Chapter 11:Finding My True Love

1 0 0
                                    

        Dumating ang araw ng sabado  halos lahat sa mansyon nila Yuan ay abala sa paghahanda na gaganapin mamayang gabi. Ang kanyang lola ang punong abala sa lahat. The old lady wants the best for tonight. She makes sure that everything is organize and complete. Excited na rin itong makilala ang nobya ng kanyang pinakamamahal na apo. Nakausap na naman nila ito pero sa telepono lamang at nakita na rin pero sa picture lamang. Dasal nilang mag-asawa ay sana ito na nga ang babaing magmamahal sa kanilang apo ng wagas at totoo. Tanging hiling lang nila ay maging maligaya ang kanilang apo.

        Wala sa kanilang kaso kung malayo ang agwat ng buhay nito sa buhay nila ang importante sa kanila ay kapwa nagmamahalan ang mga ito. Sa bahay naman nila Yanyan ay kinakabahan na ito sa gaganapin mamayang gabi sa mansyon nila Yuan. Iyon kasi ang kauna-unahan niyang pagpunta doon at makikilala ng personal ang lolo at lola ng kasintahan. Idagdag pa na malaking okasyon iyon na dadaluhan ng mga kamag-anak at mga kilalang tao sa iba’t-ibang larangan. Para ngang gusto na niyang umatras dahil natatakot talaga siya. Ngayon pa lang kasi siya makakapunta sa ganoon. Saka natatakot din siya na baka may magawa siya doon na ikapahiya pa ni Yuan. Lalakasan na lang niya ang kanyang loob para kay Yuan. Mahal na mahal niya ito. Kung kabado naman si Yanyan sa gaganaping party mamayang gabi ay ito namang si Yuan ay excited na. Gusto na nga niyang hilahin ang oras para maggabi na. Maipapakilala na niya si Yanyan sa lahat. Ang babaing kanyang gusto ng makasama sa buhay niya. Kung maaari nga lang ay gusto niyang isigaw sa mga taong dadalo sa party ang kanyang pagmamahal at pagiging maswerte nya sa nobya. Mahal na mahal niya talaga ang nobya. ” Bez,excited ka na ba mamayang gabi? ” biglang tanong ni Cleo sa nagbabasang si Yanyan. ” Hindi noh! Kinakabahan nga ako eh.
       
        Alam mo namang hindi pa ako nakakapunta sa mga party ng mayayaman eh. Ngayon pa lang tapos para sa amin pa iyon ni Yuan. ” ang sagot ni Yanyan ng maibaba ang binabasang magazine. ” Kunsabagay nga,bez. Kami naman nasa tabi lang kaya hindi kami kabado tulad mo. Kaya mo naman yan,bez. Ikaw pa. ” pagpapalakas ng loob nito sabay kindat dito at muling nagsalita. ” Ako magmakeup sa iyo mamaya ha! Siguradong ikaw ang pinakamaganda mamayang gabi. ” ” Sana nga,bez. ” tanging nasambit niya sa kaibigang si Cleo dahil talagang kabado na siya para mamayang gabi. Nang sumapit na ang gabi ay unti-unti ng nagsisidatingan ang mga bisita sa mansiyon. Hihintayin na lang ang takdang oras talaga ng okasyon. Ngayon pa lang susunduin ni Yuan sina Yanyan. Excited na talaga siya. Hindi niya binisita si Yanyan kanina kaya ngayon pa lang niyang gabi makikita ang nobya pagsundo niya sa mga ito. Excited na talaga siya. Finally maipapakilala na rin niya sa wakas ang kanyang pinakamamahal na si Yanyan sa lahat. ” Tapos na,beezzzz. Ganda-ganda mo. ” ang hindi napigilang sigaw ni Cleo ng matapos niyang makeupan si Yanyan. Ang dalawang kapatid nito ay seryoso lang na nakatingin sa kanilang dalawa lalo sa kanilang ate. ” Ingay mo naman,bez. Over ka! ” nangingiti-ngiting wika ni Yanyan sa kaibigan. ” Ang ganda mo,ate Yanyan. ” nasambit na wika ni Ricky na titig na titig sa kanya. ” Hindi lang maganda kundi napakaganda. ” ang pagtatamang tugon ni Emman. ” Mga kapatid ko talaga kayo at kaibigan. Pinagbobobola ninyo ako. ” pagtataray niyang wika sa tatlo habang sinisipat ang kanyang sarili sa salamin. Simple lang naman ang kanyang suot. Long dress na kulay pink lang ang kanyang suot na nabili niya lang sa palengke. Tinernuhan niya ito ng kwintas,earrings at 2 inch high heels. Gusto siyang bilhan ni Yuan kaso tinanggihan niya ito at sinabing kapag nagpilit ay hindi na siya pupunta sa party kaya hinayaan na lang siya ni Yuan sa gusto niya. Pero hindi naman siya nagkamali dahil kahit simple at mura lang ang kanyang suot ay lumabas naman ang kanyang angking ganda at hindi mahahalatang mura lamang ang suot. ” Of course not, ate maganda ka naman po talaga. Lalo pang gumanda dahil naayusan ka. ” ang paliwanag ni Ricky sa sinabi niya. ” Tama si Ricky. Wala ka talagang kasingganda, Yanyan. ” hirit bigla ni Yuan na ikinalingon ng lahat. ” Andiyan ka na pala,kuya Yuan. Ang guwapo-guwapo mo po. ” guwapong guwapong wika ni Emman at sinalubong si Yuan. ” Ikaw rin naman at kuya Ricky mo guwapo rin at ate Cleo nyo maganda rin pero mas maganda pa rin si Yanyan. ” sabay kindat sa nobya. ” Mag-cheezzy na naman kayong dalawa diyan. ” tukso ni Cleo at niyaya ang dalawang kapatid ni Yanyan na lumabas na ng silid para makapag-usap ang dalawa. Nang sila na lang dalawa ang nasa silid ay nag-usap sila tungkol sa party. ” Are you ready for tonight,love? ” tanong ni Yuan sa nobya dahil ramdam nito na kabado si Yanyan. ” Still nervous,love pero alam ko namang hindi mo ako papabayaan mamaya eh. Kaya okey na ako. ” nakangiting sagot ni Yanyan sabay buntong-hininga. ” That’s my girl. Ang ganda mo talaga, Yanyan. Mas gumaganda ka pa pala kapag naaayusan. ” malambing na wika ni Yuan sa nobya at unti-unting bumababa papalapit sa labi ng dalaga. Nasa ganoong eksena ng biglang pumasok sa kwarto si Cleo. Gusto man niyang lumabas muli ay huli na. ” Sorry! ” hinging paumnhin nito na naka-peace sign pa. ” Cleo naman! Konting-konti na lang eh. Bitin! ” kakamot-kamot ng ulong wika ni Yuan kay Cleo. ” Bez naman, malapit na eh. ” asar ding wika ni Yanyan. ” Sorry na nga eh. Mabagal lang talaga si Yuan. ” pang-iinis pang lalo Cleo sabay tawa. ” Alis na nga tayo,love bago ko masakal ang napakabait kong bestfriend. ” birong wika ni Yanyan. ” Mabuti pa nga. ” sang-ayon ni Yuan sa biro ni Yanyan. Tawa na lang ang sinagot doon ni Cleo. Pagdating nila sa mansyon nila Yuan ay punung-puno na ng mga sasakyan sa kalsada. Kaya halata mong marami na ngang bisita. May inimbitahan din si Yuan na nakatira din sa lugar nila Yanyan na naging kaibigan din niya doon pati ang naging kaibigan din niyang mga kargador sa palengke. Halos lahat ng mga bisita ay mga mayayaman at kilala sa mundo. Pagpasok nila sa mansyon ang lahat ng mga tao doon ay nakatingin sa kanilang lahat lalong lalo kay Yanyan na inaalalayan ni Yuan habang naglalakad. Kitang kita ni Yanyan ang mga tingin ng mga tao doon. May mga nakangiti habang pinagmamasdan sila ni Yuan na naglalakad at ang iba naman ay mga nakairap at nakataas ang mga kilay ng mga babae. Alam niya naiinggit ang mga iyon sa kanya dahil kasama niya si Yuan na kahit na sinong babae ay pantasya ito. Sabi na lang niya sa kanyang sarili na sorry na lang ang mga ito dahil ang kanilang pantasyang lalake ay siya ang pinapantasya at minamahal. Nang makapasok silang ganap ay sinalubong sila ng lolo at lola ni Yuan. ” Good evening,hija! You’re so beautiful with your dress. ” nakangiting salubong ng lola Helen ni Yuan sa kanya at bineso-beso siya saka hinalikan si Yuan. ” Thank you and Good evening too, Donya Helen. ” magalang niyang wika dito at bineso beso rin ito. ” Nope! Dont call me Donya Helen,hija. Just Lola Helen. ” nakangiting saad nito at nginitian din niya. ” Yes, hija. Just call us Lolo and Lola. And Yuan is right your gorgeous and beautiful. ” ang sambit naman ng lolo ni Yuan na si Don Enrico at hinalikan siya sa kamay.

        Kahit na matanda na ang mga ito ay kita pa rin sa mga itsura ng mga ito ang kagandahan at kaguwapuhan. Halata mo rin sa mga ito na mahal nila ang isa’t isa. ” Thank you po,Lolo and Lola. ” pagpapasalamat niya sa mga ito. ” Pagpasensyahan nyo na po si Yanyan kasi kinakabahan po yan eh. ” wika ni Yuan sa dalawa. ” Dont be,hija. We cant eat you. ” pagbibiro ni Don Enrico sa kanya. ” Yeah! He’s right. ” segunda naman ni Donya Helen. ” Anyway,Lolo and Lola I would like you to meet Ricky,Emman and Cleo. Yanyan’s brother and betfriend. ” pagpapakilala ni Yuan sa tatlo. ” Really,apo?! Glad to meet you. ” masayang tugon ng dalawang matanda. ” Glad to meet you too. ” sagot din ng tatlo. ” Maiwan po namin muna kayo diyan,lolo,lola. Hatid lang po namin sila sa table nila. ” ” Sige,apo. ” Bago magsimula ang party ay nagsalita na si Yuan sa maliit na stage. ” Hello po sa inyo! Magandang gabi po. Marami nga po palang salamat sa pagpunta ninyo ngayong gabi. Alam ko po mga busy po kayong tao pero gayunpaman ay pinaunlakan nyo pa rin po ang imbitasyon ko. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na ang araw po na ito ay napakahalaga para sa akin. Ito po kasi ang matagal ko ng hinihintay na araw para ipakilala sa inyong lahat at sa buong mundo ang isa sa pinakaimportanteng tao at pinakamamahal ko sa buhay ko bukod sa lolo at lola ko. Mula ng makita ko siya binihag na niya ang puso ko lalo pa ng makilala ko siya ng lubos. Masasabi kong nakita ko na ang babaing pag-aalayan ko ng buong buhay ko at gusto kong maging ina ng dalawang dosenang magiging anak namin. Gusto ko pong makilala ninyo ang mahal na mahal ko. ” sabay lapit sa nobya at inalalayang makaakyat sa stage saka muling nagsalita. ” Siya po si Yanyan. Ang sinasabi ko po kaninang bumihag na ng puso ko sa simula pa lamang. Yanyan,gusto kong malaman mo at malaman ng lahat na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko buong buhay ko. ” ” Mahal na mahal rin kita, Yuan. Mas mahal kita. ” tanging nasabi lang ni Yanyan sa kanya. Kahit maikli lang iyon ay tagos naman sa kanyang puso iyon. Hindi pa kasi siya nakakabawi sa ginawa ni Yuan kaya iyon lang ang kanyang nasabi. Nagulat kasi siya sa mga ginawa nito.

Finding My True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon