Alone?

20 5 3
                                    

Pakiramdam mo ba nag-iisa ka lang?

Iyong pakiramdam na kahit gustong-gusto mong maglabas ng hinanakit ay wala kang masumpongan na pwede mong paglabasan?

Hindi ka nag-iisa.

Sa isip mo lang yan.

Dahil may mga bagay tayong hindi nakikita at pinapabayaan na lamang.

Hebrews 13:5

I will never leave you.

May mga bagay tayong ayaw nating tanggapin na akala mo inaapi ka lagi at hindi ka pinapaboran, pero ang katotohanan ay nag-aantay ang Diyos na lumapit ka sa kanya at hindi sa alak.

Tayo ay mahina at marupok, na sa kunting hamon ng buhay ay mas pinipili pa nating magpakalasing at hayaan ang sarili nating lunurin ng kalasingan kahit sa huli ay muli tayong gigising at haharap muli sa problemang pinipilit na iwasan.

Iyong pakiramdam mo na wala ng nagmamahal sayo.

John 3:16

I love you.

Matuto kang tumingala hindi lamang sa pagtagay at hawak ang bote ng alak sa iyong kamay,  kundi hawak ang dalawang kamay mo'ng may pagsusumamo at paghinge ng kalinga. Paghinge ng kalinga sa Diyos na lumikha sa iyo.

Matthew 11:28-30

I will give you rest.

Hindi lamang kapayapaan ang mararamdaman mo pagkatapos mong makipag-usap sa Diyos kundi maging kaginhawaan ng puso mong pagod na pagod na. Bibigyan ka ng Diyos ng sapat na pahinga upang muli kang bumangon at muli sa susunod na unos sa iyong buhay ay kakayanin mo na ito ng boung lakas,  dahil hindi ka na nag-iisa. Kasama mo na siya.

Kasama mo na ang Diyos saan ka man mag punta. Manalig ka lang at papasukin mo siya sa iyong buhay. Huwag mong kalimutan na sa bawat paghakbang mo tungo sa nakalaan sa iyong tadhana ay magdasal ka.

Kausapin mo siya at pangako ko sa iyo, mararamdaman mo ang ginhawang matagal mo ng inaasam.

Ang tunay na kaibigan na lagi mong sasandalan.

At masasabi mo na sa iyong sarili na hindi ka nag-iisa.

My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon