Epilogue

152 4 0
                                    

"You may kiss your wife." 

Dahan-dahang itinaas ni Nathan ang belo ni Jamaica. Sa kanyang paghalik sa kanyang asawa masigabong palakpakan ang nagmula sa mga taong kanilang inimbitahan sa kanilang kasal. Ang lahat, maging ang dalawa ay napaka saya sa araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

Naging maayos ang kasal ng mag-asawa. Ang Mommy ni Nathan ay dumalo rin sa kasal pero di pa rin nito lubos na natatanggap si Jamiaca, pero alam ng dalwa na simula na rin ito ng mas maayos na relasyon nilang tatlo.

Matapos ang reception ay bumiyahe rin papuntang maldives ang bagong kasal para sa kanilang honeymoon. 

Sa una ay kabadong-kabado si Jamica habang si Nathan naman ay excited. 

"Mine labas kana diyan sa CR.." Pagtatawag ni Nathan kay Jamaica.

Dahan-dahang bumukas ang pino ng banyo at iniluwa nita ang isang kinakabahang si Jamaica.

Tumayo si Nathan sa kama at sinundo ang kanyang asawa sa pinto ng banyo at ginabayan pabalik sa kama. 

Iniupo ni Nathan si Jamica sa kama. Tinabihan niya ito. "Mine di ka dapat kabahan, di naman ako nangangagat." pagbibiro niya dito.

"Loko ka talaga!" hinampas niya ng bahagya sa bisig ang asawa at napatawa sa biro nito.

"Kinuha ni Nathan ang kamay ng asawa at hinalikan ito ng marahan. "Joke lang. Pero seryoso ako Mine, you don't have to be nervous. iingatan kita promise." Seryosong paninigurado ni Nathan sa kanyang asawa na nagpagaan naman sa loob ni Jamaica.

Paunti-unti umaakyat ang halik ni Nathan sa kamay ng asawa. Unti-unti rin nawawala ang kaba ni Jamaica at napapalitan ng pagmamahal sa asawa ang kanyang nararamdaman.

"Mine, matagal ka pa ba diyan sa office? Umuwi ka na kaya?" Pangungulit ni Jamaica sa asawa niya sa telepono na sa kasalukuyang nasa isang meeting.

"Mine maglalunch pa lang eh, at isa pa hindi pa tapos yung meeting ko. Masama ba pakiramdam mo/ Inom ka muna ng gamot promise I'll go home early." Mahinahong sabi ni Nathan, na palihim na nagugustuhan naman ang pangungulit na ginagawa sa kanya ng kanyang asawa.

"Fine. kung ayaw mo umuwi di wag." Pagsusungit ni Jamaica sabay pagbaba niya ng telepono.

Napailing na lamang ang mister niya sa kabilang linya at nakangising ibinalik ang atensyon sa meeting.

"Meeting adjourned." Sabi ni Migs na CEO ng kumpanya nila Nathan.

Sabay na lumabas ang magkaibigan sa conference room. "Pare si Jamaica ba kausap mo sa telepono?" Pagtatanong ng kaibigan sa kanya.

"Yes. Sabi niya umuwi na raw ako. tsk.." Pailing ngunit nakangising sabi nito kay Migs.

"Umuwi? Bakit daw?"

"Di ko nga alam eh. Lately gusto niya lagi nandun ako sa tabi niya. Tapos madalas pa kapag di ko siya napagbibigyan sa mga hiling niya sinusungitan ako."

"Naku.. mukhang alam ko na kung bakit." Biglang napalingon si Nathan sa kanyang kaibigan.

"Alam mo?"

"Sa tingin ko pare buntis asawa mo. Alam mo kasi si Amy ganyan din eh. Sweet sa akin then bigla na lang magbabago yung mood niya.  Tapos yun pala buntis na.

Lumawak lalo ang ngiti sa mukha ni Nathan sa sinabi ng kanyang kaibigan. "Sa tingin mo pare?"

"Oo, walang duda."

"Ok thanks man, I think kayalangan ko na nga talagang umuwi." Pagkatapos nila mag-usapa agad na iniwan ni Nathan ang kanyang kaibigan at nagmamadaling tinungo ang kanyang sasakyan at nagmaneho pauwi,

Mr. Suplado is my Mr. Right (Short Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon