PARABLE #1

52 6 14
                                    

This story is not mine.

This is our Pastor story.

Isang parabola na ginamit niya upang magbigay ng mas mabisang mensahe, na siya ngayong tumatak sa aking isipan at nais kong ibahagi.

Sa isang malayong lugar ay may isang binatang lugmok na sa kahirapan. Iyong tipong pasan na niya ang langit dahil sa paghihirap na kanyang nararanasan. Hanggang sa isang araw ay sumigaw siya sa langit na kausapin siya ng Diyos na hindi nagtagal ay nagkatotoo.

Binata:  Nasan ka Jesus na tinatawag naming Diyos, Bakit hindi mo ako samahan sa aking kalbaryong hinaharap.

Diyos: Narito ako at ako'y nakikiramdam, nag-aantay na tawagin mo at ako ay darating.

Binata: Panginoon ko, patawarin mo ako sa aking mga nasambit. Nais ko lamang na hilingin na samahan niyo ako sa aking pighating hinahaharap. Maawa ka Jesus, tulongan mo ako.

Diyos: Anak, Ako'y laging nasa iyong puso kumakatok at nag-aantay na papasukin mo. Ngayon na nagbukas na ito ay hindi kita bibiguin at makakasama mo ako.

Makalipas ang ilang araw ay naramdaman ng binata ang kaginhawaan, hanggang sa lumipas ang panahon at muli siyang humiling na kausapin ito ng Diyos.

Binata: Panginoon nasaan ka? Nasaan ka ngayon? Bakit muli mo akong iniwan at sinadlak muli sa kahirapan.

Diyos: Narito ako Anak, patuloy na sinasamaaan ka. Paanong iniwan kita?

Binata: Sa mga nakalipas na panahon ay sinamahan mo ako. Nakita ko ang bakas ng iyong mga paa na nakasunod sa aking paglalakbay, pero bakit ngayon ay mag-isa na lamang akong nakatayo at tangging bakas na lamang ng aking mga paa, ang aking nakikita mula sa lupang aking kinatatayuan?

Diyos: Anak, Ika'y humiling at ika'y aking pinagbigyan, Ako'y pinapasok mo sa iyong puso ngunit ika'y nagkulang. Ako'y narito at ika'y pinapasan. Anak ang bakas ng mga paa'ng iyong nakikita ay sa akin at ika'y aking buhat-buhat.

Ang kwentong ito ay aking dinagdagan at aking binawasan.

Nawa'y nakatulong ito sa ating mga hinaharap na problema sa buhay.

Minsan ang mga tao ay nagbubulag-bulagan. Hindi nakukuntento at puro reklamo sa buhay. Pero nagreklamo ba ang Diyos?

May mga bagay tayong hinihiling na hindi natin nakukuha. Pero may mga bagay tayong hindi hinihiling na ating nakukuha na hindi natin alam.

Dahil ang ating mga mata ay nakapikit. Nakapikit sa katotohanang tayo ay pinagpala.

Nakukulangan at walang tiwala. Na sa kunting unos lang na dumating ay agad tayong bumibitaw at nagrereklamo sa buhay.

Hindi lang natin alam na tayo na pala'y pasan-pasan ng Diyos at patuloy na binubuhat, maka-ahon lang tayo sa pighating ating hinaharap.

Johua 1:8

Have I not commanded you? Be
strong and courageous. Do not be
afraid; do not be discouraged, for the LORD your God will be with you
wherever you go.”

Malinaw na malinaw po. Tayo ay magpalakas at magpakatapang. Handa tayong sumugal at mkipaglaban, dahil hindi tayo pababayaan ng Diyos saan man tayo makatating. Basta't kasama natin siya ay patuloy tayong mabubuhay.

Salamat po at nawa'y may natutonan tayo.

My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon