CHAPTER 14

89 0 0
                                    

Lisa's POV

Nagising kami dahil sa lakas ng pagsabog na narinig namin agad kaming tumayo at tumakbo palabas ng store dahil sobrang lapit ng pagsabog sa store na pinagpahingahan namin sumakay na kami sa armor truck at agad itong pinatakbo ni johnny sakto namang pag alis namin ay tumama yung bomba sa store.

"Muntik na tayo dun"si Charisse

"Buti nalang nagising tayo agad dahil kung hindi baka kasali tayo sa pagsabog"si Kit

Bweset!!! talaga bang balak nila kaming patayin isinandal ko nalang ang likod ko at tumingin nalang sa may bintana habang binabaybay namin ang daan papunta sa pier ng Binondo ay nakaisip naman ng kalukuhan si Nello pinagguguhitan ba naman ang mga muka nila Michael at Dan pati si Kit nadamay habang sila Annabelle naman ang taga kuha ng litrato nagawa pa talaga nilang mag selfie kaya para makasali kami ay kinuha ko yung cellphone at ako ang humawak para kumuha ng litrato.

"Ok guys 1,2,3 smile"ako

E sinave ko na yung picture at patuloy parin kami sa pag selfie habang yung tatlo ay natutulog parin nag tawanan lang kami sa loob ng truck at isinawalang bahala muna ang kalbaryong haharapin namin sa pagdating namin sa pier. Mukang napagod sila sa kanilang kulitan kaya napagpasyahan nilang matulog muna habang ako ay tahimik lang silang pinagmamasdan.

"Sana ganito nalang lagi yung lagi lang kaming naka ngiti yung akala mong walang zombie apocalypse na nangyayari sana ganito nalang talaga"sabi ko habang nasa kanila parin ang tingin

"Wag kang mag-alala mangyayari din yang sinasabi mo kapag nakaalis na tayo sa lugar na to. "Si Johnny

Lumingon ako sa kanya at ngumiti pagkatapos ay nilabas ko yung cellphone na ginamit namin kaninang pang selfie at kinuhaan ko siya ng litrato at sunod ay litrato na kaming dalawa ang magkasama habang naka ngiti.

"Lisa nasabi ko naba sayong mahal kita? "Si Johnny

"Hindi mo na kailangang sabihin dahil naramdaman ko na siya simula nong yakapin mo ako nong nasa bahay tayo nakita ko kasi sayo ang sobrang pag-alala. "Ako

"Hahaha masiyado ba akong halata? "Siya

"Di naman. "Ako

"Ang totoo niyan eh matagal na talaga kitang gusto mula nong grade ten ako diba pagdating natin sa grade eleven ay mayroong mga taga college ang magaalok ng school?."pagputol niya

"Oo"ako

"Kinausap ako ng mga magulang ko na sa ibang school nalang mag-aral pero hindi ako pumayag dahil ayaw kung malayo sayo gusto ko kasi araw-araw lagi kitang makita nong una ayaw pa pumayag ng magulang ko pero di nagtagal ay pumayag din sila labis na saya ang naramdaman ko non. "Pagpapatuloy niya

"So matagal mo na pala akong gusto eh bakit hindi ka sakin nagtapat noon ngayon pa na walang kasiguraduhan kung magpapatuloy ba tayo sa ating pagmamahalan. "Ako

"Natakot kasi ako na baka tanggihan mo ako na baka malaman ko na wala kang gusto sakin. "Siya

"Hahaha natatakot karin pala hindi kasi halata sa dating mo eh hahaha yung dating mo kasi eh parang astigin na ikaw yung tumatanggi sa babae kapag nagtapat sila sayo pft 😅"tawa kung sabi sa kanya

"Ganun talaga yung impresyon mo sakin?! "Di makapaniwalang tanong niya

"Hahahahaha oo "ako

Tumatawa lang ako sa tabi niya habang siya ay pakamot-kamot pa na parang di talaga makapaniwala nahinto ako sa pagtawa ng biglang tumunog yung woki toki.

"Hello captain Lukas"bungad ni Johnny

"Johnny nakarating naba kayo sa pier? "Tanong ni captain Lukas

"Hindi pa po malayo pa po kami. "Sagot ni Johnny

"Ahhh cge sabihan mo ako kapag nandun na kayo para ma padalhan ko kayo ng back up sa pag sakay niyo sa speed boat"si captain Lukas

Ibinaba na ni cap. Lukas ang linya at pagkatapos non ay nag focus na ulit si Johnny sa pag mamaniho. Gumabi na ngunit di parin kami nakarating sa pupuntahan namin ako naman ngayon ang nagmamaniho habang si Johnny ay nagpapahinga sinundan ko lang yellow line na nasa GPS kumakanta kanta nalang ako para mawala yung antok ko habang binabaybay ko yung daan napahinto ako dahil sa mga zombie na naka harang sa daan i think nasa twenty to pero syempre madali lang to hininto ko yung truck pagkatapos ay pinindot yung red button lumabas naman ang malaking baril at kusang pinagbabaril ang mga zombie na naka harang diba sisiw.

High School of the Dead (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon