Chapter 4

197 3 3
                                    

Jamaica's POV

Pagkaalis ni Pat sa bahay dumeretso agad ako sa kwarto ko. Wala naman akong ganang makipag-usap sa mga housemates ko o kahit manood ng tv.

After what happened between me and Nathan, it just makes everything harder for me. Sa tuwing pipikit ako naiisip ko yung sinabi niya sa akin. Masakit talaga na marinig yun, dahil hindi ko alam kung totoo ba o hindi ang mga sinabi niya sa akin.

A part of me is telling that he is just lying, but also, a part of me is hoping that he meant every single word that he said.

I am laying at my back and staring at my ceiling when I heard two men's voice outside my window. I look out and find Pat and Nathan talking.

Hindi ko masyadong marinig ng malinaw ang pinag-uusapan nila, pero kita sa itsura nila na seryoso ang pinag-uusapan nila. Pinilit kong marinig kung ano man ang pinag-uusapan nila.

"Bakit nga ba Nathan? Bakit mo nagawang iwan at saktan ng ganun si Jamaica?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko mula kay Pat. Sa totoo lang kinabahan ako bigla sa mga sinambit niya. Handa na ba akong marinig ang tunay na dahilan kung bakit ako iniwan ni Nathan?

Paano kung sabihin niyang hindi niya talaga ako mahal? Kaya ko kayang tanggapin yun? Pinikit ko ang mata ko at hinintay ang sagot ni Nathan.

Bakit wala akong narinig sa kanya? Hininaan ba niya ang boses niya?

"...Kaya mas pinili kong lumayo, pero yung akala kong solusyon ay hindi pala. Mas naging miserable ang buhay niya, nakikita ko siya araw-araw dahil hindi naman ako umalis ng bansa. Nakiki-balita din ako sa mga katrabaho niya. At maging ako mas naging miserable dahil sa naging desisyon ko..." Ano daw? Bakit ba kasi hininaan niya yung boses niya? At hindi siya umalis ng bansa? Eh after niya akong iwan sa ere sinubukan ko siyang kausapin, at nung pumunta ako sa bahay nila ang sabi ng kasama nila sa bahay umalis na raw ito, tapos ngayon di naman pala siya umalis tlga?

Argghhh!!! ang gulo! Di ko na kaya ang makinig pa, kaya naman nagdesisyon akong itigil na ang pakikinig sa kanila. At bumalik na ako sa pagkakahiga ko.

Gustuhin ko mang matulog ayaw naman ako patulugin ng utak ko. Ramdam ko ang pagod sa aking kataan pero sa dami nang iniisip ko ngayon di ko magawang antukin. Tumayo ako muli at kinuha ko ang box na naglalaman ng mga memories namin ni Nathan.

Ang tanga ko kasi hanggang ngayon tinatabi ko pa rin ito, ewan ko kung bakit. Siguro dahil hindi ko pa talaga kayang pakawalan ang mga memories namin.

I get the first thing that I saw inside the box. It was a charmed bracelet.

Nathan gave me this bracelet the first time he asked me out of a date. And the first charm that he put on it was the initial of his name-"N". It was curved meticulously and plated with whitegolf and silver at the same time.

Mr. Suplado is my Mr. Right (Short Story/Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon