Reminders

11 2 0
                                    

Nasaan ka na?

Nasaan ka na nga ba ngayon?

Iyan ang madalas itanong sa atin ng ating Panginoon, sa bawat panahong  nakakalimot tayo!

Huwag mong itanggi dahil totoo.

Nasaan ka?  Bakit mo ako iniwan!

Iyan naman ang mga katagang madalas mo'ng bitawan, sa mga panahong naghihirap ka.

Huwag mong itangi dahil totoo.

Ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw. Mula sa kung ano ang tama, sa ano ang mali.

Bawat tao ay nakakalimot, nakakalimot sa mga bagay, na araw-araw na biyayang binibigay ng Diyos.

Magaling tayong manisi. Manisi sa kung bakit ka ganito, bakit ganiyan, bakit mo pinayagan ang ganito!

Pero naisip mo ba, ang dahilan kung bakit ka ganiyan, bakit niya pinayagang mangyare ang ganito?

Isang kwento, ang hatid ko sa inyo at nawa'y basahin niyo.

Hindi ito original na sa akin, ngunit may mga tagpo akong binago, upang mas lalong kapana-panabik.

Ako nga pala si Jose, may asawa ngunit walang anak.

Tatlong taon na kaming nagsasama ni Maria, at hanggang ngayon, ay wala pa din kaming anak, na matagal na naming pinagdadasal sa Panginoon.

Ito ang araw, na ipinasya kong iwanan muna ang aking asawa at mag hanap-buhay sa malayong lugar, na pinayagan naman ng aking asawa.

"Mag-iingat ka Jose!" Paalam nito sa akin. Sabay halik sa aking labi.

"Salamat Mahal, pangako babalik ako, kapag naka-ipon na ako ng malaki."

"Huwag mong hangarin ang kayamanan Jose, tandaan mong mas kailangan kita kaysa ano pa man. Kaya kong may sapat ka ng ipon ay umuwi ka na at siguradong malulungkot ako, kapag wala ka." May luha sa mga matang ika nito at mahigpit na yumakap sa akin.

Inihiwalay ko ito mula sa aking katawan at ngumiti. "Pangako Maria." Ika ko at tumalikod na dito.

Ayaw kong nakikitang umiiyak ito. Hindi ko kaya at baka hindi na ako maka-alis pa.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, limang oras ang itinagal ng aking byahe, bago ako tuloyang nakarating sa tahanan na siyang aking aalagaan.

"Jose, ikaw na nga ba iyan?" Salubong sa akin ng matandang nakabarong sa gitna ng bukid.

Tumango ako at napagtantong ito ang aking pagsisilbihan.

"Ako nga pala si Andong ang nagmamay-ari ng lupaing iyong kinatatayuan." Pakilala nito sa sarili.

"Don Andong, ako nga po si Jose, ang inatasan ni Pareng Dante na pumalit sa kanya."

"Kung ganon ay nasisiguro ko ng alam mo na, ang magiging trabaho mo dito."  Nakangiting ika nito na ikinatango niya.

Ang alagaan ang lupain, mga alaga at pati na din ito. Ang siyang magiging trabaho niya.

Mabilis na dumaan ang araw, buwan at taon, na halos igugol ko na ang lahat ng aking oras at lakas, para lang sa pag-aalaga sa Don. 

Dumating ang pinaka-ayaw kong mangyare sa lahat, ang kunin ito ni Lord sa kanyang pangangalaga.

Labing pitong taon, Oo! Labing pitong taong inalagaan niya ito, Labing pitong taon na din siyang hindi umuuwi sa kanyang asawa, sa kadahilanang kailangan siya ng Don.

At itong araw na ito ang burol ni Don Andong. Naka-usap na niya ang anak nitong galing sa Manila. Ipinaki-usap nitong doon na daw siya manirihan at lahat ng nakikita niya roon ay pag-aari na niya, basta huwag na lang daw siyang umalis at muli niyang alagaan ang naiwang asawa ni Don Andong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 21, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon