Sam's POV
Riiiing!! Riiiiiing! Riiiiiiiiiing!!
Pagkarinig ko palang sa alarm clock ko,bumangon na agad ako at walang patumpik tumpik na nagtungo sa banyo upang maligo.Tulad nga nang sabi ko hindi ako katulad ng iba na halos isumpa na ang unang araw ng klase,mas gugustuhin ko pang mag-aral ng mag-aral kesa nandito sa bahay nagkukulong,hindi naman sa anti-social ako,ayaw ko lang talaga ng walang ginagawa napaka boring.
Tapos na akong naligo at isinusuot ko na ang bago naming uniform,actually kabibigay palang ito last week,kaya maisusuot ko na ito ngayon.
Nagustuhan ko ito dahil hindi kagaya ng uniform ko sa dati kong school.Kung dati ang palda namin above the knee na expose masyado ang aming legs,ngayon mas mahaba na ito at masasabi kong above the knee ito dahil literal na hanggang sa taas ng tuhod ko lamang ito,sunod naman ay ang aming pang-itaas kung dati longsleeves lang na white with matching ribbon,ngayon longsleeves na white at necktie na color gray and white,ang pinagkaiba may coat ito na kulay gray kasing kulay din lang ng amin palda at may logo ng Wexford University sa kaliwang bahagi nito, ang huli kong sinuot ay ang aking black knee socks at ang aking black leather shoes.
Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ako,sinalubong ako ni Nanay Rosa.
"ang aga naman ng alaga ko,excited ka masyado"
"syempre nay,unang araw ko sa skwela ngayon kaya dapat hindi mawawala ang panctuality hahaha"
"sige na,umupo kana at ihahanda ko na ang iyong almusal"
"salamat nay"ipinagluto ako ni nanay ng hotdog,fried rice,at bacon ipinagtimpla nya rin ako ng gatas.
"tumawag pala kanina ang mom mo baka uuwi na raw sila bukas"
"talaga po?!"
"oo anak"
"hay! salamat naman kung ganon..namiss ko sila mom at dad"
"oh sya! dalian mo na at baka ma-late ka,sayang naman yang paggising mo ng maaga..hahaha"
"si nanay talaga oh!"
Binilisan ko na ang pagkain ko at lumabas na ng bahay,sa ngayon hinihintay ko na lamang si Mang Pablo,family driver namin.
"tara na po ma'm"
"Mang Pablo,hanggang kaylan ko po ba kaylangang sabihin sa inyo na Sam na lang"
"eh nakakahiya po kasi ma'am,atsaka hindi po ako kumportable"
"edi sanayin nyo po,kung tatawagin nyo pa po ako ng ma'am....tatanggalin po kita sa trabaho"
"sige na nga ma---este Sam"
"hahaha,mas maayos pakinggan yan kuya"sabi ko sabay pasok sa kotse.May kotse naman talaga ako pero ayaw ipagamit ni mom dahil underage palang daw ako,well I'm just 16,pero si dad okay lang sa kanya siya pa nga ang nagpagawa ng lisensya ko eh,super supportive talaga ni dad,kaya mahal na mahal ko siya.
Pagdating sa parking lot bumaba na ako sa kotse at nagpaalam kay Mang Pablo,natatawa nalang ako sa kanya kapag tinatawag nya ako sa pangalan ko,nahihiya at nauutal kasi siya.Ngayong pasukan nasa Grade 10 na ako.Dumiretso na ako sa bulletin board upang tingnan kung anong section ako,and then shoot! nahanap ko rin sa wakas.Eh ikaw ba naman ang pumasok sa paaralang ito,tingnan ko lang kung di ka mawala.
So ayon sa nakita ko nasa Section-A ako.Hmm not bad.Napagdesisyunan ko nang pumunta dito upang hindi ako malate....
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionWhat if your enemy turns to be your lover? Would you accept it and take the risk for the two of you? or just reject it and continue the flow of your life like nothing happens?... Hi guys! Please support and vote my story.Sana magustuhan niyo,kung ay...