Tired and Upset

60 7 11
                                    

Isa ka ba sa mga taong napapagod na sa takbo ng buhay mo?

Iyong taong nagtiwala ng lubos, pero binigo ka rin lang sa huli?

Iyong taong nangangarap pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayare? O di kaya'y nagsasawa ka na sa nangyayare sa ikot ng mundong kinalalagyan mo?

Iyong mga problemang paulit-ulit na lang at hindi na naayos dahil gulong-gulo ka na?

Isa ka ba sa mga taong pagod na pagod na at gusto ng bumitaw sa kaunting pag-asang pinanghahawakan mo?

Pwes narito na ang sagot na hinahanap mo.

Ang sagot na tiyak na tutulong sayo.

Ang sagot na panghahawakan mo at hindi ka bibiguin ano man ang mangyare.

Kung binitawan man ang kamay niyo ng mga taong akala niyo ay kasama niyo.  Bakit hindi niyo subukang pagsiklupin ang inyong kamay at pumikit.

Pumikit at kausapin ang Diyos na lumikha sa atin. Ilabas ang lahat ng mga pasakit, ang lahat ng kinikimkim na sakit sa ating dibdib.

Bakit hindi mo subulang kausapin ang Diyos dahil katulad nga ng sinabi niya

Matthew 11:28-30

"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble inheart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light."

Tinatawag tayo ng Panginoon upang magpahinga, Upang pasanin ang kanyang pamatok  sapagkat ang Diyos ay may mapagpakumbabang puso. Maiintindihan niya ang mga hinaiing na ating nararamdaman, maiintindihan niya ang lahat ng mga pasakit na ating  pasan-pasan at kapag ginawa natin ito ay mararamdaman natin ang kaginhawaan sa ating buhay.

Kaya mga kapatid. Ina-anyayahan ko kayong pumikit at magdasal ng taimtim, dahil ito ang sagot sa ating minimithing kaginhawaan.

Nawa'y nakatulong ito sa nararamdaman mong kapighatian.

Kung may kakilala kang alam mong kailangan nito ng kunting payo ay huwag mahiyang mag tag.

Mga katanongan o di kaya'y nais mong maglabas ng saloobin. Ako'y narito at  handang makinig.

Until next time. :)




Dedicated to sis myjeilapad

My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon