Ikaw Nga Kasi! *Chapter XXXIII pt 1

216 8 2
                                    


11:06pm

Ella: Andrew naman! ganun ganun na lang ba yun?

Ella: Isusuko mo na lang lahat?

11:11pm

Andrei: Yumi hindi. ayoko sana kasi kailangan kita. Pero wala na akong ibang paraan. nahihirapan na ako yumi

Ella: Andrew nahihirapan din ako. ang sakit naman, bakit ganito? ayaw ko neto Andrew

Andrei: Yumi makinig ka ha, mahal kita. Mahal na mahal. wag mo sana kalimutan na minahal kita.

Ella: mahal din kita Andrew pero ang sakit lang kasi alam ko na wala na ring magagawa ang pamamahalan natin.

Ella: Pero Andrew pwede ba magtanong ? sinasabi mo ba talaga kay zoey ang usapan natin ? naging kayo ba talaga ni zoey?

11:20pm

Andrei: oo yumi. pero wag mo sana isipin na niloko o pinaglaruan kita gaya ng sinabi ko kanina. hindi totoo yun. oo nung una sinasabi ko kay zoey ang tungkol sayo kasi na weweirduhan ako sayo kaya sinasabi ko sa kanya. pero habang tumatagal hindi na kasi gumagaan na ang loob ko sayo yumi, nagiging masaya na ako habang kausap kita. na eenjoy ko na ang bawat sandali ng pag uusap natin. sumaya ako nang makilala kita. Oo nagkaroon kami ng relasyon ni zoey noon bago naging kami ni joanna. tumagal din kami ng two years. oo minahal ko siya pero iniiba niya ako sa mismong ako. gusto niya akong baguhin . gusto niya na maging ako sa gusto niya sa isang lalaki at ang hirap. binabago niya ang totoong ako at sa ginagawa niya ay hindi niya ako nirerespeto. hanggang sa sumuko na ako sa kanya kasi nawawala na yung pagmamahal ko sa kanya. noong una hindi siya pumayag na maghiwalay kami pero wala na siyang choice kundi i respeto niya ang desisyon ko. nakikiusap ako sa kanya na kahit doon man lang ay irespeto niya ako kaya pumayag siya. Pero nakiusap siya na maging close pa rin kami gaya noong mga bata pa kami at pumayag ako dahil kababata ko siya at may pinagsamahan din kami at Nasa company nila nagtatrabaho si mama at papa.

11:37pm

Ella:*seen*

Andrei: ayaw ni zoey na may nag aaligid sa akin noon na mga babae. pag may napapansin siya na lumalapit sa akin ay agad niya itong sinasampal at tinatakot niya gamit ang katayuan niya sa buhay. mayaman si zoey kaya yung ibang babae nilalayuan ako dahil takot sila kay zoey hanggang sa nag punta siya sa USA. naging kami ni Joanna na kaibigan mo dahil itinago ko sa kanya ang tungkol sa amin ng bess mo pero nalaman niya rin iyon pero hiwalay na kami ni Joanna .

Ella:*seen*

Andrei: hindi ko sinasabi sayo ang tungkol kay zoey dahil kahit ako ayaw ko rin isipin ang mga ginagawa niya sa akin. ang mali ko ay sa kanya pa ako nag open about sayo kaya nalaman niya ang tungkol sayo. I'm sorry yumi.

Ella: pero bakit ang bait niya sa akin habang kinakausap ko siya ? habang nag-uusap kami.

Andrei: ganun talaga siya yumi plano niya yun para makilala ka niya. para may magamit siya laban sayo. kaya sinabihan kita noon na wag mo na lang siya kausapin. noong sinabi mo sa kanya na gusto mo na makipag kita sa akin ay bigla siyang umuwi.yun yong dahilan kung bakit siya umuwi kaya sinabi ko noon sayo na hindi ko gusto ang pagbabalik niya sa pilipinas.

Ella: *seen*

Andrei: kaya ngayon nahihirapan tayong dalawa. patawad

11:46pm

Ella: Andrew paano na ? lalayo na ba tayo sa isa't isa ? nakakalongkot naman.

Andrei: kung pwede lang sanang makiusap sa bathala na baguhin ang kapalaran natin ay ginawa ko na. yumi hindi ko rin kaya na lumayo sayo kasi iniisip ko pa lang ay hirap na hirap na ako. nasanay na ako sa ganito. nasanay na ako sa ginagawa natin. payapa na ang mga loob natin pero hindi natin akalain na may dumaan na bagyo. bagyo na malakas. nasira ang payapa. bagyo ng masakit na katotohanan.

Ella: andrew Alam natin na matibay ang ginawa nating pundasyon sa munti nating mundo. alam kong walang nagkulang Andrew. binuhos natin ang ating lakas para maging makulay ang mundo na binuo natin pero kahit gaano pa pala katibay ang binuo natin ay may isang sakuna pa rin na wawasak sa mahiwaga na sandali. sa mahiwaga na binibigyan natin ng buhay. napakasakit naman isipin na mapupunit ang munting mundo para sa ating dalawa.

Andrei: yumi wag na lang natin isipin ang mundo na binuo natin. ang isipin nalang natin kung ano ang kasiyahan na naibigay sa atin. yumi maaring mawala ako, pero mananatili ka na nasa puso ko.

Ella: Kay hirap naman isipin na maghihiwalay na tayo. pwede bang panaginip na lang ang lahat ng ito?
pwede bang ikaw na lang at ako ang tao sa mundo? para maging masaya pa rin tayo at magkasama pa rin tayo? kasi napakahirap tanggapin ang katotohanan Andrew hindi ko makakaya.

Ella: Oo naintindihan kita na mas inuuna mo ang pamilya mo kasi kung ako ang nasa sitwasyon mo pamilya ko rin ang pipiliin ko pero Ang hirap kasing tanggapin. hindi ko kaya..

Andrei: yumi makinig ka. kayanin mo.. makakaya mo na wala ako. Magpakatatag ka. hindi man kita nakita ng personalan, nakikita naman kita sa puso ko.

11:54pm

Ella: is it over now ?

Andrei: mahirap man sabihin pero oo. ang sabi ni zoey dapat maiblock na kita bago sumapit ang bukas. itong gabi lamang ang palugit niya sa akin. kaya niyang ma control ang facebook ko kaya wala na akong magagawa. basta Yumi mag iingat ka. Sana makahanap ka ng taong hindi ka sasaktan at iiwan sa ere gaya ng ginawa ko.

Ella: Andrew hindi ko kaya!! mahal kita. mahal kita Andrew...

Andrei: And i love you so much yumi!

Ella: Andrew wag na lang. Wag ka na umalis. kailangan kita Andrew plss???!!!

Andrei: Yumi wag na natin pahirapan ang sarili natin.

Ella: gumawa ka ng ibang account Andrew at ibahin mo yung pangalan basta ganun! sige na!!

Andrei: pwede yun pero pag nalaman ni zoey iyon ikaw na yung mapapahamak. at hindi ko hahayaan na mangyare yun. gusto niya na sumama sa akin kanina na makipagkita sayo pero hindi ako pumayag baka kung ano pa ang gagawin sayo kaya mas pinili ko na lamang na hindi ka puntahan kanina.

Ella: okay lang Andrew. tatanggapin ko kung ano man ang gagawin ni zoey sa akin. basta wag ka lang lumayo!

Ella: Andrew ano ba !!! plss plss plss!! wag ka na lang lumayo. !!! di ko kaya.

Andrei: yumi plss ? ayaw ko na mahirapan kapa.

11:57pm

Ella: Kung yan na talaga ang desisyon mo sige. kahit masakit bibitaw na ako. bibitaw na ako andrew. Salamat sa lahat andrew, salamat sa araw-araw na kasiyahan na bigay mo. salamat dahil pumayag ka na pumasok ako sa buhay mo. salamat dahil minahal mo ako. salamat dahil Naging masaya ako. Andrew ang sakit. ang hirap, nakakapanghina pero sige , hahayaan kita. papayag ako na umalis ka. sige Andrew pinapalaya na kita but here's my one word to say before we end our conversation...

Ella: I love you Mr. Andrew De Villa.

12:00am

Andrei: I love you too Ms Yumi Rodriguez!

Andrei: Good Bye.


You can't reply to this conversation. Learn More

Ikaw Nga Kasi! (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon