Chapter 3:Finding My True Love

11 2 0
                                    

Araw at linggo ang lumipas ay hindi pa rin nakikitang muli ni Yuan ang dalagang kanyang tinulungan. Kaya naman nalulungkot at nawawalan na siya ng pag-asang makikita silang muli nito. Siguro hindi talaga sila ang nakalaan para sa isa't isa but in the back of his mind he is hoping that the girl is the one for him. If that so he will be the happiest and luckiest guy on earth. Gustong gusto niya itong alagaan at mahalin kahit hindi pa niya ito nakikilala. Unang kita niya pa lang sa dalagang iyon ay matindi na ang kanyang nararamdaman para dito. Kahit kailan ay hindi niya pa naramdaman sa kahit na sinong babae.

Kung si Yuan ay nalulungkot sa hindi niya pagkakakita kay Yanyan, ang dalaga namang iyon ay sobrang natutuwa sa hindi nila pagkukrus ng landas ng lalaking kinaiinisan. Sino naman ba kasi ang hindi maiinis kung pagbintangan kang nagbebenta ng laman, di' ba? Sobrang natutuwa talaga siya sa mga lumilipas na araw at linggo dahil hindi na niya nakita pang muli ang lalaki. Sana talaga forever na raw silang hindi magkita ng lalaki talagang ikaliligaya niya ito ng lubusan.

" Yuan,pare kamusta na? Mabuti napadalaw ka dito?" masayang salubong ni Kenny sa kaibigang si Yuan dahil sobra siyang nagulat sa pagdalaw nito sa kanya. " Napadaan lang naman ako. Papunta kasi ako kina lolo at lola para dalawin sila. Baka magalit na kasi sila sa akin kung hindi pa ako dumalaw sa kanila. Sa tanong mo naman kung kamusta na ako not so good,pare. Hindi ko pa kasi nakikilala ang girl na iibigin ako ng totoo." wika niyang sabay napabuntong hininga.

" Wew! lalim no'n ah! puna nito sa kaibigan sabay nagsalitang muli. Miss na miss ka na ng lolo at lola mo,Yuan. Pumunta kasi ako doon kahapon sa mansyon nyo para papirmahan ang papeles sa lolo mo kailangan kasi sa opisina eh. Nagtatanong na nga sa akin kung bakit hindi ka pa dumadalaw sa kanila. Almost a week ka na raw kasing nakalipat pero hindi mo pa sila nadadalaw. Sinabi ko na lang marami kang ginagawa na importante kaya hindi ka pa makadalaw sa kanila. Pero once na matapos ka dadalaw ka na.Kaya mabuti talaga dadalawin mo na sila ngayon." mahabang wika ni Kenny.

" Mabuti naman pinagtakpan mo ako sa kanila. Naging busy lang talaga ako kasi may inaabangan ako tuwing umaga at gabi na babae na makita ko ulit. Kaso weeks na kong naghihintay hindi ko pa rin siya makita."mahabang paliwanag niya kung bakit hindi siya nakakadalaw sa kanyang lolo at lola.

" Sino naman ang babaing iyon,Yuan? Ganoon ba siya kaimportante sa iyo?" tanong ni Kenny pero may ibang kahulugan ang tinig nito.

" Hindi naman kaso may kasalanan kasi ako sa babae na iyon kaya gusto ko talagang makita siyang muli. Last week kasi may babae akong tinulungan muntik na siyang gawan ng hindi maganda ng dalawang lasing. Mabuti na lang narinig ko ang paghingi ny ang saklolo kaya tinulungan ko." mabilis na sagot niya sa tanong nito.

" Wow! Naging knight in shining armour ka pala." tudyo nito.

" Loko!Hindi naman. Nagkataon lang iyon. Kaya ko siya gustong makita ulit kasi gusto kong makahingi ng sorry sa kanya dahil nasabihan ko siya ng hindi maganda. Hindi ko naman sinasadya iyon. Sobrang nabigla lang ako ng nasabi ko iyon." nagsisising wika ni Yuan na mababakas sa guwapo nitong mukha ang pagsisisi sa nasabi niya sa babae.

' Ano ba kasi ang nasabi mo sa babaing iyon at talagang gusto mo pang magkita kayong muli?" mabilis na tanong nito.

" Nasabi ko kasing may iba pa siyang ginagawa kaya kahit dis oras na ng gabi nasa labas pa siya." sagot naman niya.

" Nasabi mo iyon sa kanya? You really need to apologize,pare. Hindi maganda ang nasabi mo sa girl. Im sure nasampal ka niya pagkarinig sa sinabi mo." sambit nito na sobrang ikinagulat niya ang nasabi ni Yuan dahil hindi niya naisip na masasabi iyon ng kaibigan kahit na kaninong babae.

" Hindi naman niya ako nasampal pero sobrang galit na galit siya sa akin. Ni hindi nga nya ako hinayaang makapagsalita tapos tinalikuran na niya ako. Kaya kahit gusto kong mag apology sa kanya hindi ko na nagawa. Hinanda ko na nga sarili ko sa kanya dahil panigurado pag nakita niya ako sasampalin na niya ako. Nakalimutan niya lang gawin iyon." wika ni Yuan.

Finding My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon