Chapter 12:Finding My True Love

3 0 0
                                    

        Mas lalo pa siyang nagulat sa sumunod na ginawa ni Yuan. Lumuhod ito sa harap niya habang may hawak-hawak ng pulang lalagyan. ” Will you marry me, my precious? ” seryosong tanong niya habang nakaluhod. Maging ang mga bisita ay nagulat din sa ginawang iyon ni Yuan. Matagal- tagal bago nakasagot si Yanyan dahil hindi niya inaasahan iyon. Buong akala niya kasi ay ipapakilala lamang siya nito sa mga taong naroroon. ” Ginulat mo naman ako,Yuan. I dont know what to say but a BIG YES. ” nakangiting sagot ni Yanyan na parang walang taong nanonood at nakikinig sa kanila. Sa narinig na iyon ay hindi napigilan ni Yuan ang hindi mapalundag sa tuwa. ” Talaga?! Yes,yes,yes. ” ang wika nitong naglululundag sa saya. ” Yes, Yuan. I’ll marry you. ” Isang halik sa labi ang sinagot doon ni Yuan. Nang maglapat ang kanilang mga labi ay may naramdaman silang pareho na parang may gumagalaw-galaw sa kanilang tiyan. Unang halikan palang nila iyon at unang halik ni Yanyan. Walang kasing sarap sa pakiramdam. Kay tamis ng halik ni Yuan. Ang labi nito ay kay lambot na ayaw na niyang tantanan. Bawat halik nito ay kanya ng tinutugon. Ginagaya na lamang niya ang ginagawa nitong paghalik sa kanya. Tumagal din ang kanilang halikan ng mga minutes. Nang bumalik lang ang kanilang katinuan ay saka lamang sila naghiwalay at natatawang hinarap ang mga bisita nila na masayang nakatitig sin sa kanila. ” Sorry,guys. Nawala kami sa sarili. May audience pala kami. ” tatawa-tawang hinging paumanhin ni Yuan. ” Okey lang,Yuan. We’re happy to both of you. ” sabay-sabay na wika ng mga nandoon at nagrequest pa ng isang kiss na kanila namang pinaunlakan. Pero lingid sa kanilang kaalaman ay may dalawang tao ang naroon na hindi nagugustuhan ang mga nagaganap. Ito ay sina July at Vinia. Parehong galit sa nagaganap. ” Hindi dapat matuloy ang kasal ninyo. Hiiinndddiiiii! Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa kanya, Ianna” sigaw sa sarili ni July at nanlilisik sa galit na nakatingin sa dalawa. ” Akin ka lang, Yuan. Akin ka lang. Magiging akin ka,Yuan. Akin lang. ” sabi ni Vinia sa sarili habang galit na galit na nakatingin kina Yuan at Yanyan.

        Nang matapos ang anunsiyong iyon ni Yuan ay sabay na silang bumaba sa stage at hinarap ang kanilang mga bisita. Kapwa masaya ang mga ito sa kanila at ang halos lahat nga ay nagsabing kunin silang ninong at ninang sa kasal nilang dalawa na tinanggap naman nila. Sobra rin ang sayang nadarama ng lolo at lola ni Yuan sa nagyari dahil batid ng mga ito na talagang nagmamahalan sila ng kanilang mahal na apo.

        Sabi pa nga ng mga ito ay bilisan na nila ang kasal kasi gusto na nila makita ang magiging apo nila sa kanilang dalawa. Sila rin ay lumapit sa kaibigan ni Yuan na sina Kenny at July. “Congrats to both of you. ” salubong na wika agad ni Kenny sa kanilang dalawa. ” Thank You,Kenny. ” wikang sabay nila Yuan at Yanyan. ” Saka nga pala,Yanyan I want you to meet my balikbayan friend si July. ” pagpapakilala ni Yuan sa kaibigan kay Yanyan. Hindi kita ni Yanyan ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa kanya pero batid nito na kausap nila ito. Kaya naman laking gulat niya ng humarap ito at mabatid kung sino ito. ” Glad to meet and to see you, Yanyan. Im July. ” makahulugang wika nito sa kanya sabay halik sa kanyang kamay nito at hindi agad binitiwan ang kamay niya. Nakakatitig lang ito sa kanya ng makahulugan. Hindi pa sana siya magsasalita at bibitiwan ni July kung hindi lang nagsalita si Yuan. ” Something wrong?” tanong nito na ang tinig ay nag-aalala. ” Nothing, Yuan. Glad to meet you too, Ju-juli- July pala! kinakabahang sagot ni Yanyan. Pero hindi kumbinsido si Yuan sa sinagot sa kanya ni Yanyan. Parang meron siyang dapat na malaman na hindi niya pa alam kung ano. Itatanong na lang niya iyon sa mga susunod na araw. ” Sige,guys mauna na muna kami ha! Mamaya na lang ulit. ” paalam na lang niya sa mga ito. Ang kanyang kaibigan na si Cleo at ang dalawang kapatid ay masayang masaya rin sa kanilang dalawa ni Yuan. ” Kakasal ka na,bez. Im happy for you. ” masayang wika ni Cleo na naiiyak iyak pa. ” Over ka naman,bez. May paiyak-iyak effect ka pang nalalaman diyan. Pero thank you,bez. ” ” Over ka diyan! Masaya lang ako kasi nakita mo na ang iyong prince charming. ” ” Kaya ikaw maghanap ka na rin. Sige,kain ka pa,bez. ” ” Nasaan na ba si Yuan? Para maaway ko.

Finding My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon