Sam's POV
Ayun nga naging official bestfriend na kami ni Thom,halos araw-araw na nga kaming magkasama eh.May naririnig na nga kaming usap-usapan na 'kami' na daw,na hindi daw kami bagay.Minsan natatawa na lang kami pag nakakarinig kami ng ganyan sa mga studyante sa paligid.Magkasama kami ngayon papuntang cafeteria dahil saktong break time na.Hindi kami magka-klase pero kita niyo naman magkasama parin kami.
"So,ano ang feeling nang maging 'girlfriend' ko?"sabi nya nang nakangisi kaya hinampas ko siya.
"Duh! tigilan mo nga ako Thom!, at isa pa kahit kailan hindi kita papatulan..hahahaha!"tawa ako ng tawa dahil busangot na busangot ang kanyang mukha.Well hindi naman imposible na magka-gusto ako sa kanya,gwapo,matangkad,maputi,at matalino, napapaisip nga ako kung paano sya nagkakasya sa sanga ng punong tinatambayan nya.Habang nag-iisip ako ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya,hindi ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya.
"Kumusta naman ang paninitig mo sa gwapo kong mukha? kabisado mo na ba lahat ng features ko?"
"Hoy! Thom ang hangin ah,kulang na lang liparin tong mga kinakain natin"humagalpak siya ng tawa habang mangiyak-ngiyak na.Nakaka-inis tong lalaking to,ang sarap tadyakan..hahah charr.Ipinagpatuloy na namin ang aming pagkain ng may pumasok na tanong sa utak ko.
"Thom"
"Hmmm?"
"Bakla ka ba?"halos maibuga nya sa akin ang laman ng bibig nya kung hindi nya ibinalin sa ibang direksyon ang kanyang ulo.
"what the f*ck,saan mo napulot ang tanong na iyan?
"wala lang napaisip lang kasi ako,wala kasi akong nakikitang babae na pinopormahan mo,tapos puro lalaki pa ang mga kasama mo pag hindi tayo magkasama"
"Sam,syempre palagi kong kasama ang mga lalaki dahil sa mga tropa ko,at yang mga porma-porma na yan.Tsk! sakit lang yan sa ulo.Wala yan sa bokabolaryo ko"
"Ang bitter mo naman,try mo kayang maghanap ng babae,sayang naman ang dami pa namang magagandang babae dito sa school"
"Sam, hinding-hindi ako iibig sa babae na maganda lang.All I want is that she is beautiful in and out"sabi nya habang nakatingin ng diretso sa mata ko.Nakakailang kaya iniwas ko nalang ang aking paningin.
"Are you done?"tanong nya sa akin,tumango nalang ako sa kanya at sinabing bumalik na kami sa among room.
Habang naglalakad kami pabalik,may tumakbo papunta sa direksyon naming isang babaeng may hawak na ewan ko parang regalo.
"uhmm, Benedict kunin mo yong regalo ko sa iyo oh"sabi ni ateng parang fan ni Thom,napaisip naman ako ang sikat pala nya.Ano kaya ang role nya dito sa school.
"what's that?"tanong ni Thom dun sa babae.
"Cake,last year ko pa sana gustong gawin ito pero nahihiya kasi ako"kinuha nya ang cake at ngumiti sa babae.
"Thank you"
"Congratulations nga pala,dun sa Championship nyo last year.Sana maulit nanaman sa Interhigh"huh? championship? interhigh?,anong pinagsasabi ng dalawang ito.
"Sige,uwi na ako bye!..thank you sa pagtanggap mo sa cake"sabi ni girl at umalis na.Humarap ako kay Thom at nagtanong.
"Ano ka sa skwelahang ito?player ka ba?,president? o bully?"
"hahaha,you're so funny Sam"
"aishhh! eh ano nga,kanina pa ako naguguluhan dyan sa pinag-uusapan nyo ni ate girl eh"pagmamaktol ko.
"okay,fine!...I am a player"
"A playboy?!"
"Yes,kidding. I am a varsity player of basketball"literal akong napanganga sa sinabi nya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love
Teen FictionWhat if your enemy turns to be your lover? Would you accept it and take the risk for the two of you? or just reject it and continue the flow of your life like nothing happens?... Hi guys! Please support and vote my story.Sana magustuhan niyo,kung ay...