Pain

22 5 7
                                    

Dedicated to IAYoursPH
Thanks for making the Cover.

------------------

Lahat tayo nakakaramdam ng Sakit.

Sakit na minsan ay hindi na natin kayang kuntrolin. Sakit na nakakamatay kung hindi mo nilalabas.

SAKIT na mas pinipili mo'ng suluhin, kahit na may nakahanda namang makinig.

Bakit nga ba?

Bakit nga ba tayo binibigyan ng mga iba't-ibang klase ng sakit?

Emotionally or Physically.

Nasubukan mo na bang tanongin ito sa inyong sarili.

Lahat tayo nakakaranas ng PAIN wheater emotional or physical pain.

May mga tao lang na kayang itago at hindi kayang itago ang kanilang mga nararamdaman.

Oo, masakit pero kaya nilang tiisin. Hindi ko alam kung bakit? Ano ang dahilan at saan sila humuhugot ng lakas.

But, God has a purpose in every Pain you experience.

God loves us and wants to use the hurt and pain in this world to bring Him glory.

Jeremiah 29:11

For I know the plans I have for
you,” declares the LORD, “plans to
prosper you and not to harm you,
plans to give you hope and a future.

Isang pagsubok upang tayo ay mas kumapit sa Panginoon. Upang tayo ay manampalataya sa kanya at muling ipaalala na may Diyos na nakakaintindi sa Sakit na ating nararamdaman.

Isang pa-alala na hindi ka nag-iisa at hindi upang kwestiyunin ang Panginoon sa kanyang pasya.

Isang pa-alala na kaya mong magpakatatag at lumaban , dahil isa itong hamon na alam ng Diyos na kaya mong paglabanan.

Dahil hindi ka niya bibigyan ng pagsubok na alam niyang hindi mo kakayanin.

Psalm 34:18

The LORD is close to the brokenhearted and saves those who are crushed in spirit.

Huwag mong isipin na hindi ka ina-alala. Na wala kang kakampi.

Subukan mong pumikit at magdasal. Kausapin ang Diyos sa mga damdaming matagal mo ng kinikimkim. Ala-lahanin mong hindi ka nag-iisa at may karamay ka. Dahil inaatay ka niya. Inaantay niya ang iyong tinig upang kausapin ka niya.

Psalm 147:3

He heals the brokenhearted and
binds up their wounds.

Katulad ng aking sinabi. Manalangin ka dahil ang sugat na nilikha ng Sakit na kusa na lang dumapo ay kaya ng Diyos na pagalingin.

Hindi man natin nakikitang naghihilom. Nararamdaman naman natin ang ginhawang kapalit nito.

Pumikit ka. Iyong ilabas ang lahat ng SAKIT na iyong nararamdaman. Ang lahat-lahat at mabibigyan ka ng ginhawa.

Revelation 21:4

He will wipe every tear from
their eyes. There will be no more
death’ or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away.”

At kapag nagawa mo ito. Tinitiyak ko sayo. Mararamdaman mo ang ginhawang akala mo ay hindi mo na matitikman.

Mararamdaman mo ang kapayapaan sa iyong isipan at ginhawa sa naninikip mong damdamin.

Lets Pray

Diyos ng pag-ibig, Ako ngayon ay narito sa iyong harapan. Nananalangin na sana ako ay iyong pakinggan. Pakinggan aking hinaing at nawa'y ako ay iyong hugasan. Hugasan sa mga kasalanang aking nagawa at patuloy na ginagawa. Diyos ng pag-ibig ako ay naniniwala na ikaw lamang ang makakatanggal ng sakit na aking dala-dala. Hugasan mo ako at muli mo akong ibangon. Tanggalin ang agam-agam sa aking puso at panatilihing naniniwala sa iyo.

Ang sakit at sugat sa aking puso, hinanakit sa mga taong may gawa nito, nawa'y patawarin niyo. Damhin aking hinaiing Diyos ni Abraham at siyang aking Diyos patawarin niyo ako sa lahat ng aking kasalanan. Patawarin niyo ako at inyo akong hugasan. Tulongan niyo ako muling bumangon sa aking nakasadlakan. Hawakan niyo aking mga kamay at igiya ako sa daan tungo sa inyo. Samahan niyo ako Ama sa aking kalbaryo at malaya kong tatangapin ang hamon ng buhay. Salamat Hesus at ito ang aking panalangin.

Amen.

My WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon