama sa pagsabog si Kit.

"Kit!!!!!!!!!! Hindi!!!!! "Sigaw ni Nello

Hindi parin kami makausad papunta sa speed boat dahil sa sobrang dami ng zombie na papalapit naka focus ako sa pagbabaril ng marinig kung tawagin ako ni Angelica.

"Lisa!!! Si Charisse!! "Sigaw niya
Paglingon ko sa gawi ni Charisse ay nakita kung masiyado ng maraming zombie ang nakapalibot sa kanya pupunta na sana ako ng marinig ko ang sinabi ni Charisse

"Wag kang lumapit lisa ok lang ako kaya ko t-----------ahhhhhhhhhhhh!!!!!! "Sigaw ni Charisse

No, no, no hindi to pwede unti unti na kaming nauubos.

"Charisseeeeeeeee!!!!!!!!!! "Sabay na sigaw ni Angelica at Annabelle "hindiiiiiiiiiii!!!!!!! Papatayin ko kayong mga hinayupak kayo ahhhhhh!!!!!! "Sigaw ni Annabelle

Bigla nalang akong nahinaan ng loob parang bibigay na ang tuhod ko parang wala na akong marinig lahat ay parang naka slowmo nagbagsakan na ang mga luha ko hanggang sa napaluhod na talaga ako dahil parang wala ng pag-asa napayuko ako at nakita ko ang muka ni Hope na nakatitig sakin na parang sinasabi na wag kang panghinaan ng loob mama kaya para akong nabuhayan ng dugo at agad na pinunasan ang mga luha ko at pinalitan ang baril ko dahil wala na akong bala.

"Ahhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! "Sigaw ni Nello

Lalapit na sana si Michael sa kanya pero huminto siya dahil sa sinabi ni Nello

"Magpatuloy ka-kayo wa-wag niyo a-akong in-intindihin iligtas ni-yo si Ho-hope!!!! "Huling habilin ni Nello

Nagpatuloy lang kami kahit masakit samin.

"Shit wala na akong bala!!! "Sigaw ni Michael

"Ako rin!! "Si Dan

Wala na kaming bala dahil naubos na kaya no choice kami ang lumaban nalang ginawa naming panlaban ang mga baril namin ito ang hinahampas namin sa mga zombie pero hindi kaya dahil hindi agad sila namamatay.

"Ahhhhh!!!! Bweset ka dudungisan mo pa ang balat ko!! "Sigaw ni Michael hanggang sa tuluyan na siyang nakain kagaya ng una ay nagpatuloy parin kami kahit masakit.

"Tumakbo kana papunta sa speed boat iligtas mo ang sarili mo at si Hope!!!! "Sigaw nila Annabelle

"Hindi hindi ako papayag sasamahan ko kayong lumaban!! !"ako

"Lisa ano ba bilisan mo na!!!!! "Sigaw ni Johnny

"Ahhhhhhhhh!!!!! Lisa tumakbo ka na!!!! "Si Dan

No, no ahhhhhh wala na akong nagawa tumakbo nalang ako ng tumakbo di ko na kayang tingnan ang ginagawa nilang pagsasakrepisyo dahil ginawa nilang pangharang ang kanilang sarili para lang makaligtas ako habang tumatakbo ako ay lumalabo ang paningin ko dahil sa mga luha ko na kanina pa tumutulo hanggang sa diko namalayan na may zombie palang nakaharang at bigla ko nalang siyang nabangga siniguro kung di ma sasaktan si Hope babangon na sana ako ng patungan ako ng zombie at kakagatin na sana ako ginawa kung pansalag ang braso ko napangiwi ako sa sakit pero tiniis ko agad kung nakapa ang lubid at itinali ito sa leeg niya pagkatapos ay tinulak ko siya sa dagat. Tumayo na ako at kinuha na si Hope nagpatuloy ako sa paglakad at di nagtagal ay nakarating narin ako sa speed boat tinanggal ko muna ang pagkatali nito at sumakay na.

Nilagay ko sa may upuan si Hope at isiniksik sa lampin niya ang cellphone kung saan nandun ang mga litrato namin na nakangiti na akala mo ay walang problemang hinaharap pinunasan ko ang aking mga luha na wala paring hinto sa pagkawala sa aking mga mata e nistart ko na ang makina nitong speed boat at huminto ako nong nasa laot na kami kinuha ko ang woki toki at agad na kinontak si captain Lukas.

"Captain si Lisa po ito magpadala kayo ng helicopter dito sa laot may makikita kayong isang speed boat bumaba kayo at kunin niyo ang nag-iisang survivor "pagkatapos non ay pinatay ko na ang woki toki at hindi na hinintay ang magiging sagot ni captain Lukas tiningnan ko sa huling pagkakataon si Hope at hinalikan ko ito sa kanyang noo pagkatapos ay pumunta ako sa dulo nitong speed boat ibinuka ko ang aking mga kamay na parang ginagaya ang ginawa ni rose sa titanic bago mag patihulog sa bangka ay inalala ko muna ang masayang nangyari sakin mga kaibigan na masayang naghaharutan mga asarang hindi mawala-wala ang malaman mong ang taong mahal mo ay mahal ka rin pala ang unang halik ng taong mahal mo pati na ang yakap. Ng dahil sa ala-alang yun ay sumilay sa aking labi ang isang ngiti at sumunod naman ang mainit na likido na lumabas mula sa aking mga mata pagkatapos non ay ang pagbagsak ko sa dagat.

Paalam aming supling nawa'y lumaki kang matapang at may pananampalataya sa ating panginoon. at sa iyo naman aking mahal malapit na ulit tayong magkikita at magkasama itutuloy natin ang ating naudlot na pagmamahalan diyan sa kalangitan sa mga kaibigang handang umalalay kahit kailan magkukulitan ulit tayo diyan sa kalangitan.



-------------------------------
Bale pagbabaliktanaw po ito dahil kikwento ng captain sa batang si Hope ang ginawang pagsakrepisyo ng mga nagprotekta sa kanya bale po sa next na na chapter ay six years old na ang bata at ang bed time story niya ay yun nga ang kwento nila lisa hehehehe medyo magulo ba sorry newbie eh

Follow me po

High School of the Dead (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon