Naging consistent siya sa pagiging sweet niya sa akin.
After that night nang pagtatapat niya na gusto niya ako ligawan ay lagi na siyang dumadalaw at nagdadala ng kung ano-anong gifts sa akin. Minsan nga pati sa mga dormmates ko eh.
It's been months since he started courting me, and if I may say he is really sweet. Kahit papano naman ay mas nakilala ko siya ng mabuti. Nalaman ko na galing din siya sa isang kilalang pamilya. At alam ko na hindi pabor sa akin ang nanay niya.
FLASHBACK
"Nathan, why did you bring her in my party?"
"Ma, Jamaica is the girl I'm inlove with, hindi mo ba siya pwedeng pakitunguhan ng maayos?"
"No. I don't care if you like her, she's not the one i like for you."
"Please ma, i have enough. Kung ayaw mong nandito siya, fine aalis na lang kami"
Biglang sumulpot sa harapan ko si Nathan at bakas sa mga mata niya ang pagkagulat ng makita ako. "Kanina ka pa dyan?"
Ayaw kong sabihin na narinig ko ang lahat kasi ayaw ko na kaawaan niya ako. "Hindi naman, hinahanap kasi kita. May problema ba?" Pagdadahilan ko at pagtatanong ko para maiba ang usapan namin.
"Wala. Let's go." Malamig niyang sabi
"Huh? San tayo pupunta? Hindi pa tapos party ng mommy mo, san na ba siya para magpaalam na tayo." Sunod-sunod kong sabi sa kanya.
"No need. Let's go!" Matigas niyang sabi. Lumakad na siya at hingal naman akong sumunod sa kanya. Ang laki kasi ng hakbang niya eh.
END OF FLASHBACK
Sa totoo lang takot ako sa mommy ni Nathan. Alam ko kasi na hindi niya ako gusto para sa anak niya,syempre dahil sa katayuan ko sa buhay.
Pero kahit kelan hindi ko naramdaman yun kapag kasama ko si Nathan. Kasi ibang iba siya sa nanay niya. Napaka humble niya.
"Ano kaya iniisip ng mine ko?"
"Mine?" Pagtatakang tanong ko.
"O-oo.. Mine as in AKIN.KA.LANG."
"Wow ha? Ano ko bagay?"
"Yes, bagay sa akin." Sabay halik sa pisngi ko.
(O.O) nagulat at namula ata ako dun ahh... Hindi ko namalayan na naka hawak na pala ako sa pisngi ko. Grabe first kiss ko yun... Oo alam ko kahit na sa pisngi lang yun kinilig pa rin ako.
"Ang cute mo mine... Namumula ka. Ahahahaha..."
"Ewan ko sayo..." Ramdam ko pa rin ang pamumula ko.
"Seriously, mine ano yung iniisip mo?"
Nabalik naman ako sa kasalukuyan nang itanong niya ulit kung ano ba yung naiisip ko. Sasabihin ko ba sa kanya?
"Mine."
"Ha? A..e... Yung mommy mo, ayaw niya sa akin no?"
Nakita ko ang pagbabago ng itsura niya. Kung kanina ang saya ng ekspresyon ng mukha niya bigla itong nagbago.
"Don't mind my mom. Kahit naman ayaw niya sa 'yo wala na siyang magagawa kasi mahal kita."
Sabay hawak niya sa kamay ko.
"Pero mommy mo yun."
"So? Basta, ikaw ang gusto ko at ikaw lang ang mahal ko. Wag na nga natin to pag-usapan." Inis na sabi niya.
Tinignan ko na lang siya at tumingin na lang ako sa labas ng kotse.
Sa wakas nakarating na rin sa bahay.