Chapter 8:Finding My True Love

4 2 1
                                    

Tulad ng gusto niyang mangyare ay niligawan pa rin siya ni Yuan kahit na sila ng dalawa nito. Mula ng maging sila nito ay lagi na masaya ang dalawa. Hindi na nga sila mapaghiwalay na dalawa. Kapag magkasama ang dalawa ay parang humihinto ang mundo ng mga ito. Makikita mo talaga sa mga itsura nito ang walang katapusang kaligayahan. Minsan nga ay naiirita na sa kanila si Cleo dahil sa pagiging sweet nila sa isa't isa.

" Maghanap ka na rin kasi ng lovelife mo, Cleotilde. Para may partner ka na rin. " wika niyang sabi sa kaibigan.

" Oo nga. Para hindi ka mainggit sa amin. Gusto mo ipakilala kita sa kaibigan ko? Single din iyon tulad mo. "
tatawa- tawang sang-ayon na sambit ni Yuan.

" Che! Tigilan ninyo akong dalawa diyan. Masaya ako sa pagiging single ko. Huwag lang kayong masyadong sweet sa harapan ko dahil naiirita na ako sa inyong dalawa. " pagtataray ni Cleo sa dalawang magkasintahan.

" Sama ka na lang sa amin bukas. Kain kami sa restaurant kasama sina Ricky at Emman. Isicelebrate namin ang pagiging mag- on naming dalawa ng my precious ko. Di'ba,my precious? " malambing na wika ni Yuan sa
kasintahan.

" SA bahay na lang kasi. Gagastos ka pa kung sa restaurant. " angal na wika ni Yanyan na hindi yata pansin ang pagtawag sa kanya ni Yuan ng " my precious".

" Sweet naman talagang my precious ha! " tudyo ni Cleo sa tawag ni Yuan kay Yanyan.

" Syempre naman, Cleo she's my precious. And I really love her very much. Sa restaurant na marami akong budget kaya huwag kang mag- alala. " paliwanag naman niya.

" Bahala ka nga basta sa mura lang ha! "

" Opo. Takot ka sigurong paghugasin ko kayo noh?! " biro niya.

" Nice one, Yuan. Talagang takot lang yang si Yanyan, Yuan." sabay halakhak ni Cleo.

Imbes na sumagot ay isang irap lang ang binigay ni Yanyan sa kaibigang si Cleo.

Tawa na lang din ang tinugon ni Yuan. Baka kasi pati siya ay mairapan nito maya-maya.

Dumating ang kinabukasan ng gabi tulad ng kanilang plano ay kumain nga sila sa restaurant. Sa isang high class restaurant niya dinala ang mga ito. Nagulat tuloy ang mga ito ng doon sila niyayang pumasok ni Yuan. Kahit ayaw man ng mga itong pumasok sa loob ay napilit niya rin ang mga ito. Sinadya kasi niyang hindi talaga sabihin sa mga ito. Siya at ang kaibigan niyang si Kenny ang may- ari ng restaurant na iyon at bago siya nagpunta sa lugar na iyon ay kinausap na niya ang mga tauhan niya doon na huwag siyang ituring na boss nila kundi isa lang din simpleng customer. Ang kanilang restaurant ay meron din stage kung saan may kumakanta rin na solo singer at mga banda. Ang kanyang plano ay kapag kumakain na sila ay kakanta siya pero hindi niya sasabihin sa mga ito. Susurprisahin niya ang mga ito na bigla na lang siya makikita ng mga ito sa stage para maghandog ng isang kanta para sa pinakamamahal niyang si Yanyan. Dalawang kanta ang kanyang kakantahin ito. Pagpasok nila sa restaurant ay may sumalubong na sa kanilang waiter. Sinabi niya lang ang kanyang reservation ay inihatid na sila nito sa kanilang table.Nang nakapasok na sila sa loob ay hindi napigil ng mga ito ang mamangha sa ganda ng loob ng restaurant na iyon. Maya-maya ay binigyan na sila ng menu book ng waiter. Siya na ang umoorder para sa mga ito. Puro seafoods ang kanyang inorder at may mga karne din pero mas lamang pa rin ang seafoods dahil paborito ng mga ito iyon. Nasa kalagitnaan ng pagkain sila ng nagpaalam muna siya na pupunta ng restroom pero ang totoo ay pupunta na siya sa stage para maghandog ng isang kanta.

" Ganda dito noh,bez. Wow talaga! " ang namamanghang wika ni Cleo.

" Oo nga,ate Cleo. Ang sarap pa ng pagkain. " sabad naman ni Emman.

" Kaya lang siguradong mahal dito. Nag- aalala lang ako kay Yuan. " tugon naman ni Yanyan.

" Ano ka ba,Yanyan. Malay mo naman mura lang dito. " wika naman nito para lang hindi na mag-alala ang
kaibigan.

" Sana nga,Cleo. " tanging nasambit niya.

" Oo nga,ate. Im sure may budget talaga si kuya Yuan para dito. " hirit ding wika ni Ricky.

Nasa ganoon silang pag-uusap ng biglang may narinig silang nagsalita sa stage.

" Ladies and gentlemen may I have your attention,please. I want to dedicate this song to my precious one. The girl sent God to be my precious. This is for you. Pagkatapos niyang magsalita ay pumailanlang na ang musikang kanyang kakantahin habang may hawak din siyang gitara.

Habang kumakanta siya ay may ibang mga matang nakakatitig din kay Yuan. Si Mildred,ang kaibigan ng dati
niyang kasintahang si Vinia. Seryoso itong nakatingin sa kanya at tumingin din sa direksiyon nila Yanyan.

" Kailangang malaman ito ni Vinia. " nausal ng Mildred sa sarili.

" Ay grabe na yang si Yuan, bez. He's so sweet. Ganda pa ng boses. Puwede bang akin na lang siya,bez? " kinikilig na biro ni Cleo.

" Manigas ka, bez. Hindi ko siya ibibigay sayo. Maghanap ka ng iba. " seryosong sagot niya habang nakatitig sa nakatitig din sa kanyang si Yuan.

Finding My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon